Kabanata 39
"I'm really sorry, hija, that we need to leave you here," paumanhin ni Tito Leo.
Kanina pa siya humihingi ng dispensa sa gagawin nilang pag-iwan sa akin dito sa kanilang mansiyon sa loob ng tatlong araw. Nakatakda kasi ang flight nilang dalawa ni Abel patungong Cebu ngayong araw at sa mga oras na ito ay pasakay na sila sa SUV na maghahatid sa kanila sa Airport. Mag-aalas singko palang ng madaling araw, isang oras na lang at flight na nila.
"Tito, I understand, really..." I smiled genuinely at him to assure him that I'm really okay with it.
Abel heavily sighed beside me. Nakaakbay siya sa akin habang nakapulupot naman ang isang kamay ko sa baywang niya. Only to show to his father how we're going to miss each other.
"I'll just make it up to you once we comes back here, Elora..." He sighed again before he let go of me just so he could face me. Nakangiting humarap naman ako sa kanya.
"Hmm, okay, but promise me... na hinding hindi ka titingin sa ibang babae doon habang wala ako." I joked. I only said that to annoy him a bit but I was amazed when he smiled sweetly at me.
Kung ibang babae lang siguro ako at hindi ko alam ang tunay niyang katauhan, baka bumigay na ang mga tuhod ko sa sobrang kilig. I can't deny that he has really this magnetic charm that he can make anyone fall for him for an instant.
"No other woman... only you." He huskily said.
Then, he gently cupped my face and gave me a quick peck on my lips. Ni hindi man lang iyon tumagal ng limang segundo. Parang isang balahibong dumampi lamang sa labi ko. Lumayo na agad siya sa akin. Sa sobrang bilis ng pangyayari, napamaang nalang ako. Bahagyang nanlalaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa ginawa ni Abel!
Did he... Did he just kissed me?! Oh my God! Bakit hindi niya ako inabisuhan kanina? Hindi ako nakapaghanda! Hindi sana ganito ang magiging reaksyon ko ngayon!
Saka lang nagbalik ang diwa ko nang marinig ko ang marahang paghalakhak ng kanyang ama.
"Oh, love birds!" Tito Leo chuckled heartily. "I don't want to disturb you two, but I think we need to go now, son." Pahayag niya sa masiglang tono.
Ipinilig ko ang ulo ko.
I need to pull my shit together at kahit papaano'y nagtagumpay naman ako kahit na medyo lutang pa rin dahil sa walang pasabing halik ni Abel sa akin.
It was just a simple kiss, a friendly kiss, in fact pero pakiramdam ko, para akong ninakawan. Well, technically, ninakawan talaga niya ako ng halik. Wala lang naman talaga iyong malisya para sa akin pero bakit pakiramdam ko nagkasala ako kay Deo?
I feel like I cheated on him! Damn it! Kung anu-anong kalokohan na ang naiisip ko!
"Ugh, mag-iingat po kayo sa biyahe, Tito." wala sa sariling wika ko kay Tito sabay halik sa pisngi niya upang tuluyang makapagpaalam.
Tumikhim ako bago muling bumaling kay Abel na ngayon ay nakaigting ang panga. "Just call me when you have time, Abel. Don't worry about me. I'll be fine here," Saad ko sa mababang boses. I still managed to smile at him kahit na gustong gusto ko na siyang tanungin ngayon kung bakit ginawa niya ako hinalikan.
Bakit nga ba niya biglang ginawa 'yun?
I guess, his acting skills levelled up, eh?
Pagkaalis ng mag-ama sa mansyon, habang mag-isa akong kumakain ng breakfast, naisip ko na naman ang mga pang-iinsulto ni Ivana sa akin noong huli naming pag-uusap.
Marahas kong tinusok tinusok ang hotdog sa plato ko habang iniisip iyon. Akala ba niya matitinag ako dahil sa mga salita niya? Puwes, nagkakamali siya! Dahil sa ginawa niya, pinatunayan lang niya na naiirita siya sa presensya ko at iyon mismo ang gusto kong mangyari!
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...