Kabanata 31

37.9K 790 217
                                    

"Umuwi ka pa?!"

Napatungo ako nang muli akong tanungin ni Mama, "Tagal mong nawala! Putang ina ka! Tapos bigla-bigla kang susulpot rito?"

"M-Mama..."

Muli na namang napailing si habang si Tatay naman ay masama lang ang tingin sa akin. Ang mga kapatid ko naman ay tulog na dahil magdi-dis-oras na rin ng gabi.

"Bakit ka pa ba bumalik ditong tangina ka?!"

Mabilis akong napahawak sa mukha ko nang masapul ang mukha ko nang batuhin ako ni Mama ng tsinelas niya. "M-Mama, sorry po..."

Hindi ko maiwadang hindi mapaiyak lalo na nang lapitan ako ni Mama at hilahin ang aking buhok papasok sa bahay namin. Puro lang ako daing at wala na akong nagawa pa 'ron.

"Wala ka talagang kwenta!? Putang ina mo!! Hindi ka pa na lang namatay!" Galit na galit na sabi ni Mama habang hila-hila ang buhok ko.

"M-Mama, parang awa mo na po..."

"Miranda, tigilan mo muna ang anak mo at kanina pa bugbog sarado sa 'yo 'yan!"

Binitawan ni Mama ang buhok ko at muli ay naramdaman ko na naman ang palad niya sa pisngi ko, "Pumasok ka na sa kwarto! Dalian mo at ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"

Mabilis akong napatango at saka pinunasan ang luha ko sa pisngi ko, Mabilis akong pumasok sa kwarto ko bitbit ang mga gamit ko.

Nanghihina kong ibinagsak sa sahig ang bag ko nang makapasok ako sa kwarto ko.

Kinaumagahan bandang ala singko ng umaga ay naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka kaya agad akong dumiretso sa banyo at doon sumuka.

Ilang minuto lang akong ganoon, masama ang pakiramdam ko kaya pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko, pero hindi na rin naman ako makatulog kaya tumayo na ako at lumabas muli ng kwarto.

Naabutan ko si Mama na umiinom ng kape sa may bandang kusina.

"Buti't gumising ka pa,"

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Mama, sa halip ay lumapit ako sa kanya para sana magmano sa kanya pero agad niyang tinaboy ang kamay ko sa kanya.

"Pumunta ka sa mansion at tumulong ka sa pagluluto doon! May bibisita mamaya doon kaya tumulong ka! H'wag kang tumunganga dito sa bahay!"

"O-Opo, Mama..."

Pagkatapos kong mag-ayos sa aking sarili ay agad akong dumiretso msa mansion ng mga Santos. Ito na naman, makikita ko na naman si Travis. "Oh! Kara, ngayon lang kita ulit nakita ah?" Natutuwang sabi ni Aling Isay.

Napangiti ako nang yakapin niya ako, "O-Opo eh,"

Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa kung saan ako nanggaling. Tumulong na rin ako sa kanya sa pagluluto pero habang nag-gagayat ako ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo at pagsusuka kaya agad akong dumiretso sa banyo. Hindi ko naman namalayan na sinundan pala ako ni Aling Isay.

"Kara, okay ka lang ba?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at panay pa rin ang pagsuka ko sa banyo. "Kara, ikukuha lang kita ng tubig."

Hindi ko namalayan na habang sumusuka na pala ako ay siyang pagbagsak ng mga luha ko.

"Kara, uminom ka muna ng tubig para naman mahimasmasan ka.."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon