Kabanata 33

13.7K 185 7
                                    



Kabanata 33

"What?" kunot noong tanong ko sa kanya. Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig.

"Sayang naman kung masasayang lang ito, 'diba? So I better eat this and you...you will stay with me until I'm done." Determinadong saad niya. Para bang sigurado siyang gagawin ko nga ang gusto niyang mangyari. I gaped at him in surprise.

He's still the same domineering asshole!

"And why would I listen to you?" Pinanliitan ko siya ng mga mata para ipakitang hindi ako bibigay sa gusto niya.

"Because you have to... or else, sasabihin ko sa kanya na hindi mo ako trinatrato ng maayos." Tukoy niya kay Abel. Bina-blackmail niya ba ako? Napasinghap ako nang mapagtanto ko iyon.

"Tinatakot mo ba ako?" manghang tanong ko sa kanya. "Pwes, hindi 'yan uubra sa akin! Go tell him! I won't mind!" I glared at him with fiery gaze. Akmang lalayas na ako pero gaya ng madalas na nangyayari, palagi niya akong napipigilan.

Hinawakan niya ako sa braso para hindi ako makaalis.

"You naturally just love to escape. You're really a runaway expert. Does he even know that, huh?" he taunted. Nanunuya ang kanyang mga mata.

Dahil sa sinabi niya'y nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya kaya binitawan din niya ako. Is he going to insult me again or what? I looked at him the same way as he looks at me right now.

"What exactly do you want, Deo? Why are you doing this to me?" I huffed in frustration but he just chuckled heartily. Mas lalo akong nainis sa kanya dahil ginagawa lang niya akong katatawanan. I'm being serious here but he still have the audacity to laugh at me!

He took a step closer to me so he can whisper something in my ear.

"I don't want anything from you. Wala akong ibang gusto kundi ang samahan mo akong kumain. Mahirap bang gawin 'yon?" he said in a husky voice. Nakakapanghina ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking balat.

"B-Bakit hindi si Ivana ang yayain mo? Siya ang girlfriend mo, 'diba?" I didn't want to sound bitter but I can't conceal the bitterness in my voice.

"Bakit siya nasali sa usapan? And so what if she's my girlfriend? It's like someone's intruding my personal life now, huh?" tunog malisyang turan niya at tinignan niya ako ng makahulugan.

"Then, you should not intruding my personal life, as well! Did you even know the saying 'do not do unto others what you don't want others do unto you'?" I shot back. Hindi ako magpapatalo sa kanya!

"I think I already heard that?" biro pa niya at napahalakhak. "Okay, fine... Hindi na ako makikialam basta samahan mo ako ngayon. Do we have a deal?" he said as he cocked one of his brows up and he flash an annoying smirk once again. He extended his hand infront of me. Tinignan ko lang iyon.

"How can I guarantee that you're really going to do that?" paninigurado ko. Mahirap na at baka inuuto lang niya ako!

"You have my word, Elora... Mayroon akong isang salita. Of all people, you should know that." Nanunuya niyang sinabi.

Alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. If I prolong this conversation, he will just going to dig deeper to our past. Baka isumbat na naman niya ang pagkakamali ko kaya sa huli ay pumayag na din ako sa gusto niya. Tinampal ko lang ang kamay niyang nakalahad.

"Alright, sasama na ako sa'yo basta siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan. Wala ng pakialamanan pagkatapos nito." I said with finality.

Ngumiti lang siya at tumango bilang pagsang-ayon. Halatang natutuwa siya dahil nanalo siya sa pagkakataong ito. But I promise to myself that this will be the last time na susunod ako sa gusto niya. Tumalikod na ako pero nang may maalala ay muli ko siyang hinarap.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon