Kabanata 4

51.7K 999 82
                                    

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa ngiti niyang iyon. Kanina pa nga ako paikot-ikot sa papag na hinihigaan ko at talaga namang hindi ako mapakali. Hindi ko kasi talaga makalimutan ang ngiti niyang iyon sa akin.

Bumangon na ako bandang ala-singko ng umaga, halos wala talaga akong tulog, bahala na.

Usapan kasi namin ni Sir Travis eh, isasama niya ako sa isang private school sa Ermita. Ngayong araw niya kasi ako ipapa-enrol.

Pagbangon ko pa lamang ay nagluto na agad ako ng umagahan ng mga kapatid ko pati na rin nila Mama, para pag mamaya kapag paalis na ako ay walang magiging problema sa kanila.

Pagkatapos kong magluto ay naligo na rin ako, pagkatapos ko ngang maligo ay ala-sais na ng umaga.

Ala-siyete kasi ang usapan namin ni Sir Travis, magkikita kami sa bahay nila.

Kumain na rin ako ng almusal. Hanggang ngayon ay tulog pa rin ang mga kapatid ko, si Mama naman ay paggising na sa mga oras na ito, nakapagpaalam na rin ako kay Mama kagabi at wala namang problema sa kanya ang pag-aaral ko.

Madilim pa ang kabuuan ng mansyon pagkapasok ko rito, akala ko nga'y tulog pa si Sir Travis pero nagkakamali pala ako, mag-isa kasi siyang kumakain sa dining area nila.

Mukha ngang hindi pa niya ako napapansin, dahil nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko.

"M-Magandang umaga po, Sir." Bati ko sa kanya at tuluyan na niya akong nilingon.

Napatungo ako, sa hindi ko kasi malamang dahilan ay parang hindi ko kayang titigan ang mukha niya. Para kasing nakakaramdam ako ng kung anong kuryente sa balat ko kapag tinititigan ko diya, hindi ko alam.

"Eat with me." Sabi niya habang may pagkain sa loob ng bibig niya.

Halos mapatawa ako sa eksena niya.

Lumapit ako sa tabi niya at nakalimutan kong wala palang plato at kutsara para sa akin kaya tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Ako na... Pakakainin na kita." Aniya at itinapat sa bibig ko ang kutsarang may laman ng kanin at ulam.

Halos manginig ang kalamnan ko at sa oras ma ito ay panay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sinusubuan niya ako ng kanin at sabay kaming kumakain.

"Masarap?" Tanong niya,

Tumango ako.

"Ako lang nagluto niyan, namamalengke kasi si Manang." Sabi niya at muli niya akong sinubuan.

Para ba akong bata na pinapakain ng magulang. Halos lamunin na ako ng kilig pero pinipilit kong pig lan, baka kasi mapagalitan ako ni Sir at malagot na naman ako kay Mama.

"Masarap po pala kayo magluto." Ngiti ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at saka pag-inom niya ng tubig.

Sa buong oras na iyon ay wala akong ginawa kung hindi ang titigan lamang siya, siguro napapansin na niya ang paninitig ko sa kanya, pero tuloy lang naman siya sa ginagawa niyang pagkain.

"Pagkatapos nito, maliligo lang ako at aalis na tayo." Sabi niya.

Napatungo ako.

"S-Salamat po talaga sa inyo, Sir." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Narinig ko nanaman ang pagtawa niya at nagulat ako nang akbayan niya ako. Halos manlaki na ang mata ko at tila napatigil ang mundo ko.

"Sige, 'dun ka muna sa kwarto ko, maliligo na 'rin ako." Sabi niya at tumayo na.

Sumunod ako sa kanya at wala akong ginawa kung hindi ang tignan ang hubad niyang likod. Topless kasi siya, kaya simula kanina ay nahihirapan akong tumingin sa katawan niya.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon