Kabanata 40

40.4K 853 106
                                    

"Papa! Alam mo ba 'yung crush?"

Kasalukuyan 'kong iniaayos ang bag ni Kristian pati ni Kristofer, pauwi na kasi kami dahil gabi na 'rin naman.

"Yup, bakit baby?"

"Talaga, Papa? Alam mo bang may crush ako? Kaso secret lang na 'tin ah? Kasi pagagalitan ako ni Mama eh!" Rinig kong sabi ni Kristian sa Papa niya.

Napailing na lamang ako habang isinasara ang zipper ng bag ng dalawang bata, "Ikaw, May crush ka 'rin ba Papa?"

"Oo naman, Si-"

"Mama, Uuwi na tayo?" Tanong sa akin ni Kristofer nang makita niya akong nakatayo sa may bandang likuran nila.

Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya, "Kailangan na na'ting umuwi." Sabi ko sa kaniya.

"Papa! Sino nga ulit 'yung crush mo?" Tanong naman ni Kristian sa Papa.

Napahinga naman akonng malalim bago tawagin si Kristian, "Baby, kailangan na na'ting umuwi kasi kay pasok pa kayo bukas." Sabi ko.

"H-Hatid ko na kayo,"

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya. "Talaga, Papa? Eh 'di, sasakay na naman kami sa magandang kotse?"

"Yes, baby." Ngiting sagot naman ni Travis kay Kristian.

"Wow! Kuya sasakay daw ulit tayo sa kotse oh!"

Binalikan ko ang mga bag nila Kristian at pati Kristofer. Isa-isa kong isinukbit sa likod ko ang bag nila.

"Ako na diyan."

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko si Travis sa likod ko. Hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala siya.

Kinuha niya ang mga bag sa likod ko at siya na ngayon ang nagsukbit ng mga 'yon sa likod niya.

Nang makalabas kami sa condo unit ay dumiretso na 'rin kami patungo sa car park. Batid ko na inaantok na 'rin ang dalawang bata kaya nang makasakay kami sa kotse ay hindi na nila magawa pang maglaro.

Kasalukuyang nagmamaneho si Travis habang ang dalawang bata naman ay nakatulog na sa likod, ako naman ay tahimik lamang na nakaupo sa tabi niya at nakatingin lamang sa labas.

"T-Thank you..."

Mahina lamang iyon pero sigurado ako sa narinig ko. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay malamlam ang mga mata habang nakatingin pa 'rin sa daan.

"S-Sobrang dami ko nang kasalanan sa 'yo, H-Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako."

Napahinga ako ng malalalim at hinintay ang mga susunod na sasabihin pa niya. "N-Nakakatuwa ang dalawang anak natin." Napangiti siya nang sabihin niya 'yon. "Napaka-ganda nang pagpapalaki mo sa dalawa... S-Sayang lang at hindi ko nasaksihan ang paglaki nila."

Pansin ko ang sakit sa kanyang mga mata at tila may pinipigilan pa 'ron. Muli akong napatingin sa labas at nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Masakit pa ba?"

Napalunok ako at saka umiling, "Hindi na ganoong kasakit katulad kanina,"

Tumango naman siya at narinig ko pa ang pagbubuntong-hininga niya, "P-Pasensya ka na,"

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon