Kabanata 1

60.5K 1.1K 42
                                    

Narito na naman ako sa loob ng isang napakalaki at napakagandang mansyon ng mga Santos. Ako na naman kasi ang pinapunta ni Mama rito dahil masakit na naman ang balakang niya, kaya wala akong magawa kung hindi ang sumunod na lang.

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang huli kong masaksihan si Sir Travis rito, ang huling beses eh, 'yung pinalabhan pa niya sa akin ang mga briefs niya.

"Kara! Ikaw pala 'yan, Mama mo?" Tanong sa akin ni Manang Tessa habang nagwawalis sa napakalawak na living room ng mansyon, tinignan ko ang winawalis niya pero wala naman akong makita na kahit na anong kalat rito.

"Masakit ho ang katawan." Sagot ko.

Tumango naman siya at itinuro ang maganda at ma-engrandeng hagdanan. "Sa Kwarto ni Sir Troy ka maglinis dahil wala siya rito." Sabi pa niya,

Tumungo na ako paitaas at hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha lalo na ngayon, ilang beses na akong nakapasok sa bahay na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako magsasawang purihin ang napakagandang bahay na ito,

Maraming pinto ang sumalubong sa akin, sunod-sunod pa nga sila na sa tingin ko'y naglalaro sa apat o limang pinto.

Nakita ko sa may tapat ng isang pinto ang walis at isang pandakot, may mop na rin itong kasama kaya 'yung kwarto na 'yung siguro ang lilinisin ko ngayon. Hindi ko naman kasi alam kung saan nagka-kwarto si Sir Troy.

Naglakad ako patungo 'ron at marahan kong binuksan ang pinto. Mabuti na lamang at hindi naka-lock.

Napalunok ako nang makarinig ako ng mga halinghingan sa loob. Inilibot ko ang tingin ko at nagulat ako nang makita ko si Sir Travis na nakahiga habang may humahalinghing na babae sa harapan nito.

Agad akong napatakio sa bibig ko at hindi mawala ang pamimilog ng mata.

Hindi ko masikmura ang kung anong ginagawa nila. Bumilis rin ang pagtibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.

"Sht babe, I'm near!" Ungol ni Sir Travis.

Doon na ako tuluyang napapitlag at hindi ko namalayang nahulog na pala sa sahig ang hawak kong walis na agad na nakalikha ng ingay.

Agad silang napatigil at tumingin sa gawi ko.

"Fuck! What are you doing here?!" Ani Sir Travis na nanlilisik na mata. Agad akong tinalaban ng takot.

"P-Pasensya na po, mali po ang kwartong napasukan ko." Sabi ko at mabilis na sinara ang pintuan.

Agad rin akong napasandal sa mismong pintuan na iyon nang masara ko ang pintong iyon, napahawak rin ako sa dibdib ko na sa puntong ito ay pabilis na ng pabilis ang pagtibok.

Tila ba ngayon lang pumapasok sa isipan ko ang ginagawa ni Sir Travis kasama iyong girlfriend niya, napalunok pa ako ng ilang beses bago nagpatuloy na lamang sa baba.

Siguro nga, ipagtatanong ko na lamang kay Manang Tessa kung nasaan ang kwarto ni Sir Troy na dapat ay lilinisin ko.

Natagpuan ko si Manang Tessa na nagluluto sa kusina ng mansion. "Oh, natapos mo na agad?" Takhang tanong naman niya sa akin.

Umiling ako at tila ba balisang napasagot. "Hindi ko po alam kung saan ang kwarto ni Ser Troy."

Napapalakpak naman siya at saka hininaan ang apoy sa gas tove.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin! Pang-apat sa dulo, yung kulay blue na pintuan."

"Salamat po."

Nagtungo na ako sa kwarto pero nang makadaan ako sa kwarto ni Sir Travis ay tahimik na ang loob, wala na kasi akong ingay na naririnig pa rito.

Binilisan ko pa ang lakad ko patungo sa kwarto ni Ser Troy. Pinasok ko agad at mas lalo akong namangha nang makita kong organisado ang gamit niya, wala nga yata akong maiipon na kalat rito dahil sa tingin ko naman ay naoakalinis ng kwarto niya, naiwan pa nga ni Sir na bukas ang aircon pero hindi ko na pinatay, may nakalagay kasi na automatic naman daw iyon at totoo nga, bigla-bigla kasing namamatay ang aircon na iyon kahit hindi ko naman pinapakialamanan.

Nagwalis lang naman ako at pinunasan ang mga gilid-gilid sa kwarto niya. Matapos 'non ay wala na, pero hindi ko naman aakalaing aabutin pala ako ng halos trenta minuto sa paglilinis lamang ng kwarto ni Sir Troy, hindi ko kasi maipagkakaila na malaki talaga ang kwarto ni Sir na animo'y pang master bedroom na nga, mas malaki pa nga yata ang kwartong ito kaysa sa bahay namin.

Matapos kong maglinis ay agad kong ibinaba ang mga alikabok na naipon ko, pagkababa ko pa lamang ng hagdan ay sumalubong na sa akin ang nag-aalalang si Manang Tessa.

"Ano pong problema?" Tanong ko dahil pansin ko ang pagkakatuliro niya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay.

"Kara! Si Señorito Travis! Nagwawala, hinahanap niya kanina 'yung batang babae na pumasok raw sa kwarto niya, at ikaw lang naman ang bata na nasa itaas kanina." sabi niya.

Napakagat labi ako at napakunok, nakaramdam na rin ako ng sobrang kaba. Naku, hindi ako pwedeng mapatalsik sa mansyon na ito lalong-lalo na si Mama, tiyak akong mapapagalitan ako ng inam ni Mama lalong-lalo na si Tatay.

Sumibol pa ang mas lalong kaba sa dibdib ko at hindi ko malaman ang gagawin. Bigla ring pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Manang Tessa na ngayon ay nasa harapan ko pa rin.

"Ano kamo? Bata po?" Tanong ko.

Tumango ito at agad na namilog ang mata.

Hindi na ako bata. Dalaga na ako! I'm fifteen years old, katunayan nga ay magsi-sixteen na ako next month!

Tinignan ko muli si manang na hanggang ngayon ay natutulala sa harapan ko.

"Manang.." Sabi ko sabay hawak sa braso niya, kumunot ang noo ko nang makita kong hindi naman ako ang tinitignan ni Manang kung hindi ang tao sa likod ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Señor Travis na may nanlilisik na matang nakatutok sa akin.

"Matuto kang kumatok sa kwarto ko, naiintindihan mo ba?!" Nanggigigil na tanong niya sa akin,

wala ako sa sariling napatango ng ilan pang mga beses. Kasalanan ko rin naman talaga, kung sana ay hindi na ako nagtangkang magtagal pa roon ay sana hindi na niya ako mahuhuli pa, "O-Opo, pasensya na po.."

"Badtrip!"

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon