Kabanata 24

13.5K 182 7
                                    


Kabanata 24

Dahil nakita na rin lang ako ni JB ay hindi ko na pwedeng bawiin ang tingin ko sa kanya at magpanggap na walang nakita. Kaya naman pilit na ngumiti ako sa kanya pero umigting lang ang panga niya at mabilis na nag-iwas ng tingin. May sinabi siya sa kasama niya pero hindi ko na narinig kung ano iyon.

"Hey? What are you looking at?" Abel snapped me at tumingin din sa direksyon ng tinitignan ko pero pinigilan ko na siya agad. Dahil nabisto na ako ay sasabay na din ako sa kanya sa pag-alis dito.

"Uh, I think I need to go now, too. Sa bahay nalang pala ako magsi-cr. Let's go?" Tumayo na ako at niyaya ko na siyang lumabas. Pinangunutan niya ako ng noo. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at naglakad na palabas kaya sumunod na din siya.

Kinagabihan, habang nagdi-dinner kami ay napansin kong pasulyap sulyap si JB sa akin. Tuwing titingin ako sa kanya ay iiwas naman agad siya ng tingin. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at pinagpapatuloy ang pagkain.

Nakagawian na pagkatapos ng dinner ay nagtitipon kami sa living roon at manonood ng Netflix pero kahit kailan ay hindi ko pa napansing sumabay sa amin si JB. Ngayong gabi ay himala yatang naroon siya. Napansin din iyon ni Bree kaya pinansin niya ang kapatid pero dedma lang si JB sa kanya.

Naisip ko tuloy na may dahilan kung bakit ganito ang inaakto ngayon ni JB. Hindi kaya binabantayan niya ang kilos ko? Baka iniisip niyang magsusumbong ako sa kapatid niya o sa mga magulang niya kapag wala siya?

Nang nakaramdam na ako ng antok, nagpaalam na ako sa kanila para mauna nang matulog. Pagka-akyat ko sa taas ay narinig kong may tumawag sa akin kaya napahinto ako.

"Wait!" sigaw ng isang boses para kunin ang atensyon ko kaya lumingon naman ako at nakita kong si JB pala iyon.

"Hmm?" tumaas ang kilay ko sa kanya. Lumapit agad siya sa akin.

"May sasabihin ka, JB?" tanong ko sa kanya. Humugot muna siya ng mabilis na paghinga bago siya nagsalita.

"D-Did you already told mom and dad about...about what you saw in the coffee shop earlier?" nahimigan ko ang kaba sa boses niya.

Sabi na 'yun ang sasabihin niya eh!

"No. Why?" maagap kong tanong. "What would I tell them? That I saw you with a girl?" kalmante kong sinabi. Bumagsak ang tingin niya sa sahig saka kumuyom ang panga niya sa sinabi ko at iyon ang nagkumpirma sa tanong ko sa kanya.

"Is she your girlfriend?" dagdag kong tanong na mabilis na nagbalik ng tingin niya sa akin. Hindi siya nakaimik. Tumango lang siya pagkalipas ng ilang sandali.

Napabuntong hininga ako at napangiti sa kanya. "Don't worry, I won't tell them if you don't want me to."

"Really?" his forehead creased in disbelief. Bakas sa mukha niyang para siyang nabunutan ng tinik.

"Yes, but...I want you to promise me one thing." Kondisyon ko.

"What is it?"

"Huwag ka ng makikipag-away sa kahit kanino." Deklara ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Huh?" litong saad niya.

"I heard you. You said you will punch someone again. So who is that someone?" Tanong ko nang hindi inaalis ang mga mata ko sa kanya.

Nagdilim ang mukha niya at nararamdaman kong bumibigat ang paghinga niya.

"It was Harvey. He's a jerk so it only serves him right." He furiously said.

"Why? Why did you say that? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" I kept on interrogating him.

"He was acting like a true friend to my girlfriend, when in fact, he was just making a moves to steal her away from me."

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon