Kabanata 11
Pinahid ko ang namuong pawis sa gilid ng aking noo gamit ang likod ng palad ko nang sa wakas ay natapos na ako sa pagpapalit ng mga kurtina sa sala.
Matamang sinuri ko ang mga ipinalit kong kurtina at napansin kong mas lumiwanag ang buong paligid dahil sa kulay nito kumpara kanina sa mga inalis kong lumang kurtina.
Which is good. Napangiti ako. Baka sakaling maliwanagan din ang utak nung lalaking titira dito! Malala na eh!
Sunod kong tinupi ang mga inalis kong kurtina para iligpit naman ang mga iyon ngayon sa loob ng karton. After putting it all together inside, I carried the box at nilagay ko muna iyon sa gilid para hindi maging sagabal sa daanan.
Pagkatapos ay sumunod na ako sa kusina na siyang bilin sa akin ng lalaking asungot.
Naabutan ko siyang naglalabas ulit sa mga box ng ilang bagong kitchen utensils at mga ginagamit sa pagluluto.
"Come here..." tawag niya sa'kin ng makita niya ako. Lumapit naman ako sa kanya.
"Anong susunod kong gagawin?" walang siglang tanong ko sa kanya. Kulang na lang talaga ay tawagin ko siyang sir dahil kinakarir na niya ang pang-aalila sa akin.
"You wash and make sure to clean all of these." aniya at inilahad sa'kin ang gatambak na bagong kasangkapan sa kusina.
Sa sobrang pagkamaang ko ay hindi agad ako nakapagsalita. Kapagkuwa'y pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Are you kidding me? Paghuhugasin mo ako? Lahat ng iyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Well, alam ko naman kung paano maghugas ng pinggan dahil ako naman ang gumagawa niyon sa unit ko. Pero hindi naman kasing dami ng mga gusto niyang ipahugas sa akin ngayon!
The nerve of this man! He's really testing my patience!
"No, I'm not kidding. And yes, gusto ko pagkatapos ng sampung minuto tapos mo nang hugasan at maayos sa lalagyan ang lahat ng mga ito." He responded as a smirked tugging at the corner of his lips.
I frowned. I was just really trying to keep my composure and keep my frustrations in place kahit na gustong gusto ko na siyang sakalin at iwanan na lang dito.
Pero dahil nga may atraso ako sa kanya ay kailangan kong habaan ang pasensya ko kahit na sobrang nag-iinit na ang ulo ko sa kanya.
"Okay! Fine! Eto na po!" pagsuko ko.
Inisip ko nalang na matatapos din ang araw na ito at wala na siyang karapatang alilahin pa ulit ako. I swear. Hindi na ulit mangyayari ito! At kung maaari ay ayaw ko nang magkrus pa ulit ang landas namin.
Paano naman mangyayari iyon? Eh sa iisang condominium na nga kayo nakatira ngayon? At magkaharap lang ang mga unit niyo! The dumb voice inside me whispered.
Pinili kong unang hugasan ang mga malilit at isusunod ko nalang ang mga malalaking kasangkapan.
Nakapamewang lang sa harapan ko ang lalaking asungot nang simulan ko ang paghuhugas ng mga plato at kubyertos. I am so extremely pissed because he still have the guts to watch me na tila ba nang-iinsulto ito. Sandali kong itinigil ang paghuhugas at pinukulan ito ng matalim na tingin.
"Are you really just gonna stand there and watch me until I'm done here?" I sarcastically said.
Mas matutuwa pa siguro ako sa kanya at baka sakaling lumamig ang ulo ko kung tutulong na lang siya kaysa magsayang siya ng oras sa panonood lang sa'kin.
Pero sa nakikita ko, parang mas lalong nag-init ang bumbunan ko dahil kitang kita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya habang patuloy ko siyang matalim na tinititigan. Plano ba talaga niyang inisin ako?
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...