Kabanata 18

13.3K 186 7
                                    


Kabanata 18

Hindi ako mapakali nang gabing iyon. Para kasing may mali... Sinubukan ko pa ring tawagan si Mommy pero hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Masama na ang kutob ko pero pilit kong sinasabi sa sarili kong naprapraning lang ako.

I also tried texting her. Sinabi kong nag-aalala na ako sa kanya pero wala rin siyang reply. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-aalala sa kanya pero nang magising ako kinabukasan, wala pa rin akong natatanggap na kahit anong mensahe o tawag mula sa kanya.

This is very unusual.

Mommy would never want to make me worry. Kinagat ko ang labi ko at napagdesisyunang kapag wala pa rin siyang reply hanggang mamayang alas dose ng tanghali ay pupuntahan ko na siya sa opisina niya. Gusto ko lang siguraduhing walang masamang nangyari sa kanya.

Habang naghihintay sa itinakda kong oras ay ginugol ko muna ang oras ko sa ibang bagay para mawala ang iniisip ko. Pero lumipas na ang oras at tapos na ako sa mga ginagawa ko ay wala pa rin siyang text kaya mabilis na akong nag-ayos ng sarili at nagtungo na sa opisina niya.

When I got there, nakausap ko ang sekretarya ni mommy. She said that mom called her that she couldn't be able to come in the office that day because she isn't feeling well.

"She called you?" I asked Pinky, mommy's secretary.

"Yes. She called me around 7 am pero mabilis lang ang pag-uusap namin. Why? Hindi mo ba siya ma-contact?" she asked.

Umiling ako. "Hindi eh. But...is she really okay? Wala bang kakaiba sa kanya nang tumawag siya?" nag-aalalang tanong ko.

Sandaling napaisip si Pinky. "Wala naman maliban sa matamlay ang boses niya." Aniya.

Mas lalo tuloy akong kinabahan at nagduda dahil sa nabalitaan. Bakit si Pinky natawagan niya samantalang ako hindi, kahit text man lang sana wala? There's really something wrong and I need to know about it.

Nagpaalam na ako kay Pinky pagkatapos niyon at nagpasyang magpunta sa bahay. Siguradong nandoon si mommy kaya wala na akong ibang choice kundi ang puntahan nalang siya doon.

Hindi ako basta-bastang makakapasok doon dahil mahigpit ang seguridad at sigurado akong hindi pa rin nila ako papapasukin. Kaya nang makarating ako sa di kalayuan sa aming bahay ay ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa malapit at naglakad na lang para hindi nila mapansin ang pagdating ko.

Naghintay ako ng tamang tyempo para makapuslit sa mga guard na nagbabantay sa gate. Mahabang pasensya ang ginawa kong paghihintay hanggang sa natyempuhan ko ang sandali nilang pag-alis kaya mabilis na akong kumilos para makapasok ako sa loob. Mabuti na lang at nagtagumpay naman akong makapasok at hindi nila ako nahuli.

Kahit noong nasa loob na ako ng bahay ay maingat pa rin ang bawat pagkilos ko. Abala ang mga kasambahay sa kani-kanilang gawain kaya hindi nila ako napapansin. Pumanhik ako sa kwarto nina mom para i-check kung nandoon siya pero hindi ko siya nakita doon. I also checked the other rooms and areas of the house but I couldn't still trace her.

Kung wala si mommy dito, nasaan siya? Pinky told me that she's sick, right? Then she should be at home and just having a good rest!

Sandali akong huminto at naupo sa isang tabi sa bahay para magpahinga. Habang nag-iisip ako ng maaring kinaroroonan ni mommy, nakarinig ako ng mga yabag palapit sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong nagtago. Sinilip ko kung sino iyon at nakita ang dalawang kasambahay na nag-uusap.

"Kamusta daw po si Ma'am Eloida?" tanong ng mas batang kasambahay sa kausap nitong mas nakatatandang kasambahay. Siguro'y bago lang ito dito sa bahay dahil ngayon ko lang ito nakita.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon