Kabanata 44

13.6K 188 12
                                    


A/N: Warning: contain scenes not suitable for young and sensitive readers! Please don't forget to vote and comment. Thank you so muchhhh! :*


Kabanata 44

Napabitiw ako sa kanya pagkatapos ng kanyang sinabi pero bago ko pa tuluyang maibaba ang kamay ko, nasalo na niya ito at maiging dinala sa kanyang pisngi para damhin ang aking palad.

"Tapusin niyo na ang pagpapanggap niyo..." buntong hininga niya at naramdaman ko agad sa aking balat ang init ng kanyang hininga. I love the way his hot breath warming my skin.

"Please, baby... Give me a peace of mind." His eyes begging. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil para siyang batang nakikiusap sa ina na bilhan siya ng laruan.

I want to end his misery. Ayoko siyang nakikitang ganito. Gusto kong isiping kaya kong ibigay at gawin ang lahat para sa kanya pero ngayong sinasabi niya sa'kin 'to, hindi ko pala kaya.

I want to give him peace of mind but I just can't. Hindi ko pwedeng talikuran nalang bigla 'yung pinangako ko kay Abel. Mahalaga si Abel sa akin kagaya ng pagpapahalaga ko kay Deo kaya hindi ko siya pwedeng basta-basta na lamang iwan sa ere.

I let out a deep sigh and slowly shook my head.

"Deo, hindi pa pwede. I made a promise to him na tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya basta para sa daddy niya." malungkot kong pahayag.

Nawalang parang isang bula ang pag-asa sa kanyang mga mata. Nanghina ang mga kamay niya kaya nabitawan niya ako.

"I already told you about his dad's condition, right?" tanong ko nang hindi siya umimik.

"Yes, I know! I understand that part, pero wala na bang ibang paraan?" He groaned like he was upset or something.

"I don't know..." matamlay kong sagot. "Kung may ibang paraan lang, hindi na dapat kami nagpanggap, in the first place. Natatakot lang kaming mas lalong lumala ang lagay ng daddy niya kapag nalaman niya na nagpanggap lang kami ni Abel...na niloko lang namin siya." Patuloy kong pagpapaliwanag.

Gusto kong intindihin niya ako kagaya ng pag-intindi ko sa kanya.

Dahil sa totoo lang, gustong gusto ko na rin siyang tanungin kung bakit sa kabila ng pinapakita at pinaparamdam niya sa akin—na pakiramdam ko mahal parin niya ako at hindi lang ito basta isang laro para sa kanya— nananatili lang kaming isang malaking sekreto? Palaging nagtatago sa mata ng publiko.

Sobrang komplikado ng lahat... Pero dahil pinili ko ito, kailangan kong intindihin ang sitwasyon namin.

He cussed under his breath kaya nagulat ako.

"Okay, fine! Let's just say it's just all for a show. For his dad's sake? Okay." Tumango-tango siya pero taliwas naman ang mga mata niya. "But tell me, Elora...kailangan ka pa ba talaga niyang halikan? Did you fucking gave him a permission to do that? Is it really for his dad's sake or his?" puno ng malisya at paghihinala ang kanyang boses.

Nagkasalubong ang mga kilay ko at bahagyang napaawang ang bibig ko.

"Or wait...Is he really a—"

"Deo!" pinutol ko na agad siya sa kanyang sasabihin bago pa niya iyon masabi. "Hindi mo ba talaga ako kayang intindihin?" medyo pagalit kong sinabi sa kanya dahil naiinis na ako sa pagiging tamang hinala niya.

I thought magiging maganda ang gabing ito but it seems like it was already ruined!

"I'm trying, baby... but it's just so hard for me." He paused as he glared sharply at my lips. "Especially now that I saw how that fraud kiss you like he's a real man! Shit!" matigas niyang sinabi.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon