Kabanata 30
Hindi na ako bumalik pa sa pavilion dahil hindi ko na kayang harapin pa si Deo nang araw na iyon. Dumiretso na ako sa kwarto at palihim na umiyak nalang sa loob ng bathroom ng kwarto.
Ayaw ko na munang makita siya pagkatapos ng masakit na insultong natanggap ko mula sa kanya. Sobrang sikip ng dibdib ko at hindi paawat ang mga luhang kumakawala mula sa mga mata ko dahil sa naging usapan namin.
Binabalikan ko ang mga alaala naming dalawa. Lahat ng mga araw na naging masaya kami sa piling ng isa't-isa. May nagawa ba ako o pinakitang hindi maganda sa kanya noong mga araw na iyon?
I know that I was once made a mistake when I accidentally found his wallet in front of the hotel and I desperately needed a money that time so I got some in his wallet. Pero hindi naman iyon nakaw at balak ko din naman talagang ibalik din sa may-ari iyon! Inakusahan niya akong magnanakaw noon at ngayon... mas masahol pa ang ipinaparatang niya sa'kin!
Maiintindihan ko kung galit siya dahil sa pag-alis ko noon pero sobra naman yata iyong akusahan pa niya akong isang gold digger!
Nagpapanggap lang naman kami ni Abel at alam kong mali iyon! Pero may mabuti namang dahilan kung bakit namin 'to ginagawa, eh. Hindi ko lang inaasahan na ang tingin na pala ng ibang tao sa akin ay mukhang pera! Kumakapit at pumapatol sa mga mayayaman para lang makahuthot ng mga kayamanan nila!
Mariin akong napamura sa isip ko. Kahit siguro sobrang lugmok na ako, hinding hindi ko gagawin 'yun! I won't stoop down on my level just for the sake of money!
Naputol ang linya ng pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan. Si Abel iyon, nagtanong kung bakit hindi na ako nakabalik sa pavilion. Hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto, sinabi ko nalang na nagka-dysmenorrhea ako.
"Are you sure you're okay?" Abel sounded so worried about me. Nasa labas pa rin siya at panay ang tanong sa akin.
Marahas kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at nilunok ang hikbing gustong kumawala. Marahan akong suminghot bago ako sumagot sa kanya.
"A-Ayos lang ako... Sobrang sakit lang talaga ng...puson ko." I told him in a controlled sobs. Sinikap kong patatagin ang boses ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko.
Ilang oras na din akong nag-iiyak dito at ramdam ko na rin ang pamamaga ng mga mata ko. Sigurado akong madilim na sa labas at nakaalis na si Deo. Sana lang ay hindi nakahalata ang mag-ama sa nangyari sa pagitan namin ni Deo.
"Okay but I will stay here and wait until you feel better," Abel said in a softer voice after a brief moment.
Gusto kong sabihing umalis na siya at iwanan nalang niya ako pero pakiramdam ko, wala na akong lakas para gawin 'yun. Hindi ko na siya sinagot at hindi na rin naman siya umimik. A couple of minutes passed before I decided to finally get out of the bathroom. Inayos ko muna ang sarili ko at tinanggal ang nagkalat na mascara sa ilalim ng mga mata ko pababa sa pisngi ko.
Naabutan ko si Abel na nakaupo sa couch. Nang makita niya ako ay mabilis siyang napatayo at agad bumadha sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Elora! How are you feeling now? Did you already take meds?" I could hear the worry in his voice and the concern in his eyes. Ganito na talaga si Abel sa akin simula pa noon kaya nasanay na ako. Isa siyang tunay na kaibigan.
I let out a shallow breath and plastered a fake smile on my lips.
"Don't worry about me, I'm okay." I assured him. "Hindi ka na ba galit sa'kin?" pag-iiba ko ng usapan. Hinawakan ko siya sa kamay at tinangay paupo sa gilid ng kama.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...