"Matagal na akong nagtatrabaho sa mga Santos, sa tingin ko ay marami na rin talaga akong alam sa kanila lalo na kay Sir Travis nitong mga nagdaang taon.... Ngayon ka lang ba talaga niya nakita?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Kamakailan lang po kami nagkita,"
"Ah." Aniya habang ipinagdidikit ang dalawang kamay niya, "Kaya pala hindi na siya ibinalik pa sa Rehabilitation Center sa Bilibid."
Agad na namilog ang mata ko sa narinig, "Po? Bilibid?"
"Oo, Kara." Sagot niya, "Hindi mo pala talaga alam? Hindi niya sinasabi sa 'yo?"
Wala ako sa sariling napatango habang mabilis ang bawat paghinga, "W-Wala po siyang naike-kwento sa akin."
"Napansin namin ang pagbabago kay Senyor noong pitong taon na ang nakalilipas. Hindi alam nila Sir Zach at Ma'am Lizette kung saan pumunta si Senyor Travis, may nakapagsabi lang sa kanila na may itinanan nga si Sir Travis pero hindi naman daw niya nakilala ang babae na kasama ni Sir. Hindi nila alam kung sino ang kasama ni Sir at gayundin kaming mga katulong, walang nakakaalam sa amin. Noong makauwi si Sir Travis sa mansyon ay inasikaso na niya ang anak niya pero hindi ang asawa niya."
"A-Ano po ang ibig mong sabihin?"
"Seven years, tatlong araw nang makauwi si Sir Travis ay 'tsaka naman dumating ang annulment paper para sa kanilang dalawang mag-asawa, gustong-gusto nang makipag-hiwalay ni Sir noon kay Ma'am Liezel. Naririnig ko nga silang nag-aaway noong sa kwarto nila habang naglilinis ako. Ipinagpipilitan ni Sir Travis na may mahal daw siyang iba. Hindi niya talaga tunay na mahal si Ma'am Liezel. Sa pagkakaalam ko ay kaya ikinasal noon si Sir Travis kay Ma'am Liezel ay dahil buntis yata si Ma'am Liezel noon, college pa lang yata sila nang ikasal sila,"
"H-Hindi po ba niya minahal si Liezel?"
Kibit balikat niya akong sinagot, "Hindi ko alam, pero base sa nasasaksihan ko noon ay parang hindi naman mapalagay ang loob ni Sir Travis kay Ma'am Liezel. Noong dumating 'yung annulment paper ay sakto namang nawala ka.... Nabalitaan naming lahat na nawawala ka at hindi namin alam kung nasaan ka. Kahit ako, nag-aalala kung ano ang nangyari sa 'yo. Noong nalaman ni Sir Travis na nawawala ka at hindi ka na makita ay pansin ko ang pagkataranta niya, magkalaro kasi silang dalawa ng anak niya nang marinig niya kaming nag-uusap ni Carol tungkol sa 'yo. ayun, Sinabi namin sa kanya ang totoo na pinalayas ka nga sa inyo at hindi namin alam kung nasaan ka.. Sobra ang pagtataka namin kay Sir dahil umalis agad siya kahit na hindi pa kami tapos magsalita ni Carol."
"P-Pumunta po siya sa bahay?"
"Hindi ko yan masisigurado," Kibit balikat niya, "Pero simula noong malaman niya na nawawala ka ay hindi na siya mapakali. Nahuhuli ko pa nga yan na may kinaka-usap sa telepono. Mga tauhan niya, Siguro ay pinapahanap ka. Tapos araw-araw siyang wala sa mansyon, May isang beses ko ngang naabutan na nagalit si Ma'am Liezel kay Sir Travis dahil laging wala sa bahay si Sir, hindi na daw kasi naaasikaso ni Sir ang anak niya, Sobra ang away nila noon, hanggang sa nalaman ni Sir Zach at Ma'am Lizette ang nangyari kina Sir Travis at Ma'am Liezel, nalaman na kasi nila Sir Zach na gusto nang makipaghiwalay ni Sir Travis kay Ma'am Liezel."
"Mama! Si Kuya niaasar yata ako oh!" Ani Kristian na naka-pukaw sa atensyon ko.
Agad akong napatingin sa gawi nila, "'Wag kayo mag-away diyan."
"Hindi po kami nag-aaway, Mama!" Sagot nilang dalawa.
Muli kong binalingan ng tingin si Manang Tessa, "Napaka-cute ng dalawang anak mo."
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...