Kabanata 3

23.5K 300 3
                                    


Kabanata 3

"Mom.. H-Hindi ko po alam yang sinasabi niyo." pagtanggi ko dahil iyon naman talaga ang totoo! 

Damn! Anong ginawa ko kay Ivana para magawa niya akong siraan sa sarili kong mga magulang!

"Magdedeny ka pa! Paano mo maatim na kumitil ng inosenteng buhay pagkatapos mong magpakasa—?!" Dad trailed off as he snorted. Anger is burning into his eyes.

"Akala ko matino ka, Elora! But you failed me! You're such a disgrace to our family!" nangangalaiting saad niya habang nagliliyab pa rin sa galit ang mga mata niya.

Mabilis na nahulog ang mga luha ko. Excruciating pain crept inside my chest. Hindi ko matanggap ang pinagsasabi sa akin ni Dad.

Tuluyan na ba silang na-brain wash ni Ivana?! Shit! Kung alam ko lang na ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat!

"Dad! Hindi ko po kayang gawin ang sinasabi niyo! Nagsisinungaling po si Ivana! Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya para siraan niya ako sa inyo. Kung gusto niyo, pumunta tayo ngayon sa ospital sa Manila kung saan ako naconfine para malaman niyo ang totoo!" matapang kong sinabi sa kanila. Dahil wala akong kinatatakutan at wala akong inililihim sa kanila. For fuck sake! Wala akong ginagawang masama!

Muli ay umiling si Daddy. "Too late, Elora. Dahil pinakita na sa amin ni Ivana ang medical certificate na nagpapatunay ng sinabi niya!" mariing saad niya.

Halos malaglag ang panga ko sa narinig. "M-Medical certificate?! A-Ano?!" hindi makapaniwalang turan ko.

Gumawa o nagpagawa ba si Ivana ng pekeng medical certificate?! Oh My God! I really can't believe this! Mapapatay ko siya!!

"Yes! At kung totoong nagkatrangkaso ka lang.. Bakit hindi mo kami tinawagan noon?!"

"Dahil ayoko pong mag-alala pa kayo sa akin. Dahil ayoko pong makaabala pa sa inyo. I know you and Mon are busy with our business!" sagot ko. Hindi ko na sinabi pa ang buong detalye ng pagkaka-ospital ko.

Pero mukhang hindi pa rin naniniwala si Dad. Kung alam lang sana niya ang tunay na pinagdaanan ko.

Sasabihin ko ba sa kanila na muntikan na akong magahasa? Maniniwala kaya sila sa'kin?! Baka masaktan lang ako sa magiging resulta kaya hindi ko na sinabi.

"You're such a liar! Kung alam lang namin na maglalandi ka lang pala sa Manila.. Sana hindi ka na lang namin sinuportahan para sa board exam mo! Siguaduhin mo lang na nakapasa ka dahil kung hindi—" sandaling nahinto si Dad sa pagsasalita. "—maitatakwil na talaga kita!"

Pakiramdam ko bigla akong nanghina. Nangatog ang mga binti ko. "Dad.. Ano ba ang pwede kong gawin para maniwala kayo sa akin? Wala po talaga akong alam sa pinagsasabi sa inyo ni Ivana!" patuloy kong pangungumbinsi kay Dad habang umiiyak.

Si Mommy naman ay tahimik lang sa gilid at bakas pa rin sa mukha nito ang disappointment at lungkot.

"Wala! Wala kang dapat gawin dahil napatunayan na! Wag ka ng magkaila, elora! Ang gusto kong gawin mo.. wag na wag ka munang lumabas sa bahay na ito hangga't hindi pa humuhupa ang nakakahiyang balita tungkol sa'yo!" pinal na sabi ni Dad bago siya umalis sa harapan ko.

Mas lalong bumigat ang kalooban ko. Kinakahiya na ako ngayon ni Dad. Kinakahiya niya ako sa kadahilanang hindi ko naman ginawa!

Napahagulhol na lang ako. Naramdaman ko ang paghaplos ni Mommy sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka ko siya mahigpit na niyakap. Umiyak ako sa balikat niya. Patuloy naman ang paghagod niya sa likod ko.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon