Kabanata 45

12.9K 182 24
                                    


Kabanata 45

"You're back!" I beamed then pulled him in for a hug. Abel hugged me back.

Pinapasok ko siya sa aking kwarto pagkatapos at hindi pa man siya nakakaupo sa couch ko ay inulan ko na siya agad ng tanong tungkol sa mga nangyari sa kanya sa Cebu.

He shrug and simply said, "Nothing special happened. Just pure work." Aniya.

"Anong oras kayo nakauwi? Why didn't you call me?"

"I tried but it says your phone is unattended." He shrugged.

"Oh!" ngiwi ko nang maalalang hindi ko na nga pala nabuksan 'yung phone ko simula nung huling text ko kay Deo. "How about Tito? How is he?" pag-iiba ko.

"He's okay. He's taking a rest in his room now." He said.

Napatango nalang ako. Napansin ko ang pagiging matamlay niya kaya hindi ko iyon naiwasang mapuna.

"What's the matter? You looked so stressed?" pinangunutan ko siya ng noo.

He let out a deep sigh and shook his head. He looked problematic. May problema nga!

"Lev's here in the Philippines." Bulalas niya. Napasinghap agad ako.

"Really?" maligayang tanong ko. Tumango naman siya agad.

"When did he arrived here?! Nagkita na ba kayo?" I couldn't help but to get curious and excited at the same time. This is news I wasn't expecting.

Abel told me last time na nagkakalabuan silang dalawa kaya ngayong nalaman kong narito si Lev sa bansa ay hindi ko mapigilang maging masaya para kay Abel. Ibig sabihin niyon, nandito siya para sa kanya! Sinasabi ko na nga ba't magkaka-ayos din silang dalawa!

"No, not yet... I didn't even know the he's coming here. Nalaman ko lang kanina when he called me. He said he just arrived yesterday."

"Where is he staying now? Is he alone?" patuloy kong pang-iintriga.

"Yes. He checked into the Hotel near BGC."

Tumango-tango ako. "So what's your plan? Pupuntahan mo ba siya mamaya? I bet he can't wait to see you kaya hindi na siya nakatiis na sundan ka dito sa Pilipinas!" tudyo ko na may malaking ngiti sa aking labi.

"I don't know if I can." Malungkot niyang sagot.

"Bakit naman? Don't tell me may gagawin ka na namang trabaho? Kagagaling mo lang sa Cebu for Pete's sake! You deserve to take a day off! Magpahinga ka naman!" palatak ko at inikutan siya ng mga mata.

"No, it's not about work. Actually, I want to ask you a favor."

"What is it?" tanong ko. Kinakabahan na tuloy ako tuwing humihingi siya ng favor sa akin, eh!

"Can you please accompany me when I go there? I...I don't want to go alone." aniya sa nakikiusap na tono.

My forehead creased. Akala ko naman kasi kung anong sasabihin niya, 'yun lang naman pala! Bakas sa mukha niyang kinabahan siya sa ekspresyon ko pero napawi din naman iyon agad nang unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Oh, sure! Sasamahan kita. I got your back!" I said then I winked at him.

Sa wakas ay napangiti na rin siya. Kapagkuwa'y siya naman ang nagtanong kung anong nangyari sa akin noong wala sila. I shrug and lied to him that I just visited my parents. Tinanong pa nga niya kung saan ako natulog noong isang gabing nagtext ako sa kanyang hindi ako makakauwi dito.

"U-Uh..." lihim akong napangiwi. Nag-iisip kung anong ipapalusot.

Hanggang sa napalinga-linga siya sa kwarto ko at natuon ang kanyang atensyon sa isang bagay na nasa tabi ng kama. Lumapit siya doon at ginapangan agad ako ng kaba nang makita kong hawak na niya iyong painting na ipinadala sa akin ni Deo.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon