Kabanata 28

13K 174 5
                                    


Kabanata 28

His eyes narrowed on my face but we shared a look that lasted for only seconds. I couldn't believe na siya pa talaga ang unang bumitaw sa titigan namin. The stoic look in his eyes made my chest tighten. Para kasing hindi niya ako nakilala at wala lang sa kanya na nagkita kaming muli makalipas ang ilang taon.

Hindi niya ako nakilala? O baka nakalimutan na niya ako?

Hindi na naulit pa ang pagtingin niya sa akin. His attention was only focused to Tito while they were still talking. Hindi ko na namamalayan kung ilang minuto na akong nakatingin sa kanya hanggang sa makita kong naglalakad na sila ni Tito Leo at mukhang patungo sila sa amin! My heart rate sped up even more that I felt like I couldn't breathe anymore. Sobrang sakit na ng dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito. Nagpapanic ang buong sistema ko at hindi ko na malaman kung ano ang dapat kong gawin.

My body went rigid that I couldn't move my feet anymore. My knees go weak and shivers rip through my body. When they're only inches away from us, I gather all my strength to regain my composure.

Damn! Keep your shit together, Elora! I tell myself and force my body to relax. I force out all the bad feelings that coursing through my body. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang ngiti sa aking labi. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang saktong paglapit nila sa amin ay saka naman ako kinausap ni Abel na nakalimutan ko na ngang nasa aking tabi pala.

"Are you okay, babe?" he said in a soft voice.

This is the first time that Abel called me that. Siguro ay gusto niyang pag-igihan ang pagpapanggap namin. Sigurado akong narinig ni Deo ang sinabi ni Abel sa akin pero hindi ko na dapat pang alalahanin iyon. I should think how to act cool!

Tumingin ako kay Abel at ngumiti ng malapad sa kanya.

"Of course, babe." I assured him. I tried so hard to keep my voice steady. Bago pa makapagsalita ulit si Abel ay inunahan na siya ni Tito Leo.

"Everyone, I want you to meet our new business partner, Deovon Almazan." Tito introduced him to us with a pride.

Mas lalong nanlambot ang mga binti ko. I was afraid to look at him again but I still did. Nakipagkamay at nakipagkilala siya sa bawat isa sa mga businessman na kasama namin. Ngayon ko nalang ulit narinig ang boses niya kaya pakiramdam ko ay nanunuot iyon sa tenga ko.

Nang matapos makipagkamay at nakipagkilala si Abel sa kanya ay saka naman niya itinuon ang tingin sa akin. A smile slowly crept on his lips. Pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. His hard features are making me feel more uneasy but I still tried to look unfazed.

"And who is this lady beside you, Mr. Gomez?" he asked in a stoic voice pero sa akin parin siya nakatingin. His stare was intense.

"Oh! This is my girlfriend, Elora Montebella." Abel quickly responded. I caught how his jaw clenched after Abel said that. Naisip kong baka dahil narinig niya ang pangalan ko ay naaalala na niya ako sa wakas. Pero hindi ko alam kung bakit nagkunwari siyang hindi niya ako kilala.

"Hi, Ms. Montebella. I'm Deovon Almazan. It's a pleasure to meet you." He said so graciously with a smile before he extended his hand for me.

His face void of any emotion so I could not read what's running on his mind right now. But I was so stunned when he said that and act like I'm just a stranger to him.

"Hi..." I said in an almost inaudible voice. It was all I could say. What can I say when he's acting this way?

Without thinking I reached for his hand and the two of us politely shook hands like it was really our first time to meet each other. As soon as our skin touches, I felt a tingling reaction all the way through my body. Sana lang ay hindi niya naramdaman ang panginginig at panlalamig ng kamay ko.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon