Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang dalawang bata. Tinignan ko sila Kristofer at Kristian na tulog pa rin sa tabi ko. Napakibit-balikat na lang ako nang hindi ko na nakita si Travis sa tabi namin. Katabi rin kasi ng dalawa ang Papa nila.Tumayo ako at nagtungo sa banyo para maghilamos, pagkatapos ay saka ako bumaba patungo sa kusina.
Napalunok ako nang makita ko si Travis na nagluluto. Hindi ko makita ang rekasyon ng kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa pwesto ko. "Sana magustuhan nila 'to."
Sandali akong napangiti, Kinakabahan ba siya? Na baka hindi namin magustuhan ang niluluto niya?
Tumikhim ako at mas lumapit pa sa ginagawa niya. Nang mapansin niya ako sa likuran niya ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sobrang gulat.
"Ahm. Pinagluto ko kayo," Sabi niya nang maka-recover sa pagkagulat.
"Anong niluluto mo?" Tanong ko habang mas lalo pang lumalapit sa niluluto niya.
"Nilagang manok 'yan. Naalala ko kasi, paborito mo rin ang nilagang manok tulad ko." Sabi niya.
Napatango ako, "Natatandaan mo pa pala 'yon."
"Oo naman," Mahinang tumawa siya, "'Yun pa ba ang makakalimutan ko?"
Impit akong napangiti, "Gigising ko muna ang dalawa." Sabi ko at tumalikod na sa kanya.
Naglalakad ako nang bigla siyang magsalita. "K-Kara.... Thank you..."
Marahan akong lumingon sa gawi niya, hindi ko na nakita pa ang reaksyon niya dahil nakaharap na siya ngayon sa niluluto niya.
Napahinga ako ng malalim bago muling maglakad.
Nang makapasok ako sa kwarto ay saka ako lumapit sa dalawa, "Kristofer. Kristian." Tapik ko sa kanilang dalawa.
Unang nagising si Kristofer na nagkusot na muna ng mata. "Good morning, Mama." Aniya at saka humalik sa pisngi ko.
"Good morning din, Kuya." Sabi ko at saka siya inalalayang maka-baba sa kama. "Kristian, Gumising ka na rin." Sabi ko.
Hindi rin nagtagal ay gumising na rin si Kristian, "Mama. Good morning," Aniya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
"Good morning baby," Sabi ko at pagkatapos ay itinuro ang banyo. "Paliliguan ko na kayo, may pasok kayo di 'ba?"
Mabilis naman silang umaling, "Mama! Hindi mo kami pwedeng paliguan kasi makikita mo si junjun. Sabi ni Papa, big boy na daw kami kaya dapat kami na lang naliligo nang mag-isa." Mabilis na sabi ni Kristian.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lamang.
Hinintay ko silang dalawa na matapos maligo. At bago pa matuyot ang mga mata ko sa tagal nilang maligo ay inasikaso ko muna ang susuotin nilang dalawa.
At sa wakas, natapos na rin ang dalawa na maligo. Nagbihis na sila at ngayon ay sabay-sabay kaming bumaba.
"Oh, bakit hawak n'yo ang test papers n'yo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila habang pababa kami, "Magre-review kayo?"
"Hindi, Mama." Iling nilang dalawa. "Papakita namin 'to kay Papa." Sabi pa nila.
Nang makababa kami ay nakita namin si Travis na inaayos ang mesa. "Good morning," Bati niya sa dalawa at saka mabilis na kinarga ng sabay si Kristian at Kristofer.
"Papa! Tignan mo 'to!" Sabi nila habang ipinapakita ang hawak nilang test papaers, "Test papers namin 'yan." Sabi pa nila.
Ibinaba ni Travis ang dalawa at saka tinignan isa-isa ang test papers. "Wow! Ang galing talaga ng mga anak ko," Natutuwang sabi ni Travis.
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...