Kabanata 51

12.6K 154 8
                                    


Kabanata 51

Hindi ako makapaniwalang sa wakas ay natapos din ang interview namin at nasabi na namin lahat ng pwede naming ibunyag. Para akong nabunutan ng tinik. Mayroon paring hindi kumbinsido pero mas marami na ngayon ang nakikisimpatya at naniniwala sa akin. At ganoon din kay Abel.

I am so happy for him because finally he had nothing to hide now. Pagkaalis namin ng studio ay dumiretso nga kami sa attorney na hahawak sa kasong isasampa ko laban sa mga nagtangkang gumahasa sa akin. Pero sa kalagitnaan ng diskusyon namin, may tumawag kay Abel at nagsabing itinakbo daw sa ospital ang daddy niya.

Naudlot ang pag-uusap namin ng lawyer dahil kinailangan naming puntahan agad ang daddy niya sa ospital. Pareho kaming alalang-alala ni Abel para kay Tito Leo. Inatake daw ito sa puso habang nanonood siya ng interview naming dalawa ni Abel. Papunta palang kami ng ospital ay kinakain na ako ng konsensya ko dahil sa nangyari kay Tito.

Pagkarating namin ng ospital ay kaagad nakatikim ng suntok si Abel mula sa mga kuya niya. They looked so furious at him. Napahandusay si Abel sa sahig habang nagdudugo ang gilid ng kanyang labi, Naaawa ako sa kanya pero hindi ko naman alam kung anong dapat gagawin.

"What are you doing here, huh?! May mukha ka pa palang ihaharap sa amin pagkatapos ng kahihiyang ginawa mo sa pamilya natin! Bakla ka pala, ha? Bakla ka?! You care for your friend but you didn't think of our family! You son of a bitch!" akmang gugulpihin na naman siya ng nakatatandang kapatid niya mabuti na lang at inawat siya ng isa.

"You know what? We don't need you here anymore! Sana hindi ka nalang bumalik dito. Go back to Australia for all you want and live the life you always wanted!" his other brother yelled at him.

Nang mapatingin sa akin ang isa sa mga kuya niya ay kaagad akong nagbaba ng tingin. Alam kong masama ang tingin nila sa akin ngayon dahil sa panloloko ko sa kanila kaya kahit gusto ko mang humingi ng tawad sa kanila, hindi ko magawa dahil naunahan na ako ng nerbyos ko.

"At ikaw, ayaw ka na din naming makita. You two are really destined to be together. Pareho kayong mga manloloko! Now, get out of here before I even do something worse to both of you! I don't want to see your goddamn faces again!" halos mapapikit ako sa sigaw ng kuya niya. Dali-dali ko namang inalalayan si Abel sa pagtayo at inilabas na sa private room ng dad niya.

Katulad ng nangyari sa ospital, pinalayas din nila si Abel sa mansyon nila kinagabihan nang araw na iyon. Inalok ko nalang siyang tumira muna kasama ko sa apartment na inuupahan ko. He was hesitant at first. Nahihiya daw siya sa'kin pero nag-insist parin akong samahan nalang niya ako hanggang sa napapayag ko din siya. Sino pa ba ang magtutulungan sa ganitong klaseng sitawasyon kundi kami din sa isa't-isa.

"This was just the first challenge God has given to you. Don't give up and never lose hope... Matatanggap ka din ng pamilya mo. For now, you just need to give them enough time and space to think about it. Intindihin mo nalang sila. And don't worry about your father, he's a tough old man. Magiging maayos din ang lagay niya." I tried to console him pagkarating namin sa apartment ko.

Niyaya ko siya kaninang kumain na ng dinner pero sabi niya ay wala daw siyang gana. At kanina pa din siya walang imik kaya ngayon, sinusubukan kong pagaanin ang loob niya.

He sighed and looked at me with his weary eyes.

"Thank you for your comforting words, Elora. But I don't think I can be as positive thinking as you are right now." He said quietly. Kaya naman hinayaan ko muna siyang mag-isa nang gabing iyon. Maybe he just needed some time alone for now. Ang mahalaga ay kasama ko siya ngayon at alam kong kahit papaano ay karamay namin ang isa't-isa sa ganitong klaseng sitwasyon.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon