Kabanata 15

38.8K 719 60
                                    

Itinuro niya ang lips niya habang feel na feel ang pagpikit ng mata. Napatawa naman ako sa nakikita ko.

"Bahala ka sa buhay mo!" Natatawang sabi ko, tumayo ako at pumunta sa may bandang table niya.

Nang lumingon ako ay nakita ko ang nakakatawang reaksyon ni Travis. Para nga siyang bata dahil sa mukha niya, nakakatawa dahil pinahaba pa niya ang nguso niya na para bang nagtatampo.

"Sir, Nandito na po ang food."

Napatayo ako ng maayos nang makita ko ang magandang secretary ni Travis na ngayon ay may dala-dala ng pagkain.

"Pakidala na lang dito." Ani Travis habang turo-turo ang table na nasa harapan niya.

"Kara. Halika na," Napalunok ako at muling ibinaling ang tingin sa secretary ni Travis na ngayon ay nakangiti sa akin. "Pakakainin na kita.."

Lumapit naman ako sa kinaroroonan ni Travis. Pinaupo niya ako sa tabi niya at saka agad akong sinubuan ng pagkain.

"Leila. What are you doing here?"

"Ay, Sir. Sorry po.. Akala ko po kasi-"

"Leave."

Pagkalabas na pagkalabas ng secretary ay agad ngumiti si Travis sa akin. Kinurot pa niya ang pisngi ko kaya medyo napa-usod ako.

"Masakit naman,"

Tumawa naman siya at saka siya naman ang sumubo ng pagkain niya, bali, share pala kasi sa pagkain.

Habang kumakain kaming dalawa ay biglang naging seryoso ang itsura niya. Napaisip naman ako 'ron.

"Kara, nilalapitan ka pa ba nung Patrick sa school mo?"

Napakunot naman ang noo ko, at agad akong umiling.

"Hindi, pero kaklase ko siya sa isang subject. Ka-group ko siya."

"Hindi kayo nag-uusap ah?"

Tumango naman ako at saka ngumiti. "Hindi ah!"

Ngumiti rin naman siya at saka niya ako sinubuan muli, feel na feel ko rin naman.

"Basta. H'wag na H'wag mong kakausapin ang gagong iyon," sabi pa niya.

"Uy!" Tinampal ko ang bibig niya. "H'wag ka magmura, kumakain ka.."

Tumango naman siya. "Basta, Layuan mo ang isang iyon. Sabihin mo agad sa akin kapag kinausap ka ng isang iyon at nang maupakan."

"Grabe ka naman!" Nag-aalangang sabi ko, paano na lang sa reporting? Ka group ko si Patrick! "Wala ba dapat akong kausap sa school?" Tanong ko.

"Wala kang lalaking kakausapin."

Napakunot naman ang noo ko, "Paano si Sir?" Tukoy ko sa teacher ko.

"Pwede ang girls, 'wag lang ang lalaki, Kara."

"Eh si Joel?" Tukoy ko sa isa ko pang kaibigan sa school.

Kumunot naman ang noo ni Travis at saka ibinaba ang hawak niyang plato na may lamang pagkain.

"Sino naman ang gagong Joel na 'yon? Gwapo ba 'yon ah?"

"Klasmeyt ko si Joel sa Chemistry, hindi mo ha siya kilala?"

"Tangina." Nagulat ako nang mapatayo sa inis si Travis. "Sinong Joel ba 'yan? Layuan mo yan."

"Bakit naman?" Tanong ko at saka tumayo na rin at sumunod sa kanya. Nakatalikod kasi siya mula sa pwesto ko.

"Wag kang makikipag-usap sa mga lalaki kung ayaw mong magselos ako."

Napatigil ako at halos mamilog ang mata ko sa sinabi niya. Napanguso pa ako at hinawakan ang braso niya. "Pero, bakla si Joel eh."

Mabilis na humarap sa akin si Travis at saka siya nagsalita, "Talaga?"

Tumango naman ako at bumalik na sa pwesto ko.

"Ayos! Baka sa akin pa magka-gusto ang isang iyon."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Hindi pwede."

Naramdaman ko naman si Travis sa tabi ko, na ngayon ay ngingiti-ngiti na pala. "Bakit hindi pwede?"

"H'wag kang gagawa ng kalokohan para magselos ako."

Humalakhak naman si Travis at saka ako inakbayan. "I will,"

Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko habang si Travis ay pumunta sa banyo saglit para magpalit ng damit, mag-aalas diyes na rin kasi ng umaga at mayamaya lang ay dadating na ang kameeting niya, Mabilis rin namang natapos ang pagpapalit niyang iyon ng damit.

"Okay ba?" Tanong niya sa akin sabay pogi sign ba.

Napatawa tuloy ako at saka nag-okay sign naman.

"Pahiram ng phone mo." Sabi niya.

Tumango naman ako at inabot ang cellphone ko sa kanya.

Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin niya doon, pero hinayaan ko nalang. Tinignan ko nalang ang paligid ng buong opisina niya. Ang ganda talaga ng opisina niya, bakas na bakas ang tunay na kayamanan.

"Oh, ito na."

Kinuha ko ang cellphone ko sa kanya at nagulat ako nang napalitan na pala niya ang lockscreen ng cellphone.

Kinuha ko ang cellphone ko sa kanya at nagulat ako nang napalitan na pala niya ang lockscreen ng cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatawa naman ako na may halong kilig.

"Ang gwapo mo talaga."

Ngumisi naman siya at saka niya ako mabilis na hinalikan sa pisngi. Nagulat ako 'ron!

"Talaga ha?"

"Hmmmm...... Oo."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon