Kabanata 37

14.1K 189 11
                                    


Kabanata 37

Tumikhim ako para pawiin ang nararamdaman kong pagka-ilang sa pagitan namin. Ano bang dapat kong isagot? Dapat ko na bang sabihing pumapayag na ako sa gusto niya? Paano kapag tinanong niya ako kung ano ang dahilan? Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. 

"If that's all you have to say, let's just talk some other time again. K-Kailangan ko nang pumasok." Pagrarason ko para makaiwas lang sa usapan namin. 

Pero humakbang pa siya palapit sa akin. Gusto kong umiwas pero napako na ang mga paa ko. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Our faces just inches away.

"Why? Is there something more you'd like me to say? Why can't you answer my question, huh?" his voice was husky. Tumindig agad ang balahibo sa aking batok. 

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Natutukso na naman akong halikan siya. Shit! This is not good! Hindi ito pwede! Nababahala ako kapag ganito na siya kalapit sa akin. I tend to lose my self-control whenever he's this too close to me! I can't bear not to give in to him it when he's near.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang tagalan ang distansya namin pero napasinghap ako nang hawakan niya ang pisngi ko. His calloused hand gently caress my cheek. Para akong hinehele sa paraan ng paghaplos niya sa aking balat. Banayad at marahan niyang hinahaplos ang aking pisngi. Hindi ko mapigilang hindi magpaubaya sa haplos niya. He made me turn my face to look at him again.

"If you don't want to speak, I'll just give you an option." His voice suddenly became tender. "If your answer is yes you just have to kiss me as an answer." aniya at pumungay ang kanyang mga mata. "But if your answer is no...I'll just leave and this will be a game over. I won't force you if you don't want to. I'll give you five minutes to decide." He breathlessly said. His hand still caresses my cheek.

Napaawang ang bibig ko sa pagpipiliang ibinigay niya sa'kin. Anong gagawin ko? Para akong naitulos sa aking kinatatayuan at parang naumid ang dila ko dahil wala akong masabi. My head starting to throb from the pressure. Paanong hindi? Limang minuto lang binigay niyang palugit para makapag-isip ako.

Limang minuto na ang lumipas pero wala pa din akong ginagawa. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko at patuloy na naghihintay sa isasagot ko. Pero bawat segundong lumilipas, bumabakas na sa kanyang mukhang nawawalan na siya ng pasensya. He suddenly drop his hand and plunges them deep into his pocket. Nangulila agad ako sa kanyang haplos.

He exhaled violently and his angled jaw clenched tightly. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o kung totoo ang nakita kong pagkadismaya sa mga mata niya. Pero bakit pakiramdam ko mas dismayado ako kaysa sa kanya?

"So, it's a no..." he says, his voice low and broken. Bahagya siyang napayuko at nang mag-angat na siya ng tingin ay biglang nanuyo ang lalamunan ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabigo. The disappointment in his eyes makes me feel guilty for an unknown reason. 

Nakaramdam ako ng pagpapanic at takot nang tumalikod siya at akmang aalis na. Nagflashback sa akin lahat ng nangyari noong huling gabing magkasama kami sa rooftop ng condominium. My mind says I can't let him go this time. Not again... and it is because I need him. Kailangang kailangan ko siya. 

"S-Sandali lang!" bulalas ko na siyang nagpahinto sa kanya sa paglalakad palayo sa akin. 

Hindi pa man siya nakakaharap sa akin, malalaking hakbang na ang ginawa ko para makalapit sa kanya. Saktong pagharap niya sa akin, sinapo ko na agad ang kanyang mukha gamit ang dalawa kong kamay at walang sabi-sabing hinalikan siya sa kanyang labi.

Ramdam ko ang pagkagulat niya sa paghalik ko sa kanya. I close my eyes and let our lips touched. It was supposed to be just a smack kiss but when I was about to break our kiss, he quickly cupped my neck and scoops his other hand around my waist. 

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon