Optional to read: Continuation of Chapter 50.
"Kristian! Kristofer! Kakain na tayo!" Tawag ko sa dalawang anak ko. Kakatapos ko lamang kasing magluto ng pananghalian namin.
"Mama, ayan na po!" Sigaw naman ni Kristoffer at ilang saglit lang ay nakaupo na sila sa silya nila.
"Mama! Wala ka bang naaalala ngayon?" Tanong naman sa akin ni Kris.
Napahinga ako ng malalim at muli ko na namang naalala kung anong petsa na naman ngayon. It's been five years, at hanggang ngayon, kahit mahirap ay umaasa pa rin ako na bumalik sa dati ang lahat.
Matagal ko nang napatawad si Travis sa mga kasalanan niya, sa lahat-lahat. Hanggang ngayon, inaamin ko na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Ang pagmamahal ko para sa kanya ay mananatili habang-buhay.
"Mama.. Huwag ka na pong umiyak. Malulungkot si Papa niyan kapag, nalaman niyang umiiyak ka." Sabi ni Kristoffer sa akin.
"Oo nga po, Mama.. Huwag ka na pong umiyak kasi naiiyak din ako." Ani Kristian.
Tumango ako at niyakap ang dalawang anak ko.
"Kumain na kayong dalawa."
Bandang hapon ay nagpasya ako na isama ang dalawang anak ko sa pupuntahan ko. Masaya silang nagke-kwentuhan tungkol sa school nilang dalawa.
Habang nasa biyahe ay tumunog ang phone ko, "Kristian.. Sagutin mo muna ang tawag." Utos ko kay Kristian.
"Okay po....." Kinuha ni Kristian ang cellphone ko, "Hello po? Lola?! Yehey!!! Talaga po?! Yehey!"
Napakunot naman ang noo ko habang pinakikinggan si Kristian, nang matapos ang pag-uusap ni Kris at ng Lola niya ay saka ako nagtanong, "Bakit tumawag ang Lola mo?"
"Eh kasi Mama, gising na po si Papa!"
Mabilis kong naipreno ang sasakyan at muntik nang lumabas ang kaluluwa ko dahil sa gulat, "Anong sabi mo?"
"Gising na si Papa!" Masayang sabi ni Kristian at saka inakbayan si Kristofer na umiiyak na rin ngayon.
Napatakip ako sa bibig ko at sunod-sunod na rin ang pagpatak ng luha ko dahil sa sobrang saya.
It's been years! Sa wakas! Makakasama na namin si Travis!
"Kaya, Mama... Huwag kang maniniwala sa panaginip na deds na si Papa dahil hindi matibay si Papa." Sabi ni Kristofer.
Nai-kwento ko kasi sa kanila kaninang umaga ang napanaginipan ko na namatay na nga si Travis at dinalaw pa naman siya sa puntpd niya.
Nang makarating kami sa hospital ay para bang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya.
Nang buksan ni Kris at ni Kristofer ang pintuan ay agad kong nakita si Travis na naka-upo sa wheelchair.
"Papa!"
Thank you, Lord! Salamat! Salamat po! Dininig niyo ang dasal ko, hindi naging totoo ang panaginip ko.
"Papa? Kilala mo pa ba kami? Ako si Kristofer, gwapo ako at mabait... Ikaw 'yung papa namin ni Kriatian na pogi din." Sabi ni Kristofer.
Hindi ko maihakbang ang sarili ko dahil nanghihina ako sa labis na saya. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang siya naman ay masayang nakatingin sa mga anak n'ya.
"Ako naman si Kristian, pogi ako pero di pa din ako tuli... Nakakatakot kasi, masakit daw kasi iyon sabi ni Kristofer kaya ayoko."
"Mahal ka namin, Papa.. Kayo ni Mama." Sabi ng dalawang kambal sa Papa nila.
Panay ang pag-agos ng luha ko, at sa puuntong ito ay nakatingin na rin sa akin si Travis.
"T—Travis.."
Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan nila at nang nakalapit ay mahigpit ko siyang niyakap, "T—Travis..."
Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya, "K—Kara..."
"Narinig mo iyon, Kristofer ha?! Nagsalita si Papa! Ang astig talaga!"
"Baliw ka ba, Kris? Malamang magsasalita si Papa, tao kasi siya."
Hinawakan ko ang pisngi ni Travis, dinama ang init sa palad ko, "Mahal na mahal kita, salamat kasi hindi ka sumuko."
Ngumiti siya at hinalikan ang pisngi ko, "I—Ipinangako ko sa'yo na pakakasalan kita.... I—Ipinangako ko sa sarili ko, n—na lalaban ako para sa inyo... K—Kaya salamat... Dahil ikaw ang hindi sumuko sa ating dalawa."
Gamit ang palad niya ang pinunasan niya ang luha ko, "K—Kiss mo ako."
Nang sabihin niya iyon ay agad kong idinikit ang labi ko sa labi niya.
"Woah! Nakita mo iyon, Kristian?! 'Di ba, ganyan 'ying pinapanuod natin kapag wala si Mama sa bahay? Hehehe! Ang galing!" Ani Kristofer.
"Hehehe! Oo nga, eh! 'di ba dapat maghuhubad pa sila?" Sabi naman ni Kristian.
"Kristian! Kristofer!"
Tumakbo naman ang dalawa patungo sa Lola at Lolo nila na nasa labas ng kwarto.
Nang balingan ko ng tingin si Travis ay nakita ko pa ang pagngisi n'ya, "Paano ba iyan? Tigang na tigan na ako eh.." Ani Travis.
"Bigla kang sumigla ah?" Natatawang sabi ko, "Mahal na mahal kita, baby ko."
"Mahal na mahal na mahal din kita, sobra."
WAKAS
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
Narrativa generaleWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...