Kabanata 25
Did I heard him right? He wants me to act as his girlfriend? I cringed at the thought.
Sa sobrang pagkawindang ko, pakiramdam ko kailangan kong isigaw sa kanya ang mga tanong ko. Kaya dinala ko siya agad sa kwarto ko para makapag-usap kami ng maayos doon nang hindi inaalala kung may makakarinig sa pag-uusap naming dalawa.
This is the first time that I brought him to my room but I didn't mind about it anymore. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan sa mga balak niyang gawin sa buhay niya! Pinaupo ko siya sa paanan ng kama ko habang nakatayo naman ako sa harap niya at nakapamaywang sa kanya.
"Do you really know what you are saying, Abel? Are you out of your mind? You want me to act as your girlfriend? Wala na bang ibang paraan?" tanong ko sa kanya makalipas ang ilang minutong pag-ikot ikot ko sa harapan niya.
Nanghihinang napailing lang siya. I huffed in disbelief. Pakiramdam ko tuloy ako na 'yung mas problemado kaysa sa kanya.
"You're planning to tell him the truth, right? Kapag nagpanggap tayo, mas lalong hindi mo masasabi sa kanila ang totoo. You should think twice, Abel!" Halos pahisterya ko ng sinabi sa kanya.
Naiintindihan ko kung natatakot parin siyang umamin sa dad niya pero hanggang kailan? Hanggang kailan niya ang ililihim ang totoo?
Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung makakapayag ako sa gusto niyang mangyari kung mas magiging malala lang ang sitwasyon niya kapag ginawa namin iyon. Mas lalo niyang paniniwalain ang pamilya niya sa isang malaking kasinungalingan!
This is not really a good idea! Ugh! I feel like I'm losing my sanity!
"Elora, I've already think about this a million times! But this isn't the right time..." mariin niyang sinabi. He clenched his jaw and frustratingly massage his forehead like I was giving him a hard time. Well, parehas lang kami ng nararamdaman ngayon!
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Then, when is the right time, huh?" I taunted.
Marahas niyang ginulo ang sariling buhok saka siya nag-angat ng tingin sa'kin.
"My dad has a chronic heart disease, El." Sagot niya na siyang ikinatahimik ko. I saw how he swallowed painfully, and his eyes, they were full of sorrow.
"If I tell him about...me, it might affect his health and I don't want that to happen. He is more important to me than my own happiness." Pumiyok ang boses niya. Kitang kita ko ang kamiserablehan sa mga mata niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa nalaman. Nalulungkot ako para sa sitwasyong kinalalagyan niya. Kaibigan ko siya at ang gusto ko lang naman ay ang maging masaya siya. Pero hindi ko din siya masisisi kung mas uunahin nga niya ang kapakanan ng ama niya kaysa sa sarili niyang kaligayahan.
Kahit naman ako ang nasa kalagayan niya, mas uunahin ko rin ang kapakanan ng mga magulang ko.
"I-I'm sorry..." hingi ko ng dispensa. Hindi ko dapat siya kwinestyon agad at nakinig muna ako sa sasabihin niya. Nagi-guilty tuloy ako sa naisip ko kaninang naduduwag na naman siya.
"That is the reason why he wants us to take over the company now because he knew that he only have a remaining few months to live. I suddenly feel like a worthless son to him upon knowing about his situation. I'm saving other people's lives but I cannot take care of him." Nanglulumo niyang sinabi at muling napayuko at tinakpan ng palad ang mukha.
Ilang sandali lang ay tumataas-baba na ang mga balikat niya senyales na umiiyak siya. Parang may kung anong kumikirot sa puso ko dahil sa nakikita kong kamiserablehan niya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...