Kabanata 56

13.7K 171 15
                                    

Kabanata 56

"Good morning, baby." Deo greeted me with a big smile. There was a bouquet of fresh red roses on his arms. Ibinigay niya iyon sa akin at agad ko naman iyong tinanggap.

"Good morning." I greeted back and smiled at him too. My heart flutters on his simple gestures.

Dumukwang siya palapit sa akin at mabilis na hinuli ang labi ko. Sinuklian ko din naman iyon pero napahinto ako nang may maalala. Kinagat ko ang ibabang labi ko at marahan siyang tinulak sa kanyang dibdib. Kumunot naman ang noo niya sa akin. Lalo na nang mapalinga-linga ako sa paligid. Nasa labas pa kasi ng unit niya kaya nangangamba akong baka may mapadaan at makita kaming nagtutukaan dito.

"What's wrong, baby?" nagtatakang tanong niya.

"B-Baka kasi may makakita sa atin dito, eh. Uh, you know what I mean." Saad ko at nagbaba ng tingin. Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko.

Napahalakhak naman siya sa sinabi ko.

Oh boy! That beautiful sound. I missed his laugh!

"I'm sorry. Hindi ko na kasi naisip iyon dahil sa pagkasabik ko sa'yo." Pag-amin niya at muling napahalakhak habang napapailing. Kapagkuwa'y pinapasok na din niya agad ako sa loob ng unit niya.

Mabuti nalang at gumaling na rin siya. Masigla na siya ulit at hindi ako makapaniwalang maayos na ang lahat sa pagitan namin ngayon. Parang kailan lang nung galit na galit ako sa kanya at ang pinakahuling taong gugustuhin kong makasama ay siya pero heto at kasama ko siya ngayon. Wala akong ibang gustong makasama kundi siya kaya nagpunta ako ngayon dito sa unit niya.

Nakapag-usap na kami ng masinsinan kahapon at buo na ang desisyon kong bigyan siya ng isa pang pagkakataon. I just hope that this time, whatever we have right now won't ruin again...at hindi na ako papayag na mangyari pa ulit iyon. I won't let anyone or anything to destroy us again.

Simula ngayong araw, sisiguraduhin kong mas kikilalanin ko na siya at ang buong pagkatao niya. At syempre, ganoon din siya sa akin. Kailangan naming maging open sa isa't-isa. Trust and communication are the most important thing in a relationship.

Iginiya ako ni Deo sa kusina niya. Napaawang ang bibig ko nang makitang may mga nakahain nang pagkain sa hapag. Everything looked scrumptious!

Napatingin ako kay Deo nang magsalita siya.

"I... I already cooked our breakfast. I just hope na hindi ka pa kumakain." Aniya sa nahihiyang tono habang napapakamot sa kanyang sentido.

Hindi ko mapigilan ang muling pagsilay ng ngiti sa aking labi. I smiled teasingly at him. He looked cute when he's this being shy. Para siyang nagbibinata kung mahiya pa sa akin!

I laughed at that thought.

"Tamang tama pala eh. Hindi pa nga ako kumakain. Gutom na rin ako..." napanguso ako. Nagliwanag naman ang kanyang mukha at mukhang nasiyahan sa narinig.

"Perfect then! Uh, let's eat?" He excitedly said and I nodded right away. He quickly pulled a chair for me. Kinuha niya ang plate ko at pinaghain pa niya ako. Kulang na nga lang ay subuan na niya ako. Masyado niya akong bini-baby pero hindi ako magrereklamo doon.

Habang kumakain ay panay ang kwentuhan namin tungkol sa mga memories namin noon dito sa condominium. Pawang masasayang alaala lamang ang pinagkwentuhan namin kaya sobrang ganda ng takbo ng usapan namin.

Masasabi kong ang ganda ng simula ng araw ko.

Busog na busog ako pagkatapos naming kumain. Mukhang napadami yata ang kinain ko at hindi ko na iyon namamalayan dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya kanina. Kaya naman nagstay muna ako sa unit niya habang nagpapababa ng kinain.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon