Kabanata 29

32.7K 687 49
                                    


Tuloy-tuloy at naging maayos naman ang relasyon naming dalawa ni Travis. Katunayan nga ay mag-dadalawang linggo na simula nang makalabas ako ng ospital.

Alas nuebe y media na ng gabi kaya napagdesisyunan ko na hintayin na lang si Travis sa may labas habang pinapanuod ang mga naglalaro ng basketball sa tapat namin.

Late na ngang umuwi si Travis ngayon, hindi katulad noong mga nakaraang araw, hindi ko naman alam kung ano ang dahilan niya. Simula kasi noong isang araw ay laging late na siyang umuwi.

"Good evening baby," Agad sumilay ang ngiti ko nang makita ko sa harap ko si Travis.

Gindi ko pala namalayang nasa harapan ko na pala siya habang may bitbit na bulaklak. "Saan ka bumili nito?" Tanong ko nang matanggap ko na ang bulaklak.

Mas lalo akong napangiti nang halikan niya ang pisngi ko at lumapt rin ang labi niya sa leeg ko. "Travis..." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo,

Napatawa na lang si Travis at saka ako niyakap.

"Sorry, na-miss lang talaga kita,." Nakangiting sabi niya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay, "Kaninang tanghali lang magka-usap tayo, tapos miss mo na agad ako?" Kinikilig na sabi ko.

Hindi naman na sumagot pa si Travis sa sinabi ko, sa halip ay diretso na lang niyang hinubad ang kulay puting t-shirt na suot niya sabay punas sa pawis niya.

"Ano? Amoy araw noh?" Pang-aasar ko nang makita kong inamoy niya ang t-shirt niya.

"Hindi kaya! Amoy pogi toh!" Sabi niya,

Napatakip naman ako sa ilong ko nang ilapit niya ang damit niya sa akin, "Travis naman! Basa ng pawis yan eh!"

Tumawa na lang si Travis.

Habang kumakain siya ay titig na titig ako sa mukha niya, "Trav, nagka-pimples ka na ba?" Tanong ko.

Kibit-balikat akong sinagot ni Travis, "Oo naman,"

"Parang hindi kasi," napahagikgik ako ng tawa sabay haplos sa pisngi niya.

"Kara, pisngi ko na naman 'yang pinagdidiskitahan mo ah." Aniya habang tuloy-tuloy lang sa pagkain. Hindi naman niya ako pinagbabawalan kapag ginagawa ko sa kanya yon. Ang cute lang kasi talaga.

Kinaumagahan, mas maaga pang nagising sa akin si Travis. Naalimpungatan na lang ako nang maamoy ko ang niluluto niyang pang-almusal.

"Good morning, baby ko.." Hahalikan sana ako ni Travis pero agad kong nilayo ang mukha ko sa kanya.

"Hindi pa ako nagto-toothbrush." Sabi ko at dumiretso na sa lababo para makapag-toothbrush.

Humagalpak naman ng tawa si Travis at ipinagpatuloy na ang pagluluto,

"Anong oras ka aalis?" Tanong ko sa kanya matapos kong maghilamos.

"Pagkatapos nating kumain, babyahe na ako."

Tumango naman ako, "H'wag ka masyado magpagabi, baka kung anong magyari sa 'yo.." Sabi ko sa kanya,

"Yes po, Misis.."

Pigil ang aking pagngiti nang tawagin niya na naman akong misis. "Kinikilig siya oh.." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na nang sundutin niya ang tagiliran ko.

"Travis naman,"

"Sorry baby.." Tumatawang sabi niya,

Bandang alas otso ng umaga ay naka-ready na sa pag-alis si Travis. Ikinuha ko ng maliit na tuwalya si Travis sa cabinet niya at agad ko naman 'yong binigay sa kanya, "Hwag kang magpapapawis ah!" Paalala ko sa kanya,

Hindi na siya sumagot, sa halip ay hinalikan na lang niya ako. "Alis na ako,"

"Ingat ka, pogi." Sabi ko.

Ngumiti naman siya, "Ikaw din, ganda."

Nang maka-alis si Travis ay saka ako nagpahinga saglit sa sofa. Nanuod lang ako ng t.v at bago mag-tanghali ay pinatay ko na rin naman 'yon.

Wala nga pala kaming uulamin para ngayong tanghali, kaya kumuha ako ng pera sa kwarto at bumili sa tindahan sa may kanyo.

"Oh! Kara, anong sa 'yo.." Bati sa akin ni Aling Ising. Ang tindera sa cafeteria na ito.

"Adobo na lang po." Sabi ko at itinuro ang adobo, "Paborito po kasi ni Travis 'yan.." Ngiting sabi ko sa kanya,

"Oo nga pala," napatigil sa ginagawa si Aling Ising at saka muling nagsalita, "Yung asawa mong si Travis ay nakikitawag sa amin tuwing gabi."

Unti-unting napawi ang ngiti ko sa sinabi niya, "P-Po?"

Tumango naman si Aling Ising, "Kagabi nakitawag na naman siya, akala ko nga ikaw ang tinatawagan niya dahil ang sweet sweet kamo ng kuwan... ng boses niya, kaso naisip ko baka kamo anak n'yo 'yung kausap niya,"

"P-Po?" Nag-aalangang tanong ko, "W-Wala naman po kaming anak,"

"Ay oo nga pala! Eh, di hindi n'yo anak 'yon, siguro pamilya niya 'yon."

Napatango na alng ako at saka nagbayad niya sa kanya. Halos wala nga ako sa sarili ko habang papauwi ako, hindi ko tuloy alam na hinihintay na pala ako sa bahay ni Travis.

"Saan ka galing?" Sinalubong ako ng halik ni Travis, "Kadarating ko lang, akala ko nga kung saan ka pumunta." Sabi niya.

Nang makita niya ang hawak ko ay agad niyang kinuha 'yon, "Tara kain na tayo,"

Sumunod na ako sa kanya sa loob ng bahay. Hanggang ngayon ay tila walang pumapasok na kahit ano sa isipan ko, "Okay ka lang ba?" Naramdaman ko ang kamay ni Travis sa leeg ko, "May lagnat ka ba?"

"W-Wala.."

"Uhh, pagod ka lang siguro noh?" Tanong naman sa akin ni Travis, "Napagod ka siguro kagabi." Sabi niya at saka ngumisi sa akin.

Habang kumakain kami ay lanay ang kwento niya ng mga kung ano, nakikisakay na lang ako sa kanya kahit na wala naman akong naiintindihan sa mga kwento niya.

Pag-alis niya, doon ako tuluyang natuliro. Paulit-ulit lang akong umiikot sa buong bahay at iniiisip kung sino ang katawagan ni Travis.

Dumating ang alas nuebe ay wala pa rin si Travis, nag-aalala na nga ako sa kanya dahil pang-ilang araw na niyang late na umuuwi. Sabi sa akin ni Aling Ising; nakikitawag daw si Travis sa kaniya tuwing gabi kaya nagpasya akong lumabas ng bahay at nagtungo sa tindahan nila Aling Ising.

Madilim na at iilan lang ang street light sa kalsada kaya hindi ganoong maliwanag sa daan.

Bago pa ako makalapit sa tindahan ay naaninag ko na agad si Travis. Kahit nakatalikod siya ay alam kong si Travis iyon. Lumapit pa ako ng kaunti at sana lang ay hindi ako mapansin ni Travis,

Naririnig ko na rin ang boses niya,

"Uhh, how are you again?" Naaninag ko mula sa pwesto ko si Travis na ngayon ay nakangiti habang may kausap sa telepono.

"Basta bibili kita ng madaming-mamdaming toys,"

Napakunot ang noo ko sa narinig ko, "Miss na miss ka na din ni Daddy, baby." Agad akong napatakip sa bibig ko nang marinig ko ang sinabi niya.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon