Kabanata 11

41.8K 941 78
                                    

Biyernes.

Dalawang araw na nang huli kong makita si Travis. Para sa akin, ang dalawang araw na iyon ay parang dalawang buwan na. Namimiss ko na kasi siya at pati na rin ang nakakatuwang kakulitan niya.

Maya't-maya naman kami nagte-text ni Travis sa isa't-isa. Siguro'y bawat oras nga eh, kinakamusta niya ako o di kaya naman ay tinatanong ako kung ano ang ginagawa ko. Pero, hindi ko pa rin talaga siya maiwasang hindi ma-miss. Dalawang araw na rin kasi.

Wala namang nasabi sa akin si Travis kung ano ang dahilan kung bakit hindi siya umuwi sa mansyon nila nang nakaraang mga araw. Hindi ko naman na inalam pa dahil ayoko namang makialam sa kung anong ginagawa niya.

Tumawag pa nga si Travis kagabi para lang kantahan ako ng grow old with you, buti nga nakatulog pa ako eh. Nakakatuwa kasi

Maaga ako nagising ngayong araw dahil maaga rin naman ang pasok ko at isa pa ay nakaamoy ako ng mabango na mukhang niluluto sa may bandang kusina. Nagutom tuloy bigla ako.

Pagkalabas ko ng aking kwarto ay sumalubong sa akin si Mama na kasalukuyang nagluluto. Nilingon niya ako at saka nagkibit-balikat.

"Nagluto ako ng Pancit." Aniya, habang balik ang paningin niya sa kanyang niluluto.

Wala naman sa sariling napangiti ako at saka niyakap si Mama. "Thank you, Mama!" Masigla at masayang bati ko sa kanya.

Alam ko naman na kahit iba ang trato sa akin ni Mama minsan eh, alam na alam ko naman na mahal rin naman niya ako.

"Happy birthday."

Mas lalong lumawak ang pagngiti ko nang sabihin ni Mama ang salitang iyon. Ngayong araw ng biyernes. July 28 ay araw ng birthday ko, masaya ako dahil alam kong mahal ako ni Mama.

"Salamat po, Mama."

Tumango siya.

"Maligo ka muna, para pagkatapos mong maligo ay naihanda ko na ang pagkain mo."

Naligo muna ako. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ang saya ng borthday ko, pinagluto ako ni Mama! Pero, mas masaya siguro kung pati mga kapatid ko ay masaya akong babatiin ng maligayang kaarawan.

Si Carissa at Yssabelle ang dalawa kong nakababatang kapatid. Masusungit ang dalawang iyon sa akin pero sanay na naman ako sa mga asta nila. Kadalasan nga ay pinagtatawanan at inaasar pa nga ako ng dalawang kapatid kong iyon kapag pinapagalitan ako ni Mama pero normal na lamang para sa akin ang lahat ng iyon. Normal na dahil alam kong hindi naman ako tunay na kapatid ng dalawang iyon, pero para sa akin, kapatid ko pa rin sila kahit na anong mangyari at umaasa akong isang araw ay sana maging maayos kaming tatlo.

Si Tatay Eleonor naman. Ang kasalukuyang asawa ni Mama ngayon ay malamig ang pakikitungo sa akin. Sa araw-araw na pagbangon ko kada-umaga at sa araw-araw na pagkikita naming dalawa ay hindi niya ako nagagawang batiin man lang o pansinin man lang, pero kahit na ganon ay nagbibigay galang pa rin naman ako sa kanya. Sanay na ako sa trato ng pamilya nila sa aki, at umaasa ako na sana magbago ang lahat ng iyon, na sana maging maayos kaming lahat sa isa't-isa.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa hapag-kainan. Naabutan ko pa si Mama na kumukuha ng maiinom.

"Oh, ayan na. Kumain ka na."

Umupo ako sa aking upuan at saka sumandok ng pancit. "Sabay na po tayo,"

Tumango si Mama at sumandok na rin ng pagkain niya. Masaya ako dahil sinabayan ako ni Mama sa pagkain.

"Pasensya ka na, 'yan lang ang handa mo ngayon."

"Wala pong problema sa akin. Salamat po dito!"

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon