Kabanata 10

21.1K 244 6
                                    


Kabanata 10

"D—Deo?" I could not almost say his name properly while I am looking at him with widened eyes. Talo ko pa sa lagay ko ngayon ang nakakita ng multo. Mas mabuti pa nga siguro kung nakakita nalang ako ng multo kaysa ang makita ko ngayon sa harapan ko ang taong kagabi lang ay tinakasan ko!

Hindi ako makapaniwalang ang taong pilit kong tinakasan kagabi ay siya pang pinatuloy ko ngayon dito sa unit ko. Pinagloloko ba ako ng tadhana? Ganoon na ba kaliit ang mundo para sa amin ngayon? Oh sinadya niya talagang pumunta dito dahil alam niya dito niya ako makikita?

Shit! Bakit ba nakalimutan kong nakapunta na nga pala siya dito noon! Hindi lang nakapunta, nakatulog pa sa sarili kong unit! Ang tanga mo, Elora! Gusto kong batukan ang sarili ko.

"W-What are you doing here?" tanong ko pagkalipas ng ilang sandaling pagkagulantang ko. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang nakangisi lang siya sa akin!

In his leather jacket, old jeans and with his new haircut, he looked so smoking hot. Yes, he looks hot but the way he was looking at me right now, para siyang may masamang motibo. Ngumisi siya sa akin at mataman akong tinititigan. Pinanginginigan na ako ngayon sa takot. I could actually vision him right now as a smoking hot...devil!

Oh God, Elora! Stop praising him for Pete's sake!

"You have even memorized my name, huh?" He said with a devilish smirked. Iyong ganyang klase ng titig niya...alam na alam ko na kung anong ibig sabihin niyon. "It's not surprising, anyway. Kinuha mo nga pala ang wallet ko kaya malamang ay natandaan mo pa ako, Miss." makahulugan niyang sinabi pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

"A-Anong kailangan mo sa'kin?" bagkus ay tanong ko sa kanya sa nauutal na boses. Shit! This can't be!

"What do you think I came here for?" he mocked at me and strode his way to me. Napaatras naman ako dahil doon. Habang mas lumalapit siya sa akin ay lumalaki naman ang ngisi niya. Parang nag-i-enjoy siyang makita akong natatakot sa kanya.

Hindi ako nakapagsalita. Naunahan na ako ng takot ko kaya nagkandabuhol buhol na ang isip ko sa negatibong pag-iisip. Hindi ko na nga maibuka ang bibig ko, eh. Ano bang ginagawa niya dito? Sinundan niya ba ako dito para pagbayarin? Is he going to hurt me? To kill me? I could already think the worst possible scenarios inside my head!

"I came here for a payback." Sagot niya habang patuloy siyang lumalapit sa akin.

Iyong tungkol ba sa pagkuha ko ng pera sa wallet niya ang tinutukoy niya? Kung iyon lang pala'y kayang kaya ko siyang bayaran ngayon!

"I...I can pay you! Sabihin mo lang kung magkano iyong utang ko sa'yo at babayaran kita ngayon din!" matapang kong sinabi bago ko maramdaman ang malamig na pader sa likod ko.

It's my dead end. He already trapped me! Bago pa ako makaiwas ay ikinulong na niya ako sa pagitan ng mga braso niya sa magkabilang gilid ko.

His masculine scent quickly attacked my nose. Sa lapad ng katawan niya'y natitiyak kong hindi ako magtatagumpay kung susubukan ko man siyang itulak palayo sa akin. Kaya kahit nanginginig na ang tuhod ko'y buong tapang akong tumingala sa kanya. When his piercing eyes found mine, I immediately regret doing it. I quickly looked away because he's too much. Damn it!

"I don't want your money, miss. I want your service." He said that makes my senses instantly went wild.

What did...he say? Service? Did he mean...

"A-Anong serbisyo ang pinagsasabi mo? Umalis ka dito kundi...tatawag ako ng guard!" sinubukan kong bantaan siya para matakot siya at tuluyan na niya akong tantanan.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon