Kabanata 50

12.3K 208 7
                                    


This chap up to chapter 60 is raw/unedited  Fast-draft lang po ito kaya edit nalang pag may time. Please bear with me tnx :) 


Kabanata 50

I didn't get enough sleep last night. Kahit na kaunting oras lang ang naging tulog ko, pinilit kong gumising ng maaga para makapaghanda na sa interview namin ni Abel mamaya. I have decided to finally make an interview today. I will not regret, let alone turn back.

I know I said that I should be careful at dapat kong pag-isipan nang mabuti ang mga gagawin ko. Pero habang wala akong ginagawa at wala akong imik sa mga nangyayari, mas lalo lang akong nagiging guilty sa mata ng mga tao. At sasamantalahin lang ni Ivana ang pagkakataon para mas lalo niya akong masira sa publiko. She has gone too far. The public's negative reaction towards me are now getting worse and worse because of her made up stories.

Maagang tumawag si Abel sa akin para paalalahanan ako sa huling pagkakataon. Kung handa na siyang harapin ang mundo, kailangan ay kayanin ko na rin. This time, it's now or never. Takot man ay kailangan ko nang humarap sa media para ipaliwanag ang side ko. I really need to step out and explain everything to clean all the mess that Ivana and other people has created against me.

Sinundo ako ni Abel sa apartment at sabay na kaming nagpunta sa studio ng isang sikat na talk show na siyang nag-interview din kay Ivana kahapon. Pagkarating palang namin sa establisyemento ay kaliwa't kanan na ang pagkuha nila sa amin ng litrato.

Kabadong kabado ako pero wala nang atrasan ito. I knew what I was getting myself into. Kahit papaano nama'y napapanatag din ako dahil kasama ko si Abel ngayon. Alam kong may karamay at kakapitan ako.

Habang naghihintay kami sa dressing room, ginagap ko ang kamay niya at naramdaman ko ang panlalamig ng palad niya. Alam kong mas triple pa ang kabang nararamdaman niya ngayon kaysa sa akin pero hindi niya lang ipinapakita. Despite that, he still managed to smile at me.

"We can do this." Pampapalakas ko ng loob niya. He nodded curtly before the staff finally called us to get out of the dressing room because the show already started.

As soon as we get out, the studio was filled with mixed reactions of disgust, hate and mockery. Panay ang bulungan ng mga audience. May narinig pa ako sa kanila na nagsabing immoral. Alam ko na agad na ako ang tinutukoy nila but I just pretended not to notice nor heard any insulting words from them at itinuon ko nalang ang atensyon sa host na alam kong sa isip niya, ay isa din sa mga humuhusga sa akin ngayon.

It was a strange feeling, having so much attention focused on me right now. Pakiramdam ko ay nasa korte ako ngayon at ako ang hahatulan.

Ni-introduce muna kami ng host bago siya nag-umpisang magtanong.

"Hello, Ms. Montebella and Mr. Gomez, welcome to the show." Paunang bati ng host. Tumango lang kaming dalawa ni Abel sa kanya.

"So before I start asking about the cheating rumours... Ano ang masasabi mo, Ms. Montebella, sa mga naging pahayag ng pinsan mo nang makapanayam ko siya dito? At pinagtangkaan mo daw ang buhay niya kahapon nang sugudin mo siya?"

"Walang katotohanan ang mga sinabi niya. Hindi ko siya pinagtangkaan! I just want her to take back what she said. All of her invented stories. I never had an abortion. Hindi ko kayang kumitil ng buhay. Sinira niya ako sa pamilya ko noon dahil sa kasinungalingang iyan." Depensa ko dahil iyon naman ang totoo.

"I have a proof here that I was admitted on the hospital the same day na sinasabi niyang nagpa-abort ako. Mayroon akong medical certificate dito na nagpapatunay na na-confine ako noon doon dahil sa simpleng lagnat at hindi dahil sa kasinungaling sinasabi niya." sabi ko at pinakita ko naman sa kanila ang medical certificate. Tumaas ang kilay ng host nang basahin niya ang nilalaman ng medical certificate ko.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon