A/N: Happy 1k votes! Thank you so much sa lahat ng nagvovote at syempre sa mga nagko-comment! :D Si Ivana pala yung nasa taas :)
~*~
Kabanata 46
It took me too long before I could fully grasps what I saw. Hindi ako makapaniwala sa naisip ko pagkatapos ng nakita kong pagiging sweet nilang dalawa. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong bagay na bagay sila and think that they are so in love with each other!
But I knew these people very well! Paano nangyari 'to? Ivana cheat on Deo with his own cousin?!
Ivana was many things but I had never thought she might be unfaithful to Deo. Akala ko mahal na mahal niya si Deo sa paraan ng pagiging possessive niya dito pero sa nasaksihan ko ngayon, hindi pala! She's just being possessive of him out of necessity!
Hindi lang naman pala kami ni Deo ang may itinatago! Ivana and Aldous were also having an affair! The idea was too ridiculous. I don't fucking know how I should feel.
"Elora, why aren't you touching your food? Don't you like it?" Abel asks. My train of thoughts instantly disappeared.
"Ah, h-hindi naman. J-Just don't mind me, okay? Mag-usap lang kayo." Ngiti ko sa kanilang dalawa at sumubo na ng pagkain ko para wala na silang masabi.
Nagtaas ng kilay si Abel sa akin marahil dahil nawi-werduhan siya sa galaw ko. Napatingin siya kay Lev. Nagkibit balikat naman si Lev sa kanya.
Habang ngumunguya ay patuloy kong itinuon ang paningin ko kina Ivana. Napainom agad ako ng tubig nang makita kong akmang tatayo na sila. Aalis na ba sila?
Ivana fix her aviators before he pick up her bag and they started walking away. Pinauna siya ni Aldous sa paglalakad. Dali-dali naman akong napatayo pero biglang napahinto nang tanungin ako ni Abel kung saan ako pupunta.
"I just need to use the bathroom. Excuse me," sagot ko at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila. Naglakad na ako at walang lingon-likod na umalis doon.
Mabilis akong sumunod kay Ivana at Aldous pero sinisiguro kong nag-iingat ako para hindi nila ako mahuli. I secretly followed them hanggang sa nakarating kami sa hotel basement. Tumigil sila sa isang sasakyan na parang pamilyar sa akin. Is that Deo's car o magkapareho lang sila?
Nagtago ako sa likod ng malapad na poste habang sumisilip sa kanila at maiging sinusubaybayan ang bawat kilos nila.
Napasandal si Ivana sa pinto ng sasakyan at nang-aakit na ngumiti kay Aldous. Lumapit naman si Aldous sa kanya at ikinulong siya sa pagitan ng mga braso niya. Tinanggal ni Aldous ang aviator ni Ivana at itinago iyon sa kanyang bulsa. Nagkatitigan silang dalawa at wala pang isang minuto nang unti-unting inilapit ni Aldous ang kanyang mukha kay Ivana. Halos hindi ako kumurap at huminga habang nakatingin ako sa mga labi nilang magkalapat.
They kissed for long minutes, then Aldous pulled away and said breathlessly, "To my place again?"
Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Again?! Ibig sabihin may nangyayari na talaga sa kanila! Paano ito nagawa ni Aldous sa sarili niyang pinsan? How could he betray Deo?
He's having an affair with his cousin's girlfriend!
And you are having an affair with your cousin's boyfriend, as well! What difference does it makes, Elora? biglang sigaw ng atribidang isip ko. I cringed at the thought. Nawiwindang ako sa mga naiisip ko.
"Sure, hon!" Ivana giggled at saka niya pinadausdos ang kanyang daliri sa dibdib ni Aldous. "I wanna de-stress. I'm so sick of Dad! He keeps on telling me to make a move so Deo will surely marry me! Ugh!" she dramatically said.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...