"Kara. Pasensya ka na, mainit lang talaga ang ulo ni Zach kaya nagkaganoon." Ani ma'am Lizette.
Marahan naman akong tumango, "Okay lang po 'yon, Ma'am."
"Oo nga pala," Sabi niya nang tila may maalala, "Nasan nga pala ang dalawang anak mo? Gusto ko pa namang makita." Ngiting sabi niya.
Napahinga ako ng malalim bago magsalita, "Nasa school po ang dalawa, mamaya po pong tanghali ang uwian nila." Sagot ko sa kanya.
"Nakakatuwa pa naman ang mga bulilit na 'yon! Ang kukulit! Naaalala ko kasi sa anak mo ang kambal ko." Saad niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi-sabi kina Sir Zach at Ma'am Lizette ang tungkol sa pagkakakilanlan ng Ama ng dalawang anak ko. Noong mga nakaraang buwan lang nakilala ni Ma'am Si Kristian at pati na 'rin si Kristofer at masasabi kong nagkakapalagayan nga sila ng loob.
"Mamaya, baka pwedeng isama mo ang dalawa rito? Miss ko na kasi ang dalawang 'yon." Sabi pa niya.
Ayoko sanang papuntahin muna ang dalawa pero wala naman ako sa sariling napatango. "Opo."
Kanina lang pala umalis si Travis dahil kailangan niyang maka-usap ang attorney niya, matapos kasi siyang pagalitan ni Sir Zach ay inutusan pa siya na asikasuhin ang kaso niya para maging malinis ang pangalan niya.
Mag-ta-tanghali na rin kaya napagdesisyunan ko na magpaalam na muna kay Ma'am Lizette para pumunta sa eskwelahan ng mga anak ko. Tanghali kasi ang uwian ng dalawa.
Hindi naman nagtagal ang biyahe ko, kaya ilang saglit lang ay nakarating na agad ako sa school ng dalawa. Naabutan ko pa si Kristian na kausap ang Kuya niya habang papalabas sa classroom nila. Saktong sakto pala ang dating ko.
"Mama!" Tawag sa akin ni Kristofer nang mapansin niya ako.
Agad naman akong nilapitan ng dalawa at saka mahigpit na niyakap. "Mama! Nag-test kami kanina!" Malakas na sabi ni Kristian sabay pakita sa akin ng exam paper niya. "Perfect 'yan, Mama! Pati nga 'yung kay Kuya eh."
Napangiti naman ako.
"Eh di, mabuti. Matatalino talaga ang anak ko." Ngiti ko at hinalikan silang dalawa sa kanilang pisngi.
Kinuha ko na ang bag nila at saka pumara ng jeep na paparating.
"Mama! Saan tayo? Bakit tayo mag-jeep?" Tanong sa akin ni Kristofer nang makasakay kami.
"Pupunta tayo sa office saglit," Sabi ko habang pinupunasan ang likod niya, pagkatapos ay kay Kristian naman ang pinunasan ko.
"Talaga, Mama? Eh 'di makikita namin si Sir Zach?" Mabilis na tanong ni Kristian sa akin.
"Opo." Sabi ko sa dalawa, "Perol baby h'wag na muna kayo maingay tungkol sa Daddy n'yo ah?" Sabi ko sa kanila.
Tumango naman silang dalawa at saka sumandal na sa akin.
Sa tingin ko kasi ay hindi pa ito ang tamang oras para makilala nila Sir Zach ang magkambal ko. Mainit pa kasi ang ulo ni Sir at sa tingin ko ay lalong mag-iinit ang ulo niya kung malalaman niya na apo pala niya ang kambal ko.
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...