Kabanata 42

38.9K 870 85
                                    



"Mama! Bakit ka pala nakangiti? Kanina ka pa kasi ganyan eh," Tanong sa akin ni Kristofer

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa eskwelahan nina Kristofer at Kristian. Si naman Travis ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Oo nga, Kuya!" Sabi pa ni Kristian.

Lilingon sana ako sa dalawa nang makarinig ako ng mahinang pagtawa sa tabi ko, Kaya imbes na mapatingin ako sa mga anak ko ay napabaling ako kay Travis na natatawa-tawa habang nagmamaneho.

"Kinikilig siguro, kaya ganyan." Natatawang sabi niya habang nakatingin pa 'rin sa daan.

Kusang nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi noh!"

Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng kilay ni Travis habang natatawa-tawa. Unti-unting napapahaba ang nguso ko. Hindi na ako nakipagmatigasan pa sa kanya hanggang sa marating namin ang eskwelahan ng dalawa.

"Papa! Halika, Papakilala ka namin ni Kris sa mga Classmate namin!" Masayang sabi ni Kristofer habang hinihila si Travis papunta sa mga classmate nilang dalawa ni Kristian.

Napangiti ako nang makita ko ang mag-a-ama sa may harapan ng klase nila. "Classmates! Siya nga pala si Papa namin ni Kuya!" Masiglang sabi ni Kristian sa mga classmates niya.nasa harapan rin ang teacher nila at tila natutuwa sa dalawang anak ko.

"Papa! Pakilala ka din sa kanila!" Nakangusong sabi ni Kristofer bago balingan ng tingin ang teacher nila. "Teacher! Kasali na kami sa foundation day ah?" Masaya pa ring sabi ni Kristofer sa teacher niya.

"Ahh." Mas lalo akong napangiti nang makita kong tila kinakabahan si Travis sa harapan. Napakamot siya sa may bandang batok niya at tila may hinahanap sa may labas, nang madako ang paningin niya sa akin ay naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ako nga pala si Travis Jacob Santos." Sabi ni Travis sa mga kaklase ni Kristian at Kristofer, muli niyang ibinaling ang kanyang paninging sa akin. "Siya si Kara.." Aniya habang itinuro ako, "Santillan-Santos." Sabi pa niya kasunod ng kanyang pagngiti.

Ngumiti naman ako sa mga kaklase ni Kristian at Kristofer.

"Ma'am, Kara. Sa sabado na po 'yung foundation day dito 'rin po sa school." Sabi ni Teacher sa akin at may iniabot na phamplet sa akin, "May activities, games at pa-raffles po kasi ang school para sa mga family na a-attend."

Tumango naman ako kay Teacher, pero bago pa ako makasagot ay sumingit na si Travis sa usapan. "Pupunta po kami diyan, Teacher."

"Maraming salamat po."

Kasalukuyang nagmamaneho si Travis patungo sa opisina. Kanina ko pa 'rin naririnig ang pagbubuntong hininga niya sa tabi ko.

"Ahh.. Kara..." Mahinang tawag niya sa may tabi ko, "Ganun ba talaga kakulit ang dalawang anak natin?"

Parang gusto kong matawa sa itinanong niya, pero hindi ko ginawa. Sa halip ay tumango na lamang ako habang nakatingin sa daan. "Makulit talaga ang dalawa lalo na si Kristian. May pagka-pilyo 'rin ang dalawang 'yon." Sabi ko.

"Si Kristofer, mabait 'yon, matalino at napaka-masunurin, mas seryoso 'rin siya kumpara sa kapatid niya. Pakiramdam ko ay masikreto si Kristofer dahil may ilang bagay siyang hindi sinasabi sa akin. Si Kristian naman ay mabait din tulad ng kapatid niya, masunurin din siya pero minsan lang, madalas kasi ay napaka-kulit niya..." Sabi ko at saglit na napatawa. "Matalino rin si Kristian, Kadalasan nga lang ay napapagalitan ko siya dahil napapa-away siya sa school nila, nagagalit din siya kapag nakita niya na may umaaway sa akin, pareho sila ng kapatid niya."

"Kaya pala nila ako inaaway noong una."

"Pasensya ka na sa dalawang 'yon. Ayaw lang kasi talaga nila na may makita sila na umaaway sa akin, at saka hindi ka pa naman nila kilala noon."

"Don't sorry for that. In fact, mas natutuwa pa nga ako sa kanila." Sabi niya at saglit akong binalingan ng tingin, "You raised them very well... Hindi mo talaga sila pinabayaan kahit na wala ako..."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nananatili lamang ang tingin ko sa labas hanggang makarating kami sa Parking lot ng kanilang kompanya.

"Good Morning, Sir."

Ramdam ko ang sobrang pagka-ilang nang sabay pa kaming maglakad papasok sa building. Panay ang pagbati ng mga empleyado sa kanya, pero diretso niya lang na tinatahak ang daan na tila nakikiramdam sa akin.

Nang makapasok kami sa elevator ay nabalot na talaga ng katahimikan ang buong iyon. Kaming dalawa lang kasi ang tao sa loob, "What do you want for lunch?" Tanong niya sa akin. "And the kids??... What do they like?"

"McDonalds ang paborito ng dalawa."

"Eh, Ikaw?"

"Sa canteen ako kumakain tuwing break time. "

Tumango naman siya, "Pwede ba akong sumabay sa 'yo?"

"Oo naman.."

Nang tignan ko siya ay pansin ko ang pagpipigil niya sa ngiti niya. "Sana mag-break time na."

Kibit balikat na lamang ako hanggang sa makarating kami sa may pintuan ng opisina ni Travis.

Nagulat ako nang sumalubong sa amin si Sir Zach. Hindi pa man nakakapasok si Travis sa loob ng opisina ay agad niyang dinaluhan ng malakas na suntok si Travis.

"Wala kang kwentang anak kahit kailan!"

Mabilis na nanlaki ang mata ko nang paulit-ulit na suntukin ni Sir Zach si Travis. "Hindi mo na ba talaga kayang magtino?! Napakawalang hiya mo talaga!"

"Z-Zach, please tama na...."

Napalunok ako ng mariin nang makita ko si Ma'am Lizette na inaawat ang asawa niya. Panay lamang ang pagsuntok ni Sir Zach sa kahit saang parte ng katawan ni Travis. "Zach! Maawa ka sa anak mo!"

Halos mapako ako mula sa aking kinatatayuan nang makita ko ang duguang mukha ni Travis.

"Akala ko ba magbabagong buhay ka na?!"

"Z-Zach huminahon ka muna.." Sabi ni Ma'am Lizette.

Muli akong nagulat nang suntukin muli ni Sir Zach ang mukha ni Travis. Hindi na makapalag si Travis at halos nanghihina na rin siya. "S-Sir.."

"Limang taon ng patay ang asawa at anak mo! Limang taon, Travis!"

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir Zach, "Kung hindi ka pa 'rin nakaka-move on, Hindi droga ang solusyon! Kahit maka-ilang kilo ka pa ng shabu hinding hindi ka na babalikan ni Liezel at ni Greg! Kasalanan mo rin naman kung bakit sila namatay eh! Naiintindihan mo ba?!"

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon