Kabanata 19

13.3K 188 3
                                    


Kabanata 19

Sinunod ni daddy ang gusto ni mommy. Mabilis siyang nagtawag siya ng mga guard habang patuloy akong nagmamakaawa kay mommy.

"Mommy, please... please talk to me," I sobbed. I looked so miserable for crying in front of them, begging to just let me talk to mom first but they still didn't let me.

Umiwas nalang ng tingin si mommy at pumasok na sa kwarto. Susundan ko sana siya sa loob pero hinarangan ako ni Ivana. Sinubukan ko siyang lagpasan pero maagap niya akong pinipigilan.

"Huwag kang haharang harang sa daan ko! Umalis ka diyan!" halos pahisteryang sigaw ko sa kanya dahil sobrang nawawalan na ako ng pasensya pero hindi pa rin siya nagpatinag.

"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, Elora. Nagmumukha ka ng tanga at kaawa awa. Just. Leave." Taboy nito sa akin. Puno ng galak ang mga mata niya. Halatang nagugustuhan niya ang lahat ng nangyayari ngayon.

"Wala kang pakialam!"

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa kanya kaya naitulak ko na siya ng ubod lakas. Dahilan para mapasubsob siya sa sahig pero wala na akong pakialam kahit magkanda-bali bali pa ang mga buto niya! Sobrang sinagad na kasi talaga niya ang pasensya ko sa kanya.

Papasok na sana ako sa kwarto ni mommy pero siya namang pagbalik ni daddy kaya mabilis niya akong pinigilan. Halos hindi ko na siya kayang tawaging 'daddy' kahit man lang sa isip ko. Ibang tao na siya sa paningin ko, kagaya ng pagtrato niya sa'kin ngayon. Si mommy nalang ang meron ako, eh...pero pati siya sumuko na rin ba sa akin?

I used to think when I was a child that their world only revolves around me because I am their only child. All of their attention was only for me. Their love for me was overflowing that it comes to the point that it is already making me irritated sometimes because it's just too much for me. Pinagarap ko noong magkaroon ng kapatid para kahit papaano ay may kahati man lang sana ako sa atensyon at pagmamahal nila but unfortunately, I didn't have.

Ako lang 'yung nagbibigay ng kahulugan at kaligayahan sa buhay nila at ganoon din naman sila sa akin. Pero ngayon, nagbago na ang lahat. Dahil iyong mga taong inalagaan at walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako noon ay wala ng pakialam sa akin ngayon.

Now, I just felt so unwanted.

Wala silang ibang gustong mangyari ngayon kundi ang mawala ako sa harapan nila. Parang nalalagay sa panganib ang buhay nila dahil lang sa presensya ko and it hurts so much... Iyong tipong gusto mo nalang talagang mawala sa mundo.

Nang dumating na ang mga guard, wala na akong nagawa pa. Sigaw at pag-iyak nalang ang tanging nagawa ko. Parang wala lang iyon kay dad nang pumasok na din siya sa loob ng kwarto at mabilis itong isinara.

Pinilit kong makawala sa mga gwardya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng lakas. Kinaladkad nila ako hanggang sa makalabas ako ng ospital. Pinagtitiginan ako ng mga tao. May mga ibang mukhang naaawa, mayroon namang iba na kung makatingin sa akin ay daig ko pa ang isang baliw.

"Huwag ka ng babalik dito, Miss. Kapag nagtangka ka pang manggulo, pulis na ang dadampot sa'yo!" banta ng isang guard sa akin pero wala akong pakialam sa mga sinasabi niya.

Tinapakan ko ang paa nung isang nakahawak sa akin sa kanang kamay ko kaya agad itong napadaing. Nabitawan niya ako kaya malakas ko namang sinampal sa mukha 'yung guard na nagbanta sa akin bago ako mabilis na tumakbo palayo sa kanila. Sinubukan pa nila akong habulin pero sa huli ay nawala na din sila.

Halos wala ako sa sarili ko habang tumatakbo. Hingal na hingal ako nang makasakay na ako sa sasakyan ko. Napahampas ako sa manibela tsaka ko isinubsob ang mukha ko doon. Doon ko ipinagpatuloy ang pag-iiyak. Umaalingawngaw parin sa isipan ko ang lahat ng masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila.I can't seem to understand why mom did it to me.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon