KARAUnti-unti na rin akong bumabalik sa dati kong sigla, matagal rin akong namalagi sa hospital at sobrang saya ko dahil hindi ako sinukuan ni Travis.
"Hindi na talaga masama ang pakiramdam ko..." Natutuwang sabi ko sabay yakap sa tahimik na si Travis sa tabi ko.
"Ang tahimik mo yata? Noong isang linggo ka pa ganyan ah.." Nagtatakang sabi ko sa kanya.
Umiling naman si Travis sabay yakap din sa akin, "Masaya lang ako dahil sa wakas, galing na 'rin ang love of my life ko.."
Napangiti ako nang halikan na naman ako ni Trav sa pisngi ko, "Bibili ako ng cake at saka ice cream bago tayo umuwi para ma-icelebrate naman natin ang paggaling mo..."
"Wow! Panay ang bili mo ah? Dami mo sigurong pera ano?" Loko ko sa kanya,
Umiling naman siya at hindi na sumagot pa sa sinabi ko. Palabas na kasi kami ng hospital ngayong araw, sabi kasi sa amin ng doktor ay pwede na kaming makauwi at hindi na ako kailangan pang i-confine pa dito da hospital.
"Sigurado ka bang okay ka na?" Paninigurado sa akin ni Travis sabay check na naman sa leeg at noo ko.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi na ako nilalagnat.."
"Sinisigurado ko lang na wala ka nang sakit, kasi miss na miss na miss na miss na miss ko na talaga ang baby ko.." Nanggigigil na sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
"Aray, Travis naman..." Reklamo ko, pero hinalikan lang ni Travis ang pisngi ko.
"Sorry baby, sobrang na-miss ko lang talaga ang Kara ko......"
Nakasakay na kami sa Jeep na dalawa ay panay pa rin ang sobrang paglalambing sa akin ni Travis, panay ang hawak niya sa kamay ko pagkatapos ay dinadala niya sa labi niya para halikan ang mga iyon,
Tinupad nga ni Travis ang sinabi niya, bago kami umuwi sa bahay ay dumaan muna kami sa Red Ribbon para bumili ng cake, dumaan 'rin kami sa Mini stop para bumili ng Ice cream.
"Na-miss ko talagang kumain ng ganito.." Sabi ko sa kanya. Ngiti lamang ang siinagot niya sa akin hanggang sa makasakay kami ng Tricycle patungo sa Apartment na inuupahan naming dalawa.
Naabutan ko pa si Aling Nelda na nagwawalis sa tapat ng Apartment nila. Agad naman niya akong binati at kinamusta na rin pati.
Si Travis naman ay ipinasok na ang mga gamit namin sa loob ng Apartment. Hindi rin naman ako nagtagal sa labas dahil pumasok na 'rin ako sa loob.
Naabutan ko pa si Travis na tapos nang maiayos ang lamesa at seryoso na ngayong nakaupo, "Ang seryoso mo naman diyan," biro ko sa kanya sabay haplos sa pisngi niya.
Napangiti naman siya pero saglit lamang iyon, hindi ko naman alam kung bakit. "Parang may nagbago talaga sa 'yo.." Sabi ko sa kanya, "Sigurado ka ba talagang okay ka lang? Baka ikaw naman ngayon ang nagkasakit ah.."
"Wala akong sakit, okay lang ako.." Sabi niya,
Naglagay na ako ng cake sa plato ko at nilagyan ko na rin ang plato na para kay Travis, pero halos patapos na ako sa pagkain pero wala pa ring nababawas sa pagkain niya.
"Travis, masama ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka makakain? Hindi ko kayang ubusin lahat ng ito.."
Matagal bago umiling si Travis, nag-umpisa na rin siyang kumain pero parang wala siya sa mood. Payuko-yuko rin siya na tila may malalim na iniisip.
"Travis naman..."
"K-Kara..." Ngumiti ako at sinubuan siya ng cake, tinanggap niya naman iyon at nginuya.
"Kumain ka na nga! Ikaw talaga oh! Pumapayat ka kaya! Napapansin ko 'yon sa 'yo..." Natatawang sabi ko, pero siya hindi man lang magawang tumawa o nguniti man lang, sa halip ay yumuko siya at hindi ko na makita pa ang reaksyon ng kanyang mukha..
"K-Kara, sorry..." Napa-kunot ang noo ko nang marinig ko ang paghuhumingi niya ng tawad sa akin.
"Bakit naman?" Nag-aalangang tanong ko.
Nananatili lang siyang nakayuko pero malakas ang pakiramdam kong umiiyak na siya dahil umaalog-alog na ang kanyang balikat.
"K-Kara, noong nasa hospital ka..." Hindi na matuloy-tuloy pa ni Travis ang dapat na sasabihin pa niya. Nanantili pa ring nakakunot ang noo ko at sa hindi ko malamang dahilan ay unti-unti na rin akong nakakramdam ng kaba.
"A-Ano? Nakita ka ba ng Mommy mo? Ng Daddy mo, o ng Kuya mo? Nahanap na ba nila tayo?"
Umiling-iniling si Travis na ngayon ay halos matakpan na ng kamay niya ang mukha niya, "K-Kara nakipag-" Napahawak ako sa sentido ko nang hindi masabi-sabi ni Travis ang sasabihin niya,
"T-Travis, ano bang problema mo? Bakit ka umiiyak?"
"Nakipag-sex ako sa ibang babae para mapagamot ka.."
Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang sinabi niya sa akin, ilang beses rin akong napa-iling at hindi ko maiwasang hindi mapatayo. "T-Travis, alam mong monthsary na'tin bukas, hindi magandang biro 'yan..."
Itinaas ni Travis ang basang-basa niyang mukha. Tumayo rin siya at agad akong niyakap.
"K-Kara.. P-Patawarin mo ako..."
Hindi ako makapaniwalang napahawak ako sa ulo ko at kumalas na sa pagkakayakap niya, "T-Travis, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo..."
Pinilit kong huwag maiyak pero hindi ko pala kaya, hanggang sa mapa-upo ako at napahagulgol na ng iyak. "K-Kara, H-Hindi ko ginusto 'yon, G-Ginawa ko yon dahil sabi ng doktor, malala na raw ang sitwasyon mo A-At no choice na ako..."
"Eh 'di dapat hinayaan mo nalang ako!" Mariin kong pinunasan ang mga peste kong luha, "Eh 'di dapat pinabayaan mo na lang ako kasi para mo na rin akong pinatay sa sakit!"
Pinilit kong tumayo at lumayo agad sa kanya nang yakapin ako ni Travis, "Lumayo ka sa akin! Kadiri ka!"
"K-Kara... Please....."
Mabilis akong pumasok sa kwarto at agad na ni-lock ang pintuan. Panay ang labas ng mga luha kong hindi ko naman mapigilan.
Wala akong ginawa kung hindi ang ibuhos lahat ng sakit, panay ang kayoo ni Travis kanina pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasawa hanggang sa pagbuksan ko na siya ng pinto.
Sumalubong sa akin si Travis na namumula ang mga mata na halatang kagagaling lang rin sa pag-iyak. "K-Kara..."
"H-Hwag mo muna akong kausapin.."
Hindi naman na sumagot pa si Travis 'don at ako naman ay muling pumasok sa loob ng kwarto at ini-lock 'yon.
Sa kakaiyak ko, hindi ko namalayang alas-onse na pala ng gabi, kaya napagpasiyahan ko na lumabas na muna ng kwarto.
Naabutan ko si Travis na pinagkakasya ang sarili sa maliit na sofa, pinipilit niyang mailapat ng maayos ang sarili niya sa maliit na sofa,
Alam ko na gising pa rin si Travis at batid ko na nagtutulog-tulugan lang siya, kaya tinapik ko ang balikat niya,
"Pumasok ka na sa kwarto.."
Sumunod na rin sa akin sa kwarto si Travis, pero bago pa siya makahiga ay agad kong hinarangan ng malaking unan ang pagitan naming dalawa at humarap rin ako sa kabilang side ng kama.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko at ramdam kong nakahiga na rin si Travis sa kama. Napahinga ako ng malalim na sana, hindi ko na maisip ang ginawa ni Travis kasama ng babae niya.
"M-Mahal ko....." Mabilis kong tinabig ang kamay ni Travis na pupulupot sana sa bewang ko,
"H'wag mo akong hawakan..."
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...