Kabanata 38

13.7K 191 9
                                    


Kabanata 38

Good thing that he understand why I turn down his offer even though I can feel that he was a little bit devastated. I feel bad pero mas mabuti nang klaro sa kanyang hinding hindi ako tatanggap ng kahit anong materyal na bagay mula sa kanya.

Kapagkuwan ay umalis na kami sa kompanya niya. I just remain silent habang nagbibiyahe na kami. Akala ko ay ibabalik na niya ako sa kung saan ko iniwan ang sasakyan ko pero nagkamali ako.

"What are we doing here?" tanong ko nang makita kong nagpunta kami sa beach house niya kung saan niya din ako dinala noon.

"May pag-uusapan pa tayo," he trailed off as he stop the car's engine. "...and I'm hungry. Kumain na tayo rito." saad niya at sumulyap sa akin. He looked exhausted and disappointed at the same time.

Nagdadalawang isip ako sa paglabas kaya nang mapansin niya ako ay tinanong niya ako kung anong problema.

"I-Is it...really okay na pumupunta ako rito? Baka madatnan ako ni Ivana dito at—"

"She doesn't know this place so stop worrying," agap niya. Nahimigan ko ang yamot sa boses niya. Nawawalan na siguro siya ng pasensya sa akin dahil kanina ko pa siya kinokontra.

"Okay," I sighed, feeling guilty. "I'm sorry... I think I'm just being paranoid." I whispered and bowed my head.

Hindi siya umimik pero kapagkuwan ay naramdaman kong ginagap niya ang mga kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa mga kamay ko. Sa simpleng haplos lang niya sa kamay ko'y parang pinaparamdam na niyang ayos lang ang lahat. Na wala akong dapat ikabahala. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"I understand," he consoled me. "but this place... this is yours..." he murmured. There was a warm coiling in my stomach. "From now on, this will be your territory, keep that in mind, hmm?" he said softly. My heart galloped, I sucked in a breath to calm it.

"Okay..." I responded softly.

"Good." He said croakily at umayos na sa pagkakaupo.

Sunod-sunuran ako sa likuran niya habang papasok kami sa bahay niya. Ang mga kasambahay ay may kakaibang tinging ipinupukol sa akin. There was a malicious look in their eyes.

Sa hilatsa palang ng mukha nila, hatang inaalala nila kung kailan nila ako unang nakitang tumuntong dito. Umiwas ako ng tingin at ipinagsawalang bahala ko na lang iyon kahit pakiramdam ko'y nalulusaw na ako sa mga titig nila.

Kumain muna kami bago kami umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Gaya ng naunang impresyon ko rito, namamangha pa rin talaga ako sa magarbong dekorasyon at sa mga mamahaling gamit ng kanyang bahay. Para bang mabusisi niyang pinili ang disenyo at lahat ng mga gamit na narito.

This house was actually what I wish for for a dream house! Pangarap ko noong tumira malapit sa dagat. Hindi ko lang maalala kung nabanggit ko iyon sa kanya.

Habang umaakyat kami, iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. Sinusubukan kong maghanap ng partikular na bagay sa pader pero wala akong makita ni isa niyon.

Hindi na ba talaga siya nagpipinta?

"Are you looking for something?" tanong niya nang mapansin niyang palinga-linga ako.

"A-Ah...wala," patay malisyang sagot ko at nagpatuloy na sa pag-akyat.

Pag-akyat namin sa pangalawang palapag, sinimulan na niyang ipaliwanag sa akin ang mga detalye ng bahay. Like how many rooms this house have, how many bathrooms, kitchens and such. Inisa-isa niyang ipinakita sa akin ang lahat ng mga kwarto at ang buong sulok ng bahay.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon