Kabanata 55

13.9K 192 6
                                    

Sorry sobrang lame hahaha!

Kabanata 55

"Lumantad na rin si Deo Almazan at nakompirma na siya nga ang nagpadampot at nagsampa ng kasong murder—hindi lang isa kundi marami pang kaso laban sa negosyanteng si Montebella tungkol pa sa ibang krimeng kinasangkutan umano nito na may kinalaman naman sa negosyo. Napatunayang si Almazan ang nagsampa nang humarap siya sa korte para sa hearing ng mga kaso laban kay Montebella. Matatandaang biglang nawala ang binata noong kasagsagan ng balita tungkol sa cheating rumours umano nito. Sa ngayon ay hindi pa siya nagbibigay ng kahit anong komento tungkol sa mga kasong isinampa niya. Nagbigay lamang siya ng maikling komento para ipagtanggol ang dalaga. Narito ang kanyang panayam..."

"I am the one who should be blaming for all of this. Please spare Elora. She has nothing to do with this and she shouldn't be involving in my messes. Thank you."

Napatutop nalang ako sa aking bibig. Hindi maiproseso ng isip ko ang mga nalaman ko ngayon. Masyadong maraming detalye na halos hindi ko malaman kung ano ang mauuna kong i-absorb sa mga iyon.

Ngayon ko lubusang napagtanto na marami pa talaga akong hindi alam tungkol kay Deo at isa na nga doon ang tungkol sa mommy niya. Naalala kong sinabi niya na namatay daw ang mommy niya dahil nagpakamatay ito dahil lamang sa isang lalaki.

Nagsinungaling ba siya sa'kin kung ganon? At...naaalala ko na din ang narinig ko noong nasa yate kami tungkol sa sinabi niyang pagpapakulong niya sa isang tao.

Ibig sabihin...si Tito Samuel ang tinutukoy niya noon! Bakit hindi niya sinabi sa'kin?

My mind was submerged with different questions that I couldn't answer. At alam kong si Deo lang ang makakasagot ng mga tanong na iyon. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa unit niya at personal na alamin ang lahat mula sa kanya.

Pero naka-ilang katok na ako sa pintuan niya ay wala paring nagbubukas. Nang pihitin ko ang seradura ng pintuan ay hindi ko inaasahang bukas pala iyon kaya kahit na alam kong hindi tama ay pumasok na ako basta-basta sa loob ng kanyang unit.

A wave of nostalgia swept over me the moment I enter his condo unit. Bumaha sa aking isipan ang mga alaalang nabuo namin ni Deo nang magkasama noon dito. Those memories feels like it just happened yesterday.

Iginala ko ang aking paningin ko sa buong sala at napansin kong hindi rin nabago ang pagkaka-organize ng mga gamit dito. Pati na rin ang mga nakasabit na painting ay nasa dating posisyon pa rin. Pero may isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko.

Iyon lang ang painting na naidagdag dito at sobrang pamilyar sa akin ang painting na iyon. Lumapit ako doon at matamang tinitigan iyon. Gusto ko lang siguraduhing hindi ako namamalik-mata. Napaawang ang bibig ko nang makompirma kong iyon nga ang kauna-unahang painting kung saan ako ipininta ni Deo at iyon rin ang painting na nilagay niya noon sa exhibit.

Wala sa sariling napahaplos ako sa painting. After all these years, I didn't expect that he kept it. Ang buong akala ko ay naibenta na niya ito noon. May sentimental value ba ito sa kanya?

Ilang minuto ko din iyong pinakatitigan at marahang hinaplos. Saka lang ako bumitaw doon nang maalala ko ang ipinunta ko dito. Nasaan nga pala si Deo? Wala ba siya ngayon dito? Pero bakit niya iniwang nakabukas ang pintuan ng unit niya?

Maingat ang mga hakbang ko habang papunta ako sa kanyang kwarto. Naisip kong baka natutulog siya. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan ng kwarto niya. Hindi rin iyon naka-lock kaya maingat kong binuksan iyon para hindi makagawa ng ingay.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na din siya. Nandito lang pala siya. Hindi ba niya naririnig ang mga katok ko kanina?

Nakahiga siya sa kanyang kama. Nakatalikod siya sa aking direksyon kaya hindi ko makita ang mukha niya. Unti-unti akong lumapit sa paanan ng kama niya at tinawag ang kanyang pangalan.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon