Kabanata 28

35.4K 643 8
                                    


Maaga akong nagising. Bandang ala-sais pa lang ng umaga ay mulat na ang mata ko kaya tumayo na agad ako.

Muli kong binalingan ng tingin si Travis na ngayon ay mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog. Pinalitan ko ng unan ang tabi niya para mas maging komportable siya sa pagtulog niya,

Lasing 'rin si Travis kagabi kaya pihado ako na mamaya ay masakit ang ulo niya pagkagising niya, kaya agad na 'rin naman akong nagpakulo ng tubig para may mainom naman siyang mainit na kape mamaya.

Nagluto 'rin ako ng almusal naming dalawa, tuyo at itlog ang ulam namin para sa umagahan kaya sa tingin ko naman ay okay na 'yon para sa aming pang-almusal.

Kasalukuyan akong nag-sasangag ng kanin nang may yumakap sa likod ko,

"Good morning, ganda."

Pasimple akong napangiti at napakagat pa sa labi nang lingunin ko siya.

Pumipikit-pikit pa ang mata niya at gulong-gulo pa ang buhok niya, pero para sa akin ay iyon na yata ang pinakamagandang tanawing nakita ko.

"Good morning din, pogi." Ngiti ko, matapos kong patayin ang kalan at saka inilagay ang kanin sa plato naming dalawa.

"Kumain ka muna," Sabi ko nang makaupo na siya sa silya niya, "Hindi ka pa naman kumain kagabi." Sabi ko pa sa kanya.

Tumango naman siya pero muling nagsalita, "Pwede bang ikaw na lang kanin ko?"

"Hindi pwede." Mabilis na sagot ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagngisi niya at nag-umpisa na 'ring kumain, "Mamaya nga pala, pupunta ako sa bahay nila Kuya Joel. Kapit-bahay natin 'yun." Sabi niya habang kumakain kaming dalawa.

"Bakit?"

"Kagabi kasi sa inuman, naghahanap si Kuya Joel ng magiging Driver sa tricycle niya. Papasada lang daw sa may bayan 'yon. Eh, marunong naman akong mag-drive ng tricycle."

"Sigurado ka ba? Hindi kaya, mas mahirapan ka sa trabaho mong 'yan?" Tanong ko pa,

Umiling naman siya at saka uminom ng tubig bago muling magsalita, "Mas okay na nga ito, dahil pwede akong umuwi kahit na anong oras sa'yo.." Aniya,

"Kailan daw ang start?"

"Kakausapin ko si Kuya Joel mamaya sa bahay niya, sabihin ko pinayagan mo na ako." Ngumingiting sabi niya,

"Hindi naman kita pinagbabawalan noh! Mamaya baka ano pa ang isipin sa akin ni Kuya Joel eh."

"Joke lang naman,"

Matapos naming kumain ay tumayo na ako para ligpitin ang pinagkainan naming dalawa, pero habang naghuhugas ako ng pinagkainan ay naramdaman ko na naman sa likod ko si Travis.

"Kara, masakit pa ba?"

Saglit na napakunot ang noo ko sa tanong niya pero agad rin namang nawala 'yon nang makuha ko ang nais niyang iparating sa akin, "M-Medyo..."

Hindi na ako nakapag-concentrate pa sa paghuhugas ko ng mga plato lalo na nang maglambing na naman sa akin si Travis.

"Dinahan-dahan ko naman kagabi 'diba? Sobrang bagal ko na nga eh,"

"Travis naman, mamaya ka na mag-ga-ganyan, naghuhugas kasi ako."

Nilubayan naman ako ni Travis mula sa pagkakayakap niya sa aking likod, ngayon namn ay nasa gilid ko na siya at seryosong nakatingin sa akin.

"Pero Kara, hindi ka na ba talaga galit sa akin?" Tanong niya,

Napahinga naman ako ng malalim bago sumagot, "Travis, naiintindihan kita. Ginawa mo lang naman ang bagay na iyon dahil wala ka na talagang ibang malalapitan bukod sa ma'am mo, alam ko naman na ginawa mo 'yon dahil ayaw mo na akong maghirap pa sa hospital."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon