Kabanata 57

12.5K 161 12
                                    


Kabanata 57

Para akong nakakita ng multo habang nakatingin ako ngayon kay Ivana. Binabangungot ba ako ngayon? Sana nga isa lang itong masamang panaginip.

"What are you doing here, Ivana?" Deo stood up from his chair and quickly put me behind him.

Mas lalong lumapit si Ivana sa amin. Until she's just standing a few feet away from us.

"What do you think, babe? Of course, I came here because I want to see you both." aniya habang may kakaibang ngiting nakaukit sa kanyang labi.

I swallow back the lump rising in my throat. Isa lang ang maaaring dahilan kung bakit siya nandito ngayon at nasisiguro kong iyon ay para manggulo. Pero base sa hawak niyang baril ngayon, mukhang hindi lang simpleng gulo ang binabalak niya.

What if she kill us both here?!

The thought scared the shit out of me. Biglang nagpanic ang sistema ko sa isiping iyon. Iniisip ko na kung paano ako makakahingi ng saklolo gayong kami lang ang tao dito sa rooftop! Imposibleng may pumunta dito ngayon. We need to get the hell out of here!

"H-How did you get here? P-Paano mo nalamang nandito kami?" sabat ko kaya nabaling ang tingin niya sa akin.

Napatawa siya ng pagak at pinagtaasaan ako ng kilay. "Nandito ako ngayon sa harap niyo dahil rin sa kagagahan mo. I followed you earlier until I found out about this place. Ang galing ko 'diba?" ngumisi siya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi para parusahan. Kasalanan ko pala kung bakit niya kami nasundan dito. Hindi ako nag-iingat! Tama talaga ang kutob ko kanina. Siya nga iyong sumusunod sa akin kanina sa palengke!

"Leave us alone. I warning you." Mariing sinabi ni Deo sa kanya pero hindi ito nagpatinag.

She flashed a sad face and suddenly sing a line from a song. "Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too?" kanta niya at saka napatawa ng malakas na parang sa tawa ng bruha.

"You're crazy!" Deo spat disgustedly.

"Hmm...You're right, babe. Baliw na nga siguro ako sa'yo. Dahil alam mo ba? Kahit niluko mo ako, mahal pa rin kita. Kaya nga ako nandito eh, para bawiin ka." Aniya sa tono na parang nawawala na talaga siya sa tamang pag-iisip.

Humakbang ako paharap at mabilis na lumuhod sa harap niya. Kung ito lang ang tanging paraan para pabayaan na niya kami ay gagawin ko. Napasinghap naman si Deo sa aking ginawa.

"Ivana, please... Kung anuman ang binabalak mo, huwag mo nang tangkain. Hayaan mo na lang kami. Don't be like your father. You are not a criminal. So please, stop this..." mahinahon kong pakiusap. Snubukan ko siyang daanin sa maayos na paraan habang nakaluhod ako sa kanyang harapan.

Hinawakan naman ni Deo ang balikat ko at pilit akong pinapatayo pero nanatili ako sa ganoong posisyon at hinintay ang magiging sagot ni Ivana. Nagbabakasaling mapapalambot ko ang puso niya at makapag-isip isip siya sa mga sinabi ko.

But I think that wasn't enough.

"I like you begging... but you know what? I like you even more when you're dead." She said through gritted teeth and her expression turned sharp.

Nalaglag ang balikat ko kasabay ng pagbagsak ng pag-asa kong mababago ko pa ang isip niya.

"You don't have the right to talk like that about my father! You're nothing but a worthless piece of shit! You destroyed everything I have and yet, ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan! Ano kaya kung pasabugin ko nalang 'yang bungo mo?!"

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon