Kabanata 31

12.7K 153 3
                                    


Kabanata 31

May mga pagkakataon talagang sadyang mapaglaro ang tadhana. Parang kay liit ng mundo para sa amin. Kung sino pa iyong mga taong minsan mong tinakasan, ang tadhana pa ang gagawa ng paraan para lang magkrus muli ang inyong mga landas.

Malupit ba talaga sa akin ang tadhana? Did I made a terrible mistake in my past life that I am suffering the consequences of it now at my present life? Bakit palaging napupunta kay Ivana ang mga taong mahal ko? Bakit sa huli, siya ang pinapaniwalaan at minamahal ng mga taong mahal ko?

Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang dapat kong ipakita kay Ivana ngayon. Dapat ba akong magpakita ng mga negatibong ekspresyon sa kanya? Kung gagawin ko naman iyon, magmumukha lang akong bitter sa paningin niya! Lalo na kung alam niya ang nakaraan namin ni Deo.

Pagkatapos ng yakapan nila ni Deo, bumaling naman siya sa direksyon namin ni Abel. I looked at her with a stoic expression but I was surprised when she gave me a sweet smile!

Halos malaglag ang panga ko. Totoo ba ang nakita ko? Ngumiti si Ivana sa akin? Though I'm sure that it was a just fake smile! Pero ang mas ikinagulantang ko sa lahat ay ang paglapit niya sa akin at ang pagyakap niya sa akin ng mabilisan.

"Oh my God! Elora! It was nice to see you again! I missed you!" turan niya sa maligayang tono na parang sobrang saya niya talagang makita ako ngayon. Nanigas ang buo kong katawan.

I miss you, my ass! Don't be a pretentious fuckface!

Ano na naman ba itong drama ni Ivana? She's acting like nothing bad happened between us! Gasgas na sa akin ang palabas niyang ito! Wala parin talaga siyang ipinagbago!

Pero dahil alam ko naman na ayaw lang niyang maging masama sa paningin ng dalawang lalaking nanonood sa amin ngayon, sinakyan ko na muna ang acting niya. Pasalamat pa siya at mabait ako ngayong araw kahit na problemado ako.

"Long time no see, Ivana! You...changed a lot!" there was a sarcasm in my tone but I doubt if she get it right. My sarcasm and sincerity sound surprisingly similar.

Her lips twitched. Mukhang hindi niya inaasahan ang paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya ngayon. Oh ano na, Ivana? Kung kaya niyang makipagplastikan, puwes kaya ko rin!

"You too! H-How are you? It's been a long time, huh? And..." she trailed off as she glance at Abel. "Is he your boyfriend?" tanong niya. Ngumiti siya ng malapad kay Abel kapagkuwan pagkatapos niyang suriin si Abel mula ulo hanggang paa.

My brows arched. "Oh yes! He's my boyfriend, Abel. Abel, this is my cousin, Ivana." I introduced them to each other. Halos malasahan ko ang pait nang ipakilala kong pinsan ko si Ivana.

It will be much better if I introduce her as the two-faced bitch!

"Hi, Abel! It's nice to finally meet my cousin's boyfriend!" aniya at naglahad ng kamay.

Sumulyap sa'kin si Abel gamit ang kanyang nagtatanong na mga mata. Alam ko kung anong gusto niyang ipahiwatig. Naikwento ko si Ivana kay Abel kaya kilala niya ang tunay na katauhan ng ahas na nasa aming harapan ngayon. He knew how this woman made my life so miserable. Kaya naman nang malaman niya sa akin ang tungkol sa ginawa ni Ivana sa akin ay nakaramdam din siya ng galit.

I nodded at him to give him a cue. Nanliit ang kanyang mga mata na parang naguguluhan kung bakit kasama namin siya ngayon. Pero kinuha din naman niya ang kamay ni Ivana. Abel flashed a simple smile to her as they shook their hands together. Si Deo naman ay walang imik sa tabi. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

"Para lang pala tayong nagdo-double date! You are with Abel... and I am with Deo..." huminto siya sandali sa pagsasalita at saka lumapit kay Deo. She wrapped her hands around his arms and she slightly lean her head on his shoulder.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon