Kabanata 27
Kung hindi pa ako kinausap ni Abel, hindi pa magbabalik ang diwa ko. Hindi ko na namamalayang masyado na pala akong nalunod sa kakaisip ko tungkol sa nalaman ko sa balita.
"What happened? You looked so shocked?" nagtatakang tanong ni Abel. Napalunok ako at kinastigo ko ang sarili ko para umayos.
"Ah...Wala. Don't mind me. Tapos na kayong mag-usap ni Lev?" pag-iiba ko.
Sumagot naman siya pero habang kinakausap niya ako ay lumilipad na naman ang isip ko. Wala akong masyadong naintindihan sa sinabi niya at puro tango nalang ang ginawa ko hanggang sa natulog na siya habang ako'y dilat na dilat parin sa kaiisip. I couldn't sleep thinking about them.
Si Ivana at Deo...
Sa loob ng apat na taon, hindi ako nakarinig ng anumang balita dito sa Pilipinas. Hindi ko akalaing sobrang successful na pala ni Deo. Masaya ako para sa mga nakamit niya pero ang hindi kapani-paniwala ay ang pagkaka-ugnay niya kay Ivana. Ang hirap lang kasi talagang paniwalaan.
I know I don't have the right to judge but frankly, I don't like Ivana for Deo. Maybe he haven't seen her true colors yet... He's too kind and almost perfect for her. She doesn't deserve his goodness. Hindi siya deserving para sa pagmamahal ni Deo!
And who deserves him? Ikaw? Apila ng atribida kong isip. I quickly shook my head.
Damn!
I was awake all night long kaya medyo na-late ako sa paggising sa sumunod na araw. Pagkagising ko, nakaligot't nakaayos na si Abel kaya taranta akong bumangon sa kama at nagsimula na ring maghanda para sa pagpunta namin sa mansyon nila.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya habang naghahalungkat ako sa maleta ko ng masusuot.
"You look so peaceful, I don't have guts to wake you up." He shrugged while he was busy checking himself in the life-size mirror.
"Aw! That's so sweet of you! Kung hindi lang kita kilala, I would think that you have feelings for me for being so caring to me." I jokingly said to annoy him na mukhang tumalab naman dahil nakita ko mula sa salamin ang pag-ikot niya ng mga mata.
"You must be famished already. Do you want to eat our breakfast first before you take a bath?" aniya. Halatang iniiba niya ang usapan. I just let out a chuckle and nodded.
***
Sinundo kami ng isang sasakyan sa hotel. Pinadala raw iyon ng daddy ni Abel para personal na magsundo at maghatid sa amin patungo sa kanilang mansyon. Habang inilalagay sa compartment ang mga bagahe namin at nakatayo parin kami sa harap ng kanilang sasakyan, napansin ko ang isang kulay pulang Jaguar F-TYPE Coupé na nakapark sa di-kalayuan sa amin.
Medyo maalam na din ako sa mga sasakyan kahit papaano kaya alam kong isang mamahaling sasakyan iyon pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nito nakuha ang atensyon ko. Iyon ay dahil medyo nakababa ang salamin ng sasakyan at nakita ko ang mapagmatyag na mga mata ng isang lalaki sa loob niyon. Ka-lebel lang ng mga mata niya ang siwang ng bintana kaya hindi ko makilala kung sino iyon dahil may suot pa itong aviators pero sigurado akong lalaki iyon.
Napakunot ako ng noo at nakipagsukatan dito ng titig. I froze and I didn't realize that I was already holding my breath. Ilang minuto kaming nagtitigan ng kung sinong lalaki sa loob niyon hanggang sa nagsara na ang bintana nito at tuluyan ng umandar palayo. Tinanaw ko pa iyon hanggang sa tuluyan ng naglaho iyong sa paningin ko.
Bakit pakiramdam ko kilala ko ang taong iyon? Bakit ganun siya kung makatitig sa akin? Weird.
"We need to go, Elora." Pukaw ni Abel sa atensyon ko kaya tumalima na agad ako kahit hindi parin naaalis sa isip ko ang lalaking iyon pero kalaunan ay ipinagsawalang bahala ko din. Baka nag-aassume lang ako na sa akin nakatingin 'yung lalaki. How would I know? May suot itong aviators at baka nasa parehong direksyon lang ang tinitignan niya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...