Kabanata 49

11.3K 140 9
                                    


Kabanata 49

Rumours about my affair with Deo spread like a wildfire. Wala pang isang oras ay ibinalita na agad ang tungkol doon sa telebisyon.

Pagkakuha ko ng apartment na pansamantala kong tutuluyan, nanood agad ako ng balita para malaman ang kumakalat na balita tungkol sa amin ni Deo. I was afraid to watch the news but I need to know where and how did the rumour started.

Unang ipinahayag sa isang sikat na news station na nagsimulang kumalat umano ang balita tungkol sa amin ni Deo nang may magpost sa isang social media ng larawan naming dalawa na magkayakap. Hindi ako pwedeng magkamali... ang larawang iyon ay nakunan lang kagabi, pagkatapos kong awatin si Deo.

Nakita pa sa larawan na may lalaking nakahandusay sa harap naming dalawa ni Deo. Nabanggit sa report na nakuhanan daw nila ng pahayag ang lalaking iyon na kasalukuyang nagpapagamot ngayon sa ospital. Ipinakita nila ang duguan at puno ng pasa na mukha ng lalaki habang ini-interview nila ito.

The reporter asked the man what was the main reason why Deo assaulted him. Ang sabi ng lalaki ay nilalandi ko daw siya nang gabing iyon kaya natukso naman siya sa akin at kaya niya ako pinatulan. Pero nagulat nalang daw siya nang kaladkarin nalang siya bigla ng isang lalaki sa labas ng club at walang habas siyang pinagsusuntok sa hindi malamang dahilan. Ang tinutukoy nga niya doon ay walang iba kung hindi si Deo.

Napasinghap ako sa naging sagot ng lalaki. Hindi ko akalaing babaliktarin niya ang kwento. Ako na 'yung inagrabyado pero ako pa ang gagawin niyang masama sa mata ng publiko.!Kating kati akong humarap sa media at sabihin sa kanila ang totoo pero hindi ko pa magawa dahil ayaw kong magpadalos-dalos.

May mga kasunod pa silang ipinakitang larawan kung saan magkasama kami ni Deo sa yate, sa kanyang kotse at marami pang iba na kami lang ang magkasama. Ang mga iyon naman daw ay nagsimula na ring magsilabasan pagkatapos mai-post sa social media ang naunang larawan.

Hindi pa ako pwedeng magbigay ng pahayag dahil kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Mananahimik ako sa ngayon pero gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan ko sa lalong madaling panahon.

At tungkol naman sa issue tungkol sa amin ni Deo, aaminin ko rin iyon pero sisiguraduhin kong hindi lang ako ang magiging masama sa mata ng lahat dahil unang una, hindi din naman naging tapat si Ivana kay Deo. She cheated on him with his own cousin! Pangalawa, wala naman talaga kaming relasyon ni Abel kaya malaya akong mamili kung sino ang mamahalin ko. Too bad, I just realized that I chose the wrong person.

Ibinalita na din ang ginawang pagsugod ni Ivana sa akin sa mansyon nila Abel. Pati na rin ang tuluyang pagpapalayas di umano daw sa akin ng mga Gomez. Wala pa daw silang nakukuhang anumang pahayag kay Ivana pero ang sabi daw nito ay magsasalita na siya bukas dahil depressed daw siya umano sa pinagdadaanan niya ngayon.

She even cried in front of the cameras like she was really hurt! Tangina! Ako 'yung sinaktan niya kanina!

Hindi ko lang magawang manlaban kanina dahil naunahan ako ng pagkagulantang ko dahil sa pagsisiwalat niya sa harap ng mag-ama!

Kung alam ko namang mahal o minahal niya talaga si Deo, handa ko namang harapin lahat ng kaparusahang ipapataw sa akin...pero hindi! Dahil nakita't narinig ko lahat ng plano niya kay Deo. She's even way more horrible person that I am! I can't fathom why she's behaving as though she's the injured party, when we both know that's very far from the case!

Pinapangako ko sa sarili kong iyon na ang huling beses na maagrabyado niya ako o ng kahit sinumang tao. Pagod na akong maging mahina. Pagod na akong wala man lang nagagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Pagod na ang mga mata ko sa walang tigil na pag-iyak. Ayoko nang maapak-apakan ulit ng ibang tao. Ayoko nang magsisi ulit na hinayaan ko lang na paglaruan at saktan nila ako. Tama na 'yung naranasan kong sakit at mga natanggap kong pang-iinsulto.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon