Kabanata 48

11.7K 148 19
                                    

A/N: Hello! Sorry sa late update guys! Responsibilities and such came up kaya wala talaga akong time gumawa ng ud. Sorry kung medyo lame ang chapter na ito. Haha! Edit ko nalang pag may time na. Anyway please VOMMENT. Bestow me if I deserved it. Lol. Thank you kasi kahit papaano mayroon paring nagbabasa. More or less 10 chapters nalang siguro 'to.

~*~

Kabanata 48

I never imagined that this night that supposed to be fun would turned out to be one of my worst nightmare. The worst thing that could ever happen has happened—he already left. He dumped me like a waste. He abandoned me. He finally ended our dirty little secret. He finally said the words I'm afraid to hear from him.

Mas masakit pala na galing pa sa kanya ang mga salitang iyon. Umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya.

Let's not see each other anymore...

It was a mistake, Elora...

I can't do this anymore... Not with you...

Pagkatapos niyang wasakin ang puso ko, basta basta nalang niya akong iniwan doon nang hindi man lang lumilingon. He have no idea how worthless he made me feel.

Natagpuan naman ako nina Abel at Lev sa labas ng club. Balisa at namumugto ang aking mga mata nang mga sandaling iyon. Halos maghisterya naman si Abel sa kakatanong sa akin kung ano ba ang nangyari at sa ganoong sitwasyon nila ako nadatnan pero wala akong naging imik. There was no energy left for me. I was feeling mixed emotions that time— but most of all, I am furious and inconsolable.

Galit na galit ako sa kanya dahil napaka-selfish niya at dahil napaka-duwag niya. Sarili lang niya ang inaalala niya! He call himself a man? Mas lalaki pa yata sa kanya si Abel, eh! He is the worst man to love!

People often say that time heals all wounds and take away all grief. The truth is there are certain sorrows and pains that never fade. This pain will never fade... No amount of time would be enough to heal this excruciating pain in my heart. Walang kahit sinuman ang makakapag-alis ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Can somebody please tell me how to deal with this fucking heartache? Because I don't have a fucking clue.

Umuwi na kami ni Abel sa mansyon. Pagkatapos kasi nila akong makita, hindi na sila bumalik ulit sa loob. Nagpasya si Abel na umuwi nalang kami dahil sobra siyang nag-aalala sa akin. Naiinitidihan naman iyon ni Lev. Nasira ko pa tuloy 'yung huling gabing magkakasama sila ni Lev dito sa bansa. Wala na talaga akong nagawang tama.

"Elora, please say something... Hindi din ako makakatulog knowing that you're not okay. That something happened to you earlier. Please tell me what happened so I know what to do." He said when we finally came home and now we're currently in my room. Nakapagpalit na ako ng pambahay dahil pinasamahan niya ako sa mga katulong.

I wipe my tears and look away. Mukha na siguro akong tanga at kaawa-awa sa paningin niya. Nahihiya ako sa kanya pero hindi ko naman kayang pigilan sa pagpatak ang mga luha ko.

"I-Iwan mo muna ako, Abel... I just want some time alone, please." I pleaded. My voice cracked.

Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Hanggang sa pinagbigyan din niya ang aking hiling.

"Let's talk tomorrow when you're finally feeling better." aniya bago niya ako tuluyang pinagbigyan sa aking hiling.

Hindi na natapos tapos ang luha ko nang gabing iyon. Pinilit kong makatulog para kahit papaano'y makapagpahinga naman ang mga mata ko sa walang tigil na pag-iyak at ang aking isip sa pag-iisip sa problema. Nakatulog akong may luha sa aking mga mata.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon