Kabanata 20

40K 712 14
                                    

"Promise me, you'll be good.."

Kasalukuyan kong inaayos ang laman ng backpack ni Travis. Ala-sais pa lamang at ready na agad umalis si Travis para makapaghanap ng trabaho.

Tumango ako at saka nilagay ang isang bote ng tubig sa loob ng bag niya. "Ubusin mo ang baon mo ah!" Sabi ko at isiniksik rin sa loob ang ilan pang mga skyflakes at saka ng lunch box niya, "Huwag kang magpapalipas ng gutom, at H'wag mo rin ako kalimutang i-text.." Sabi ko.

Tumango naman siya at binigyan pa ako ng panakaw na halik sa pinsgi. "Ikaw naman, mag-iingat ka dito sa bahay natin...." Aniya at saka isinara ang nakabukas na bintana. "H'wag na H'wag kang magpapapasok ng kahit sino dito sa loob..."

Muli akong tumango at nang maayos ko na ang bag niya ay iniabot ko na sa kanya, isinukbit rin naman niya agad iyon sa likod niya. "Sana matanggap agad ako sa trabaho.." Aniya.

"Matatanggap ka niyan! Ikaw pa!" Ngiting sabi ko at tinupi ng kaunti ang long sleeve niya hanggang siko.

Nang makarating kami sa may pintuan ng bahay ay agad niya akong hinalikan. "Please be safe. I love you, baby..." Sabi niya nang matapos ang halik.

Napangiti naman ako at bahagyang napangiti. "Mag-iingat ka rin, at mahal din kita.."

Nang makaalis si Travis ay agad akong naghanap ng magagawa. Inumpisahan ko nalang na linisin ang halos kabuuan ng bahay, at mamaya bago mag-tanghali ay magluluto na ako ng pagkain para sa aming dalawa ni Travis.

Bandang alas nuebe ng umaga habang pinupunasan ko ang mga bintana ay nakatanggap naman ako ng text na galing kay Travis.

Baby, Nandito na ako sa bayan, Hindi ako tinanggap sa unang kompanya na in-aplayan ko.

Napapikit ako at saka nag-reply sa kanya.

Okay, basta mag-iingat ka at huwag mong pagudin ang sarili mo.

Hindi na nag-reply pa si Travis kaya napag-desisyunan ko na bumili na lang ng ulam sa labas.

Pagkalabas ko ng bahay ay sumalubong sa akin ang mangilan-ngilang mga bata na naglalaro sa daan. Maglalakad na sana ako pero may lumapit na babae sa akin.

"Bago ka pa lang dito?" Tanong ng babaeng hindi ko naman kilala.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Ako nga pala si Nelda. Sa isang apartment lang ako nakatira," Aniya sabay turo sa katabi naming apartment. "Oo nga pala, asawa mo ba 'yung lumabas kanina rito o boyfriend mo pa lang?"

Pasimple akong napangiti, "Ah, boyfriend ko po. Hindi pa po kasi ako pwedeng magpakasal dahil 16 palang ako.."

"Jusko day!" Napalatak si Ate Nelda sa sinabi ko, "16 ka pa lang?!"

"Opo, kaka-sixteen ko lang po last month." Saad ko.

"Eh 'yung boyfriend mo?"

"Twenty one na po.."

Napatango-tango na lang si Ate Nelda. "Sabagay, Nung nag-asawa nga ako at nabuntis eh 18 years old ako, bata pa ako nun at nagtanan kami ni Erik. 'Yun nga, dito kami nakarating ni Erik sa Cabanatuan, galing kaming Zambales.." Sabi pa niya, "Nagtanan kayo ng boyfriend mo noh?" Tanong pa niya.

Wala akong magawa kung hindi ang tumango na lamang, "Crush nga nila Deena ang boyfriend mo! Panay ang sigaw nila kanina dahil kilig na kilig nang makita nila ang boyfriend mo. Pero h'wag kang mag-alala sa mga kapitbahay nating iyon, mga mababait naman iyon at may mga anak na. Nagwapuhan lang talaga sila sa boyfriend mo.." Humahalakhak na sabi niya.

Napangiti naman ako at saka saglit na nagpaalam sa kanya. Kailangan ko na kasing bumili ng uulamin.

Mabilis naman akong nakabili ng lutong ulam. Hindi na ako nagluto dahil kukulangin na pala kami sa budget ni Travis. Sa tingin ko naman ay magugustuhan ni Travis ang sinigang na binili ko pa sa may karinderia.

Nauna na rin akong kumain dahil mamaya pa naman ang uwi ni Travis, tinirhan ko nalang siya ng uulamin niya para mamaya.

Habang naghuhugas ako ng hugasin ay narinig kong tumunog ang cellphone ko.

Agad kong pinunasan ang basang-basa kong kamay, at binasa ang text ni Travis.

Pauwi na po ako. :)

Napahinga ako ng malalim at saka mabilis na nag-type.

Natanggap ka ba sa trabaho? Mag-iingat ka pag-uwi!

Sana lang ay natanggap na sa trabaho si Travis para kahit papaano ay maging maayos naman ang buhay namin dito. Ako nga, parang gusto kong maging labandera sa kapitbahay namin. Sabi kasi ni Ate Nelda ay naghahanap siya ng labandera sa kanila.

Pagkatapos kong maghugas ng mga plato, ay saka bumukas ang pintuan ng bahay. Sumalubong sa akin si Travis na agad akong hinalikan sa labi.

"Baby ko, kumain ka na?"

Tumango ako at tinuro ang ulam na tinira ko para sa kanya, "Tinirhan kita ng ulam."

"Mamaya na ako kakain.." Sabi niya at umupo sa maliit na sofa sabay lapag ng backpack niya, "Sabi ng apat na kompanyang in-applyan ko ay hindi sila naghi-hire ng Engineer ngayon dahil kakatapos lang ng Job Fair sa kanila.."

Umupo naman ako sa tabi niya, "Tapos?"

"Ayokong umuwi ng walang trabaho.." Bahagyang kumunot ang noo niya, "Kaya tinanggap ko nalang 'yung offer nila na maging Driver ng kompanya.." Hinawakan niya ang kamay ko at saka pinaghahalikan iyon, "Di bale, minimum naman ang sahod ko don,"

"Oh, bakit sobra-sobra ka namang maglambing sa akin ngayon?" Sabi ko at saka pinisil ang pisngi niya.

"Aray!" Reklamo niya habang himis-himas ang pisngi niya, napatawa naman ako. "Namiss lang kita! Ayaw mo ba 'nun?! Namimiss ka ni Travis..." Napakagat ako sa labi ko at saka pasimpemg napangiti nang sundut-sundutin niya ang tagiliran ko.

"Tumigil ka Travis!"

Halos mapahiyaw ako nang magbuhad siya sa harapan ko at saka mabilis akong hinalikan, "Hindi mo ako pinagbigyan kahapon..." Sabi niya nang huminto siya sa paghalik sa akin, "Sabi mo ngayong araw mo ulit ako pagbibigyan!"

"Travis! Wala akong sinabi!" Naiinis na sabi ko. Wala akong natatandaan na may sinabi akong ganun sa kanya.

"Sssshhhhh.... Kapag naman nakabuo na tayo, promise hindi na kita laging pipilitin.." Agad ko siyang tinulak nang maalala kong mayroon pala ako ngayon,

"Ano?! Bakit mo ako tinulak?" Napasimangot si Travis, "Kagabi pa 'ko nagpipigil, ituloy na natin 'to!"

Mabilis na umiling ako sa sinabi niya at saka tumayo, "Mayroon ako ngayon, Travis. Hindi ako pwede."

Napatawa naman ako nang inis na napakamot si Travis sa ulo niya, "Bakit hindi mo agad sinabi?! Tangina naman oh!"

"Trav, akala ko ba hindi ka na magmumura?"

Napailing naman siya at saka mabilis na tumayo, "Sa banyo na nga lang!" Inis na sigaw niya at saka pumasok sa loob ng banyo.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon