Kabanata 58
The sound of the siren wailing from all over was the last thing I heard before everything went black. My body and my mind was drain from all of the tragic things that happened that night. Ang gabing inakala kong magiging masaya ay nauwi sa isang malagim na trahedya.
I dreamt about being trapped in a very dark and cold place. Mag-isa lang ako doon at kahit anong sigaw ko, walang sumasagot sa akin. I just woke up from that nightmare when I heard faint voices. May tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. Sinundan ko ang direksyon kung saan iyon nanggagaling hanggang sa tuluyan akong nilamon ng liwanag.
I slowly opened my eyes but everything is blurry. I felt dizzy and disoriented. I blinked my eyes a couple of times hanggang sa unti-unti ring luminaw ang aking paningin.
"Elora, anak?" ang humahagulgol na boses ni boses ni mommy ang sumunod kong narinig. Unti-unti na ring lumilinaw ang aking pandinig. Sinulyapan ko si mommy at nakita ko siya sa tabi ni daddy. They're both teary eyed while looking at me.
Bakit siya umiiyak? Nasaan ako?
"M-My..." ang tangi kong nasabi.
"Anak, may masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang saad ni dad. Umungol lang ang sunod kong naging sagot.
"Ricardo, tawagin mo ang doktor!" pahisteryang utos ni mommy kay daddy. Tumalima naman agad si dad para tawagin ang doktor.
Doon ko napagtantong nasa ospital nga ako ngayon.
"Salamat sa Panginoon at gising ka na, anak!" emosyonal na sabi ni mommy habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Wala pang isang minuto ay humahangos nang bumalik si dad na ngayon ay kasama na ang doktor. Lumapit ito sa akin at mabilisan akong sinuri.
"Ms. Montebella, naririnig at nakikita mo na ba ako ng malinaw ngayon?" tanong ng doktor matapos niyang ilawan ang mata ko.
I forced myself to say something.
"O-Opo, doc."
Tumatango tango siya at tinanong naman niya kung masakit ang tahi ko sa aking tagiliran. Umiling ako. Dahil sa pagbanggit ng doktor tungkol doon, nanlamig ako nang maalala ko ang tungkol sa anak ko.
"A-Ang... ang anak ko, doc? Please t-tell me that my baby is okay." I suddenly became hysterical.
"Calm down, Ms. Montebella. As for your question, I have good news and a bad news. The good news is the baby surprisingly survived..." Anang doktor na siyang ikinatuwa ko.
Para akong nabunutan ng tinik sa aking narinig. Napaiyak ako dahil sa sobrang galak. Niyakap naman ako ni mommy. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos na hindi niya pinabayaan ang anak ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling nawala sa akin ang anak ko.
"The bad news is, naging kritikal ang pagbubuntis mo dahil sa natamo mong saksak. You have been stabbed around the uterus and that cause scar tissues around it. Mabuti nalang at hindi malalim ang pagkakasaksak. But I cannot guarantee that your pregnancy is safe now. You still have to undergo further medical investigation so you need to stay here longer so I can monitor you and your baby regularly." He added.
Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil doon. Kung kinakailangan kong manatili dito hanggang sa makapanganak ako para lang mapanatili kong ligtas ang anak ko ay gagawin ko. I'm a nurse so I know that me and my baby's situation right now is very risky. Sinabi ng doktor sa akin ang mga kailangan kong gawin at pati na rin mga bawal kong gawin o kainin.
"S-Salamat, doc." Pasasalamat ko sa kanya nang matapos na siya sa pagpapayo sa akin ng mga dapat at di dapat kong gawin.
"No problem, Ms. Montebella. Kung may sumakit sa'yo, just let me know and...uh, I also need to talk to the father. Please tell him to approach me anytime para masabihan ko rin siya." Aniya. Tumango nalang ako. Pagkaalis ng doktor ay tinanong ko agad sina mommy kung nasaan si Deo.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...