Kabanata 34

37.3K 801 174
                                    


Hindi maalis ang pagkakatitig ko sa mukha niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig lalo na nang mapansin ko ang pagkakahawig ng dalawang anak ko sa ama nila, kahit hindi ko man sabihin ay agad kong napansin ang pagkakahawig ng dalawang anak ko sa ama nila.

Pitong taon ko siyang hindi nakita. Pitong taon akong naulila sa taong minahal konng sobra-sobra pero niloko lang pala ako,

"Okay, I will use my condom, huwag ka mag-alala.."

Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang sinabi niya sa kausap niya.

Napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay tila nanginginig na. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at hinintay na lamang na bumukas ang elevator.

Binalot ng katahimikan ang elevator, muli akong napatingin sa kinape-pwestuhan niya at nakita ko ngayong tila nag-te-text na siya.

Sa wakas! Bumukas na rin ang elevator, nagdadalawang isip pa nga ako kung mauuna na ba ako sa paglabas mula dito sa loob ng elevator pero bago ko pa maihakbang ang sarili ko ay naglakad na palabas sa elavator si Travis at dire-diretsong nagtungo sa opisina ng Papa niya.

"Kara, Kanina ka pa hinahanap ni Sir Zach!" Ani Denise, isa sa mga ka-trabaho ko.

"Hinatid ko pa ang mga bata sa school nila," Sagot ko sa kanya, saglit ko namang tinapunan ang orasan na nasa may dingding, "Hindi pa naman ako late." Sabi ko.

Tumango lamang siya at itinuro ang opisina ni Sir Zach. "Nakita mo ba 'yung anak niya? Ang gwapo noh? Jusko!" Sabi niya at saka hinampas pa ako sa balikat, mabuti na lang at hindi naman ganoong kalakas, "Mukha nga lang suplado," Sabi pa niya.

Napailing na lamang ako at saka nagpaalam na sa kanya, naglakad na ako patungo sa labas ng opisina ni Sir Zach. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung papasok na ba ako sa loob, hindi naman ako pwedeng hindi pumasok sa loob ng opisina dahil naroon ang office table ko sa loob.

Huminga muna ako ng malalim bago ko napagdesisyunan na kumatok.

Tatlong beses akong kumatok sa pintuan at saka marahang binuksan iyon.

Muli akong napahinga ng malalim nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin si Sir Zach na nakaharap sa direksyon ko habang ang anak naman niya ay nakatalikod mula sa akin.

Saglit akong yumuko, para magbigay galang kay Sir Zach, napansin niya na kasi agad ako. "G-Good Morning po.."

Ngumiti naman sa akin si Sir, "Kara, mabuti at nakarating ka na," Sabi niya,

Pilit akong napangiti at saka dahan-dahang pumunta sa desk ko, ipinatong ko ang bag ko sa mesa at bago pa ako maka-upo ay pansin ko na agad ang mata ni Travis.

Bakas ang labis na pagkagulat sa mukha niya nang tignan ko siya, hindi ko alam pero wala akong makitang iba pang reaksyon niya bukod sa pagkagulat. Bahagyang napa-awang pa ang labi niya habang ang mga mata ay nakatingin sa akin.

"Trav, natatandaan mo ba siya?" Tanong ni Sir Zach sa anak niya habang itinuturo ako.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin ko, para bang napatigil ang katawan ko sa kung ano bang dapat kong gagawin, "M-Magandang Umaga po.." Bati ko sa kanya,

"Siya 'yung dati nating kasambahay, Si Kara? Natatandaan mo na?"

Hindi ko naman narinig pa ang pagsagot ni Travis sa tanong ng ama niya dahil nananatili akong nakayuko. Hindi ko alam, pero nararamdaman ko ang tingin siya sa akin.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon