Kabanata 2

52.2K 1K 46
                                    

"Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?!" May lumikhang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang nakakatakot na boses ni Mama.

"M-Mali po ako ng kwartong pinasukan, H-Humingi rin naman po ako ng pasensya kay Ser." Mahinahong sabi ko.

Napaluha na lamang ako nang hampasin na naman ako ni Mama ng hanger na hawak niya, "M-Mama tama na po.." Nakikiusap na sabi ko dahil nasasaktan na talaga ako.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid ng buong bahay at nasaksihan kong tatawa-tawa nanaman ang dalawang kapatid ko.

"Gaga ka kasi! Eh, di sana nakuha ko na ang dapat na sasahurin ko ngayon! Gaga ka! Tangina ka talaga pahirap ka sa buhay!" Marahas na sabi niya sabay hampas muli nang isang malakas sa sa binti ko gamit ang hanger na hawak niya.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak.

"S-Sorry po, Makikiusap nalang ho ako kay Ser." Lumuluhang sabi ko matapos niya akong paghahampasin.

"Dapat lang!"

Iniwanan ako ni Mama na lumuluha, hindi ko na alam kung saan siya pumunta dahil lumabas siya ng bahay. Akala ko nga'y masakit na naman ang katawan niya, mabuti naman at hindi na.

"Ayan, buti nga sa'yo." Sabi ng kapatid kong si Carissa at si Yssabelle naman ay pangiti-ngiti sa tabi niya,

Pinunasan ko ang luha ko at dumiretso na sa maliit na kwarto ko upang mag-ayos na muli. Kailangan ko na namang pumunta sa mansyon para humingi ng tawad at maki-usap kung pwede na naming makuha ang sasahurin ni Mama.

Hindi ko alam kung bakit nakapunta kay Mama ang balitang pinagalitan ako ng amo namin sa mansyon, siguro nga'y nasabi ni Manang Tessa kay Mama kanina. Kasalanan ko rin naman kasi talaga ang lahat ng ito, kung hindi ba naman ako nanuod pa sa ginagawa nila ay sana wala nang ganito.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nakuha agad ng atensyon ko ang namumulang pisngi ko at mga pasa sa balikat ko, marahan ko itong hinaplos na sana hindi ko na maramdaman ang sakit.

Lumabas akonng bahay at hindi ko naman nakita si Mama, dumiretso ako sa mansyon ng mga Gonzales at unang bumungad sa akin si Manang Tessa.

"Oh! Kara, bakit ganyan ang itsura mo, okay ka lang?" Salubong na tanong sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak, lalo na nang mapasadahan niya ng tingin ang mukha ko, mukhang nahalata niya na ang ginawa na naman sa akin sa bahay,

"M-Manang.." Naiiyak na sabi ko.

Naintindihan niya naman sa tingin ko ang nais kong iparating at agad niya akong niyakap. "Sinaktan ka nanaman ng Mama mo,"

Hindi ako sumagot sa halip ay yumakap pabalik na lamang sa matanda. "N-Nandyan po ba si Ser?" Tanong ko.

Tumango siya at sabay kaming naglakad papasok, hindi ko naman naabutan si Sir sa living room.

"Kaya mo ba Kara? Mukhang nahihirapan kang kumilos." Tumango ako at pilit na ngumiti sa Manang.

"Kaya ko po, h'wag n'yo na po akong alalahanin." Sabi ko.

"Okay sige, babalik lang ako sa hardin at magdidilig doon, si Ser ay nasa kusina."

Marahan na akong tumungo sa kusina, mababagal ang bawat pagkilos ko dahil masakit ang katawan ko at mukhang aatakihin na naman ako ng hika ko, hindi ko pa nadala ang inhaler ko.

Sa kusina ko nakita si Sir Travis na ngayon ay kumakain habang nakatalikod sa gawi ko.

Nilakasan ko na ang loob ko at kinapalan na rin ang aking mukha. No choice na naman ako kung hindi gawin ang kakapalan ng mukhang ito.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon