Kabanata 8

45.8K 1K 124
                                    

"Tahimik ka yata?" Tanong sa akin si Sir Travis.

Nagmamaneho siya patungo sa malapit na simbahan, magsisimba kasi kami.

"Hindi naman po."

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. "Kara, Ibibili kitang cellphone mamaya." Sabi pa niya.

Halos mamilog ang mata ko sa sinabi niya,

"Para, lagi kitang ite-text. Mahirap kasi kapag wala kang ganon, hindi ko alam kung ano bang mga ginagawa mo." Sabi pa niya.

Napalunok pa ako ng ilang beses bago sumagot.

"S-Sige po."

Sa kalagitnaan ng biyahe ay binuksan niya ang stereo sa sasakyan.

Itanong mo sa akin. Kung sino aking mahal?
Itanong mo sa akin. Sagot ko'y di magtatagal.
Ahhhh ahhhhh ahhhhh

"Wow! Favourite song ko." Sabi ko.

Gusto ko sanang sabayan ang kanta kaso nahihiya naman ako kay Sir.

Habang nagmamaneho at pinapakinggan ang kata ay sinasabyan niya rin ito.

Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman.
Ahhh ahhhh

Napatawa naman ako nang halos pumipiyok-piyok pa siya at pilit pang sinasabyan ni Sir ang kanta.

"Sir naman, H'wag mo na kayang piliting kumanta." Natatawang sabi ko, paano'y kahit pumipiyok eh kumakanta pa rin siya.

Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman.
Ahhh ahhhh

Feel na feel nga ni Sir ang pagkanta. Halos maloka na nga ako sa kinauupuan ko dahil kay Sir.

"Ano? Okay ba ang boses ko?" Tanong niya sa akin. Pinatay niya ang stereo at saka muling nagsalita. "Ayos naman noh?" Tanong pa niya.

"Uhhh... Okay naman po." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya at saka ako saglit na hinarap. "Parang napipilitan ka lang." Saad noya.

Umiling naman ako.

"Hindi ah! Okay naman, pwede ka na mag-singer." Halakhak ko.

Nakita ko naman ang pagsimangot ni Travis habang siya ay nagmamaneho.

Hanggang sa makarating kami sa simbahan ay tahimik pa rin si Sir. Mukhang nagtampo nga siya.

"Sir?" Tawag ko,

Naglalakad na kasi kami patungo sa loob ng simbahan pero hindi ko malaman kung sino ba ang mauunang maglakad sa akin, napakabagal kasing maglakad, jusko..

"Travis.." Tawag ko, paano'y hindi ako pinapansin.

Tinapunan niya naman ako ng seryoso niyang mga tingin. "Dito na lang." Sabi niya at saka umupo na.

Umupo na rin naman ako sa tabi niya.

Hindi ako makapagsalita. Ewan ko ba, para ba akong naiilang na hindi ko malaman. Bigla kasing tumahimik sa pagitan naming dalawa. Hindi pa rin naman start ang misa rito sa simbahan.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon