Kabanata 26

13.1K 161 12
                                    


Kabanata 26

Tita finally agreed after we talked. Ilang beses pang nangako at inassure siya ni Abel na hindi niya ako pababayaan doon. Nagi-guilty din naman ako dahil sa pagsisinungaling ko sa kanila tungkol sa relasyon namin ni Abel.

"Why did you told them that we're in a relationship?" Abel asked me when we left alone in the living room. Pumangalumbaba ako.

"Dahil iyon lang ang tanging paraan para payagan ako ni Tita sa pag-uwi ko sa Pilipinas. If it wasn't because of you, she surely won't ever let me go!" palatak ko tsaka ako tumuwid sa pagkakaupo. "Besides, ipapakilala mo din naman ako sa pamilya mo bilang girlfriend mo, diba? Kaya dapat dito pa lang napapaniwala na natin ang mga tao na totoong may relasyon tayo. Naiintindihan na kita ngayon... Sometimes, we really need to tell white lies because that's the only thing that could save us." I sighed. He took a deep sigh, too.

"Save us? What do you mean?"

"There's something wrong going on with my parents. Kailangan kong umuwi para alamin kung ano iyon."

"Why don't you just ask your aunt about it instead?"

"She won't ever tell me. I swear! Kaya kailangan ko ding magsinungaling sa kanila para payagan niya akong makauwi sa Pilipinas. Nag-aalala ako sa mommy ko kaya gagawin ko 'to."

Abel nodded. "So what's your plan now? How about your work? Did you already filed for a leave?"

Umiling ako. "Hindi pa... Aasikasuhin ko 'yan bukas." Nanghihinang sagot ko.

Kaya naman, iyon nga ang ginawa ko kinabukasan. I filed for indefinite leave. Nang malaman iyon ni Sierra at Froilan ay panay ang tanong nila at hindi sila makapaniwala sa biglaan kong pagli-leave. I didn't told them the same lies that I told to Tita Agnes and Tito Joe. Para silang namatayan kung makatitig sa akin ng mga sandaling iyon.

"I will miss you, El..." Sierra sadly said.

"I will miss you too, Sier..." malungkot ko ring pahayag bago kami nagyakapang dalawa.

Pagkatapos kong makapagpaalam sa kanilang dalawa ay umuwi na agad ako sa bahay para makapag-empake na ng mga gamit ko dahil maaga pa ang flight namin bukas. Wala pa talaga akong kaide-ideya kung hanggang kailan kami magtatagal doon kaya kumuha nalang ako ng sapat.

Kung medyo matagalan man kami ay bibili nalang siguro ako doon. Mahirap din kasing magdala ng maraming gamit dahil bukod sa hassle ay makikituloy lang din ako sa bahay nila Abel. Nakakahiya at baka akalain pa ng pamilya niyang iniuwi na talaga niya ako sa kanila. Nangilabot ako bigla sa isiping iyon.

"Couz', are you really sure about this?" tanong ni Bree na ngayon ay nasa kwarto ko at pinapanood ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Sandali akong huminto sa aking ginagawa para tumingin sa kanya. Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya.

Maging sa kanya'y nagsinungaling ako. Lunod na lunod na ako sa guilt dahil sa pagsisinungaling ko sa kanila pero wala akong ibang choice kundi ito lang. Siguro naman, kapag nalaman nila ang totoo, maiintidihan din nila ako.

She didn't smile back, she was just staring at me. Natatakot akong baka mabasa niya ang nasa isip ko kaya nagbaba agad ako ng tingin at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

"We've been together for four years, Elora..." saad ni Bree na siyang ikina-angat ng tingin ko ulit sa kanya. Seryosong seryoso parin ang itsura niya. "I know you when you're hiding something." Aniya na siyang nagpatambol sa puso ko.

"What? I'm not hiding—"

"Remember the last time you didn't told us your problem? Nahuli kitang umiiyak dito sa kwarto mo, 'diba? I comforted you and you made a promise that you will never hide anything to me again. Do you still remember that?" mariin ang bawat salita niya. Guilty akong napatango.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon