Kabanata 13

18K 242 4
                                    


Kabanata 13

"Pasensya ka na, medyo magulo ngayon dito." Sabi ko nang makapasok na siya sa loob ng unit ko. Pinaupo ko siya sa couch sa sala at kinuha ko ang mga dala niya para ilapag ang mga iyon sa coffee table.

"It's okay." He scanned the room. "By the way, it seems warm and cozy here." Komento niya.

"Thanks." I spat. "Uh, siya nga pala... Would you like some coffee? Soda or juice?" I offered. Medyo natataranta dahil ngayon lang ako nagpaunlak ng bisita at lalaki pa!

"Um, juice is okay." Nakangiting sagot naman agad niya.

Tumango ako at tumalima na ako papunta sa kusina para ipagtimpla siya ng juice. Nagtimpla ako ng isang pitsel niyon at bago ako bumalik ay uminom pa ako ng isang baso ng tubig dahil pakiramdam ko nanunuyo na ang lalamunan ko. At ang tiyan ko, patuloy pa rin sa pagkulo!

Shit! Gutom na talaga ako!

Nagkukumahog akong bumalik sa sala dala ang isang tray kung saan naroon ang isang pitsel ng juice, dalawang plato, tinidor at baso. Tumayo siya at maingat na kinuha iyon sa akin.

Samantala, sa isip ko ay pilit kong nilalaban sa paglikha ng nakakahiyang tunog ang tiyan ko sa harapan niya.

"Ah, gusto mo bang manood?" tanong ko sa kanya. Naisip kong mas maganda kung bubuksan ko ang TV para maingay at hindi niya mapansin ang pagtunog ng tiyan ko.

"S-Sure..." he replied.

Dali-dali kong hinanap ang remote para i-on ang TV. Pero ang lintek! Wala iyon sa coffee table o sa mga upuan! Sa pagkakaalam ko, nakapatong lang naman 'yun noon dito sa coffee table. Bihira lang akong manuod pero ngayon na kailangan ko ito, saka naman nawawala!

Kung saan saang sulok na ako naghahanap pero wala pa din. Hindi ko pa rin iyon mahanap! I'm starting to be pissed dahil pinagpapawisan na ako ng malagkit sa paghahanap.

"Nasaan na ba kasi 'yun?" iritadong tanong ko sa sarili.

"Are you okay? Hindi mo pa rin ba mahanap?" sabat ni Deo. Mukhang napansin niyang iritado na ako sa kakahanap.

"Ahh, Oo... M-makikita ko rin iyon." hindi sumusulyap na sagot ko sa kanya. Hindi ko namamalayang tumayo na pala siya sa couch at tumulong na rin sa paghahanap.

"Ito ba 'yun?" muli ay wika niya. Kaagad akong lumingon sa kanya at nakita kong hawak nga niya ang remote ng TV.

Nanghihinang nagpakawala ako buntong hininga dahil sa wakas ay nahanap na rin iyon pero ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla nalang tumunog ng malakas ang tiyan ko.

"What was that?" he stared at me, sounded confused.

"Ha?" maang maangan kong tanong. Pakiramdam ko ay sobrang init ng mga pisngi ko sa sobrang kahihiyan.

"Y-yung tumunog? Is that..." there was a hint of suspicious on his tone.

Mukhang alam niyang tiyan ko 'yun at sa palagay ko ay tama ang kutob ko nang dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Para akong napasong napahawak doon at biglang may itinuro sa likuran niya.

"M-may daga!" kunwari'y gulat na gulat na sigaw ko. Sinabayan ko pa ng pagkalaglag ng panga ko para mas kapani-paniwala.

Ginawa ko iyon para maibaling sa iba ang atensyon niya at mukhang nagawa ko naman. Mukhang nagulat din siya nang mabilis siyang lumingon para tignan ang tinuturo ko.

"What? Nasaan? May daga dito?" gulat at hindi makapaniwala niyang tanong habang hinahanap niya ang nawalang daga kuno.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpipigil ng tawa. Kainis kasing tyan 'to eh! Ipapahamak pa ako!

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon