Sigurado ako na sa mga oras na 'to ay sobrang putla na ng mukha ko. Hindi ako makapaniwalang sa kanya nga ang wallet na napulot ko sa labas ng hotel na ito! Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin ko sa litrato niya sa kanyang ID at sa mukha niya. Nang hindi ako makuntento ay naghanap pa ako ng ibang pwedeng pagkilanlan sa wallet at puro pangalan nga niya ang nakalagay doon!
Oh, damn! What did I put myself into!?
"So? Care to explain now?" The guy named Deovon Azaiah Almazan said. There was an alarming danger on his face. Nag-aalangan akong tumingin sa kanya, hindi lang dahil alam kong na-corner niya ako kundi dahil hindi pa siya nakakapagsuot ng kahit anong damit. He's still topless and his fucking abs is making me feel more uneasy.
I took a deep breath first to calm my senses before I finally have the guts to speak.
"I—I'm soryy, okay? H-Hindi ko naman alam na sa'yo ito. Ang totoo...napulot ko ito kanina sa labas." There! I finally said the truth! Pero mukhang hindi siya naniniwala sa akin.
"Really? What a great excuse, Miss." He mocked with a grin.
I snorted in annoyance. "So you really think na magnanakaw ako? Excuse me, may pera din ako! Nagkataon lang na naiwan ko sa condo kaya napilitan akong kumuha dito! Ibabalik ko naman talaga 'to sa may-ari, eh! I didn't know that you're the owner!" Hindi ko na mapigilang ilabas ang pagkainis ko.
Mas lalong nalukot ang mukha ko nang tumawa pa ito. "I didn't say that you're a thief, Miss. Gusto ko lang malaman kung bakit hawak mo ang wallet ko." He said with an amused grin.
I can't help but to roll my eyes to him. "Sinabi ko naman 'diba? Napulot ko lang ito sa labas ng hotel kanina! Bakit kasi napakaburara mo? Hmp!" nayayamot kong sinabi.
"Dapat nga magpasalamat ka sa pagkaburara ko dahil nakinabang ka." At muli na naman itong tumawa. Gosh! I hate his laugh! "You owe me, you know?" aniya at makahulugang kumindat sa'kin.
"What do you mean?" napangiwi ako. "Kaya kitang bayaran, 'no! Hindi ako tatanaw ng utang na loob sa'yo!" bulyaw ko sa kanya. Of course, I really felt embarrassed and I really owe him. Gusto ko lang pagtakpan ang pagkahiya ko sa nangyari.
Dahil sa sinabi ko ay tumaas ang kilay niya. "Okay, then. You will pay now. Give me back my money." He said in a serious tone.
"W-What?" kinakabahang utas ko.
"I need my money back." Mabilis niyang sagot.
Nanuyo ang lalamunan ko habang iniaabot ko sa kanya ang wallet niya pero tinignan lang niya iyon. "Here! Kunin mo na!"
He shook his head lightly as he pursed his lips. "No. I need my whole money back, including the money that you've spent." He said in as-a-matter-of-fact way.
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. "P-Pero wala nga akong dala ngayon. Naiwan ko—"
"Exactly. That's why we're going to your condo so you can pay me back." Aniya na parang desidido siyang gawin iyon.
"What? Hell, no!" mabilis kong pagtanggi. Hindi pwedeng mangyari ang gusto niya! Malay ko ba kung anong gawin niya kapag isinama ko siya sa condo! Baka malaman pa ni mom at iyon ang ayaw kong mangyari! Mabubuko ako kapag nagkataon!
"I have no choice but to call the police then?" he said nonchalantly but there was a warning on his tone! Gaaaah! Pinagpapawisan na ako ng husto at nanginig na bigla ang mga kamay ko sa nerbyos.
Naiisip ko palang na makukulong ako ay natatakot na ako ng husto. Marami siyang pwedeng maging sapat na ebidensya kung gusto niya akong sampahan ng kaso at siguradong matatalo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Roman d'amour[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...