~*~
I literally held my breath when Ivana suddenly roared in frustration. Her face bright red and her eyes widened in irritation.
"Anong ginawa mo?! Napakatanga mo!" nangangalaiting bulyaw niya sa akin. Base sa matatalim niyang titig sa akin, para bang gusto na niya akong sugudin.
Marahan akong napaatras at napayuko nalang. Hindi dahil sa natatakot ako sa kanya kundi dahil ayokong makilala nila ako.
"Ivana... Calm down, darling. It's okay." her mom intruded as she walked closer to her. She tried to convince and calm her down but Ivana was a one tough shell to break.
"No, mom! Nabuhusan ako ng muchachang ito ng wine! Look at my dress! She ruined it!" pahisteryang sagot niya.
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Talagang hinihintay ko ang pagsugod niya sa akin. Mas mabuti nga yata kung gawin niya iyon sa harap ng maraming tao para makita nila ang totoo niyang pagkatao. Siya mismo ang magsisiwalat ng nangangamoy niyang baho!
Nakakakuha na si Ivana ng atensyon sa mga tao kaya naman nang mapansin ito ng Daddy niya ay agad itong tumayo at pasimpleng inilayo doon ang kanyang anak. Noong una ay nagpupumiglas pa ito pero kalauna'y nagpatangay din. Sumunod naman sa kanila ang mommy at ang boyfriend nito.
Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang makaalis na sila sa harapan ko.
"Sino ba ang katulong na iyan, Eloida? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita?" rinig kong tanong ni Dad kay Mom.
Bumaling ako sa kanila at nakita ko ang makahulugang tingin sa akin ni Mommy. Alam kong nakilala na niya ako. Sa simpleng tingin niya ay nakuha ko na agad ang nais niyang ipahiwatig.
"Ah! Nakalimutan mo na ba agad, Ricardo? Siya yung apo ni Neri! Siya ang pumalit sa lola niya." pagsisinungaling ni Mommy habang sinisenyasan akong umalis na.
Mukhang naniwala naman si Dad. Tumango tango ito. "Bakit ka naman kumuha ng katulong na lalampa lampa? Nakakahiya kay Samuel ang nangyari." Turan ni Dad.
"Hindi naman niya sinasadya. Hayaan mo na, Ricardo." paliwanag ni mommy sa mahinahong boses pero umiling si Dad.
"Ibigay mo na ang natitirang sahod niya. Ayaw ko nang makita pa iyan dito." pinal na sagot ni Dad.
...
"Bakit pumunta ka pa rin doon, Elora? Hindi ba ang sabi ko huwag ka ng pumunta? Paano nalang kapag nakilala ka ng Daddy mo? Mas lalo lang siyang magagalit sayo!" ani mommy sa nag-aalalang tono nang makarating siya sa condo kinabukasan.
Pagkarinig ko ng sinabi ni Dad ay agad na akong umalis doon. Sapat na sa akin ang mga narinig ko. Kahit anong gawin ko, si Ivana pa rin ang papanigan ni Daddy. Nagdududa na tuloy ako kung sino ba talaga sa amin ni Ivana ang anak niya. Siya pa mismo na sarili kong ama ikinakahiya ako sa ibang tao! At nakita niyang si Ivana ang gumawa ng eskandalo pero pinili parin niyang panigan ito!
"Mom, believe me, I don't intend to make a scene there! I just wanted to take a glimpse! Sadyang walang hiya lang ang Ivana na iyon!" pagrarason ko at padarag na napaupo sa sofa.
Mom let out an exaggerated sigh and throw me a warning stare.
"Promise me, Elora. Hindi ka na ulit gagawa ng hakbang ng hindi ko nalalaman. Dahil wala kang ibang kakampi dito kundi ako! Kailangan kong malaman lahat ng kilos mo para alam ko kung kailan kita dapat pagtakpan! Believe me, lalo mo lang ipinapahamak ang sarili mo kapag hindi ka sumunod sa akin. Will you please listen to me? Naiintindihan mo ba ako? Ha, Elora?" pangaral sa akin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...