Simula

93.8K 1.3K 87
                                    

"H'wag kang uupo-upo diyan! Pumunta ka sa mansion at maglaba ka 'ron! Masakit ang balakang ko, kaya ikaw muna!" Bungad sa akin ni Mama nang mabuksan niya ang pinto.

"Pupunta na ho ako." Sabi ko.

"Sige na at hindi rin ako natutuwa sa pagmumukha mo!" Ani Mama.

Marahan akong tumango at humakbang na palabas ng bahay, sa araw-araw na pamumuhay ko ay tanggap ko na kung gaano kagalit sa akin si Mama. Hindi kasi ako matanggap ni Mama, magpahanggang ngayon. Galit na galit siya dahil sa ginawa sa kanya ng foreigner niyang nakilala noon, dahil pinagsamantalahan siya, at eto nga, ako ang bunga nang ginawa ng tatay kong foreigner kay Mama.

Fifteen years old na ako at huminto na rin ako sa pag-aaral dahil hindi na kaya ni Mama na pag-aralin pa ako, kaysa daw mag-aral ako ay magtrabaho na lamang ako.

May pamilya nga pala si Mama bukod sa akin. May kinakasama siya at mayroon siyang dalawang anak rito. Si Tatay Eleonor ang asawa ni Mama ngayon, at ang dalawa kong kapatid na si Yssabelle at Carissa. Si Tatay Eleonor ay nasa talyer at doon nagtatrabaho, mabuti na nga lang at wala siya dito sa bahay ngayon dahil kapag nag-iinit ang ulo niya ay ako ang napagbubuntungan, ang mga kapatid ko naman na si Yssabelle at Carrisa ay kapwa nag-aaral, wala rin sila ngayon sa bahay kaya kami lang ni Mama mag-isa.

Ngayon, papunta ako sa mansyon ng mga Santos para maglaba, kadalasan kasi, ako ang gumagawa ng mga trabaho ni Mama sa mansyon na iyon, lalo na kapag wala ang mga amo namin, sigurado akong nasa ibang bansa nanaman ang mag-asawang amo namin na sina Ma'am Lizette at Sir Zach. May dalawa rin silang anak si Troy at si Travis.

Kapag pumupunta ako sa mansyon nila ay minsan ko lamang makita ang mga amo ko, kadalasan kasi wala talaga sila sa bahay at kung saan sila pumupunta ay hindi ko na alam.

"Kara! 'Yung utang pala ni Miranda, isang-daan 'ipaalala mo!" Sabi sa akin ni Aling Isay.

Tumango ako. "Opo." Sagot ko.

Hindi na ako dapat na magulat pa sa ganitong senaryo ng buhay ko, madalas kasing mangutang si Mama at alam ko iyon.

"Oh Kara! Ikaw ang maglalaba?" Sabi sa akin ni Manang Tessa. Ang isa sa mga katulong sa mansyon.

Pumasok ako sa hardin ng mansyon at sumalubong sa akin ang napakagandang swimming pool, gusto ko nga sanang mag-swimming pero alam kong hindi pe-pwede, isa lamang akong katulong sa bahay na ito, sa tanang buhay ko nga hindi pa ako nakakapag-swimming pero isasang-tabi ko na lamang iyon. Mas kailangan ko munang maglaba kaysa sa swimming-swimming na iyan.

Tumungo ako sa may likuran ng bahay at nakita ko ang tambak na labahin 'ron. Napailing na lamang ako at sinimulan ng maglaba, normal lang naman ang dami ng labahing.

Ang nilalabhan ko lang naman ay damit ng magkambal na amo ko.

"Bago ka ba rito?" Napatigil ako nang may marinig akong nagsalita sa likod ko,

Paglingon ko ay nakita ko si Sir Travis na nakatayo, bagamat minsan ko lamang siya nakikita dito sa mansyon ay natatandaan ko pa rin ang kanyang mukha.

Si Sir Travis ang tinutukoy kong isa sa mga amo namin, may kapatid pa siya, kaya lang minsan ko lang din makita ang kapatid niyang iyon.

"H-Hindi po, Pinapunta po ako ni Mama dito, kasi sumasakit ho ang balakang niya."

Tumatango-tango siya habang nakapangalum-babang nakatingin sa labahin ko "I see." Aniya.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalaba pagkatapos 'non, ang akala ko nga'y wala na siya sa likod ko pero nagkakamali pala ako. Nang lumingon kasi ako ay nakita ko siyang may bit-bit na mga lagayan ng maruming damit na sa tingin ko say sa kanya pa rin.

"Isabay mo na rin." Aniya at inilapag sa tabi ko ang hawak niya.

"Opo, Ser." Sambit ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagngisi niya at nang itaas ko ang paningin ko sa kanya ay nakangisi nga siya. "B-Bakit po ser?" Kinakabahang tanong ko.

Umiling-iling siya at humakbang na patalikod sa akin. "Nagba-bra ka ba? Bakat 'yang ano mo.." Napatutop ako mula sa kinauupuan ko.

Sa dinarami-rami ng pwede niyang mapansin ay ang dibdib ko pa!

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon