Kabanata 52
"Thank you so much for letting me stay here even just for a while. I really owe you a lot, Elora." Abel said after he was done packing all his things. Lilipat na kasi siya ng titirhan. Kumuha na daw kasi siyang condo unit dahil nahihiya na daw siya sa akin.
I sighed and held his hand. I rub my thumb across his hand.
"Abel, you can stay here for as long as you want... pero kung ito talaga ang gusto mo, hahayaan kita. Just promise me na hindi mo papabayaan ang sarili mo doon. Dito nga malimit ka nang kumain. Kung hindi pa kita pipilitin hindi ka pa kakain, paano pa kaya kapag mag-isa ka nalang sa unit mo?" pakli ko.
Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kanya. Baka lalo niyang pabayaan ang sarili niya kung walang titingin sa kanya.
"I will eat on time from now on. I promise..." he smiled at me to assure me.
Hanggang ngayon, comatose pa rin si Tito Leo. Gustuhin man namin ay hindi pa rin namin siya nakikita hanggang ngayon dahil banned pa rin kami sa pagdalaw sa kanya. Galit pa rin ang mga kuya niya sa nangyari. Alam kong ginagawa ni Abel ang lahat ngayon para mapatawad siya ng mga kapatid niya.
Pagkatapos naming makapagpaalam sa isa't-isa, inihatid ko na lang siya hanggang sa gate. Ibinigay niya sa akin ang lokasyon ng condo unit niya. I promise to pay him a visit whenever I have a free time. Mami-miss ko siyang makasama sa iisang bubong pero kung ito talaga ang gusto niya, hahayaan ko nalang siya.
"Mag-iingat ka. Call me, okay?"
He nodded. "Uhm, you too." aniya bago siya tuluyang nakaalis.
Pagkaalis ni Abel, bumalik ulit ako sa pagkakahiga pagbalik ko sa aking kwarto. Para akong minamagnet ng kama. Kahit ang haba na nang naging tulog ko kagabi, pakiramdam ko ay inaantok pa rin ako kaya pinagbigyan ko nalang ang sarili kong umidlip ulit kahit ilang minuto pa. Nakatulog agad ako nang hindi ko namamalayan.
Nagising na lang ako nang maramdaman ko na ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko, tirik na tirik na ang araw na halos pagpawisan na ako dahil sa sobrang init. Pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo at naalalang pinatay ko nga pala ang aircon kanina. Nang sumulyap ako sa orasan ay tanghaling tapat na pala!
Oh, damn!
Napabalikwas ako at kaagad na umalis sa kama pero bigla nalang umikot ang paningin ko kaya napaupo ulit ako sa kama. Napahawak ako sa aking noo at marahang napahilot doon.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? I suddenly feel dizzy. Hinang hina ako at sobrang sama ng pakiramdam ko. Wala pang isang minuto ay naramdaman ko naman ngayong parang naduduwal ako. Lumipad ang kamay ko sa aking bibig.
Shit! May nakain ba akong masama kagabi at ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon?!
I try to suppress my body's demand a little bit longer but my stomach betrays me. I hurriedly dash to the bathroom and make it to the toilet right before I spew.
Sinikop ko ang aking buhok at nagduduwal sa sink kahit wala naman akong mailabas dahil wala pang laman ang tiyan ko. Halos maluha na ako pero hindi pa rin gumiginhawa ang pakiramdam ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay saka pa lang medyo humupa ang paghalukay ng tyan ko.
Napatingin ako sa salamin at nakita kong sobrang putla ng mukha ko. Bakit ganito ang nangyayari sa'kin? This isn't normal. Napadausdos ako at napaupo sa sahig. Iniisip ko kung anong nangyayari sa katawan ko at ganito nalang palagi ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.
I felt a roller coaster of nausea most of the times at naalalang delay na pala ang monthly period ko. I combed my fingers through my hair when realization hits me. Then, I covered my face in my palms and groaned.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...